Tuesday, September 4, 2012

para sa'yo sa future (kung di magugunaw ang mundo sa december)

dear future boyfriend,

hello there. ang tagal kitang hinintay ha.  di bale, sanay naman akong maghintay. kasama na nga yun sa hobby po ko e. ang maghintay. okey lang. nalilibang ko naman ang sarili ko. okay lang sa'kin basta ba dumating. hindi ka naman naghihintay kung walang darating di ba? o kung walang patutunguhan ang paghihintay mo. ang tawag dun pagtunganga o pagtengga kung nakanganga ka lang sa wala. deadma na nga.

dumating ka naman e.

salamat ha? akala ko kasi hindi ka na darating.

salamat at dumating ka sa buhay ko. sa totoo lang hindi ko naman inakalang darating ka. e sus. malay ko ba. emo ako e. pakiramdam ko wala namang magkakagusto sa'kin. katawan lang habol ng mga tao sa'kin. joke lang. kasi wala. wala silang hahabulin sa'kin.

e humabol ka.

salamat sa paghabol. buong buhay ko kasi ako ang habol ng habol. sa deadline... sa jeep... sa mga taong ako lang ang nagmamahal. mabuti na lang nandiyan ka. pinaexperience mo na hindi lang aso ang pwedeng maghabol sa'kin. nakakatouch. pakiss nga. akala ko ako ang laging taya, akala ko magiging burong talangka na ako. mabuti na lang, nandiyan ka.

okay lang. hindi naman ako mahirap mahalin e. haha. oo. at hindi rin ako mahal. fishball sa monthsary, up sunken garden tambay para sa anniv... sapat na yun. hindi naman ako maarte. may sogo naman at di mo naman sagot lahat. charot. haha.

salamat at nagtiyaga ka sa taong tulad ko na walang nagtiyaga kailanman. akala ko wala nang makakapansin. mabuti na lang hindi ko na kailangang maging ksp para sa'yo. salamat din at nakita kong pinagmamasdan mo ang fb ko. katakot. stalker? lol

pero hindi ko pa rin ibibigay sa'yo password ko. ano usisero? hehe. salamat sa tiwala. hindi naman ako makikipagchat kung kani-kanino. makikipagtext lang. hehe. joke. pero salamat at nirerespeto mo ang privacy ko dahil alam mo namang oras na sinilip mo phone ko masasaktan ka. hehe

pero salamat.
kasi natuto akong magtiwala.

may trust issues kasi ako e. salamat at nagtiyaga ka sa pagbasag nito at kinilala pa rin ako sa kabila ng mga isyu at drama ko sa buhay. salamat din sa pag-intindi sa trabaho ko na minsan hindi natutuloy lakad natin dahil sa mga biglaang meeting. salamat sa pagiging inspirasyon. :)

salamat at binasag mo ang sumpa ng pagiging single ko. haha

salamat ulit.

mahal kita. :)

your future boyfriend

3 comments:

  1. HAHAHA. Aliw naman nitong post na 'to. Darating yan! Sabi nga ni Big Brother, sa "takdang panahon." :D

    ReplyDelete
  2. haha yeah i know drama king. wag lang nga kami abutan ng end of the world. lol

    ReplyDelete
  3. Hindi naman siguro, may nakalaan para sa lahat..

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...