Sunday, May 26, 2013

aping-aping-api

kayang kaya nila akong tapak tapakan.
kayang kaya nila akong alipustahin.
kayang kayang kayan-kayanin.
kayang kaya nilang gawin sa aking lahat.

ang kasalanan ko lang ay maging mahirap kumpara sa kanilang mga mayayaman.

ang kaya ko lang gawin ay umatungal. mag-emote at magdrama and ask for awa and help sa mga kapit bahay. pakiramdam ko isa akong bida sa teleserye na sinasabunutan, inaapi at sinasampal sampal. kulang na lang ingudngod nila ako sa labahan o sabuyan ng asido sa mukha. bawal lumaban sa amo. bawal magreklamo. pwede na akong bumida sa planet of the api.

ang kasalanan ko lang ay maging mahirap at umasa sa kanila.
sabi nila hinding hindi mo pwedeng kagatin ang kamay ng nagpapakain sa'yo... pero ano yun pwede akong hampasin at sakalin nung kamay na yun? ano te? unfair lang? bawal kumontra? bawal lumaban?

sa bagay, lalaban pa ba ako? e kayang kaya nila akong pulbusin sa isang iglap, paulanin ng bala ang aking kalawakan at papulahin ang aking kalsada, karagatan at kalupaan in a snap. shet. so anong gagawin ko?

humingi na lang nang saklolo? hanggang kailan naman nila ako tutulungan? kapag nawala ang mga bully, pwede pa rin namang may dumating na panibagong epal... panibagong kontrabida na sisira sa buhay ko. ang masakit, ang kaya ko lang gawin ay humingi ng tulong, kahit gustuhin ko, hindi ko rin naman kayang ipagtanggol ang aking sarili. oh snap! poor me. literally poor me.

sabi nga ni angelica panganiban, ang pera niya hindi nauubos pero ang pasensiya niya kaunti na lang. ako rin katiting na lang ang pasensiya ko pero sa natitirang pasensiyang yan iniisip ko pa rin ang ibang tao. ang mga maapektuhan at matatamaan oras na  naglaho ito at sumilakbo ang aking damdamin.

pero kapag sumabog din ang aking damdamin at mag-amok, ako pa rin naman ang pagtatawanan. ako pa rin ang magiging talunan. mapapakata na lang ng bohemian rhapsody... 'but im just a poor boy and nobody loves me... ' awit ko, 'he's just a poor boy from a poor family spare him his life from this monstrosity', chorus pa nila habang binabagsak ang daang daang bomba mula sa himpapawid...

kaya nila akong itulak tulak...
takutin...
sindakin...
batuhin ng putik...

dahil isa lang akong pilipinas.

isa silang china at taiwan, mas makapangyarihan at mas mayaman.
ano nga ba naman ang aking laban?



4 comments:

  1. Kawawa na talaga ang pinas, ganun nalang kung ibully-bully.

    Wala kasi tayo panlaban...

    ReplyDelete
  2. ay trulili day. nakakafrustrate lang kasi.

    ReplyDelete
  3. fack akala ko umememote ko. haha

    ReplyDelete
  4. haha @citybuoy medyo medyo lang. lol

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...