so habang nasa email ako nahalughog ko ito na sinulat ko noon para sa isang writing org workshop nung college. haha shet ang dark ko lang nun. lol
***
Sa Room 308
Makulimlim ang araw ng Valentines. Nangangamba ang
mga nasa Luneta na baka ulanin ang kanilang pinaka-aasam asam na date.
Nagbabadya ang mga maiitim na ulap. Ngunit sa isang lumang Motel sa Maynila
nasisilip lamang sa siwang ng bintana ng Room 308 ang nagmamaktol na panahon na
sa oras na mapikon ay ibubuhos na lang ang luha sa nang-aasar na lupa. Ngunit
tila mas madilim pa sa itim na ulap ang namamayani sa loob ng silid. Walang
umiimik, wala ang mga maiinit na ungol at wala ang mga salitang nanlalambing.
Nakapinid ang lumang pinto ng Room 308 na kapag sinipa naman ng isang nagreraid
na pulis malamang bagsak ito at walang magagawa ang mga nagtatalik sa loob kung
hindi magtago sa mga mamantsang kumot. Ang mga dinding ay naninilaw na sa
kalumaan at may mga mantsa ng tubig sa kisame. Natutuklap na rin ang pintura
nito. Kama, salamin at kakarag-karag na aircon lang ang makikita roon. Tila walang tao sa nasabing kuwarto. Kapag
inusisa ang record sa receptionist doon malalamang hindi pala bakante ang
nasabing silid.
11:20 ng umaga. Nag-check-in ang isang lalaki na
suki na ng motel. Hindi yata siya nakapagaahit ngayon at medyo nangangayayat
kumpara sa mga nauunang pagdalaw doon. Room 308 ang paborito nitong kuwarto sa motel
dahil sa tuwing may nobelang katatakutan siyang sisimulan ay doon niya ito lagi
inuumpisahang isulat. Isasara ang lahat ng bintana at sa kadiliman siya’y
mag-iisip. Mga mantsa sa kumot o baka sa lumang bintana at pinto siya humuhugot
ng malalagim na inspirasyon. Walang paltos at laging best seller naman ang mga
nauumpisahan niyang nobela sa room 308.
2:17 ng hapon. Gaya ng inaasahan dadating ang
babaeng kasa-kasama ng manunulat. Pero kung ganoon siya kaganda papaano ito
nakatutulong na makapamuo ng mga pangitain sa mga malalagim na kabanata ng
lalaki? Baka siya ang bidang lalamunin ng manananggal o ang engkantadang sugo
ng kabundukan o ang anghel na tatapos sa mga demonyo sa simbahan o ang birhen
na sasagip sa baryong inaatake ng asuwang. Basta masyado siyang maganda para
pagkunan ng inspirasyon sa isang horror na kuwento.
4:07 ng hapon. May mga kalabog sa Room 308. Grabe
naman silang magtalik! Napakamaaksiyon! Valentines naman ngayon kaya pagbigyan
ang mga maiinit na damdamin.
5:54 ng hapon. Katahimikan. Napagod na siguro.
6:11 ng hapon. Nagsimulang magsulat ang lalaki.
Mahal kong Mikaela,
Happy Valentines. Happy nga ba? Sad Valentines - ayan masaya ka na? Iyan ba talaga ang gusto mo? Ito na yata ang pinakamalamig na Valentines natin, hindi naman Pasko. Hinawakan ko ang iyong kamay ngunit tila tangan ko ang isang natutunaw na halo-halo sa tag-init. Dumampi ang aking mga labi sa mga halik mong parang naliligaw sa mga bulubundukin ng Baguio. Nasaan ka na ba Mikaela? Mika? Mga rosas na binigay ko sa iyo tinanggap mo nga pero iniwan mo naman sa akin ang mga tinik, dinamay mo pa ang mga tsoklateng nakalimutan na sila'y matamis. Mahal mo pa ba ako Mika? Mikaela? Sa pag-indayog ng aking katawan sa sayaw na alam na alam natin ay tila nakaligtaan mo ang mga kumpas. Ang aking mga maiinit na haplos sa balat mong mas malamig pa sa Paskong walang regalo ay naging hangin. Happy Valentines Mikaela ha? Nakalimutan mo yatang may kasintahan ka. Tumingin ka sa aking mga mata ng marinig ang aking tinig. Wala na ang mga dating tagos sa pusong titig. Wala na ang... mahal mo pa ba ako Mika ko? o Mika ka na ng iba? Hinintay ko ang iyong sagot ng pagkatagal-tagal. Ilang mga yabag na rin ang dumaan sa tapat ng ating pintuan. Ugong ng aircon ang nagsisilbing awit, sa apat na sulok ng kuwarto umaalingawngaw pa rin ang katahimikan. Nakabibingi. Nalaman ko ang sagot ng pumatak ang luha sa iyong kanang mata. Nakalimutan na ng puso mong tumibok para sa akin, ang makaramdam. Ang bolpen na pinansusulat ko ngayon ay inabot ko sa iyo. Itarak mo sa akin. Hayaan mong tumigil na rin ang pagtibok ng aking puso. Sulatan mo ako ng liham sa aking kaloob-looban. Isulat mo ang mga bagay na nagpatigil at nagpalamig sa nararamdaman mong pagmamahal. Babasahin iyon ng aking katawan o bulagin mo na lang kaya ako gamit ang bolpen na iyan tutal pinakita mo na sa akin ang kadiliman. Mikaela, Mika bakit hindi mo na ako mahal? Binalik mo ang bolpen sa akin. Ang sabi mo ay isaksak ko sa iyong mabuti at hayaang kumalat ang kulay gabing tinta sa puso mong hindi na marunong makaramdam. Hindi ko yata kaya iyon Mika. Ganoon kita kamahal. Ang tugon mo, isulat ko ang aking pagmamahal sa iyong mga lamang loob, ang mga salitang puno ng pagsamba, mga tula ng pag-ibig at mga bersong walang kasing tamis baka sakaling magbalik ang pagtinging napaso na ng panlalamig. Ang bilin mo pa'y idiin ang bawat titik sa balat mong naghihintay ng aking init. Hindi ko talaga kaya ngunit sabi mo, kung talagang mahal kita ay hindi ako magdadalawang isip. Ika'y nagtanong kung mahal ba kita. Kay tagal kong napipi. Ilang mga yabag ang dumaan sa tapat ng ating pintuan. Ang ugong ng aircon ang nagsilibing awit sa apat na sulok ng kuwartong kay tahimik. Sinimulan kong itarak ang bolpen sa iyong dibdib. Ako ang nakaramdam ng abot langit na sakit. Sa aking pagpikit ako'y naging manunulat, isang makatang walang alam kundi ang mga tulang walang laman. Sinulat ko naman ang mga matatamis nating ala-alam, ang tintang itim ay naging mapusyaw na pula. Tamang-tama sa araw ng mga puso Mika. Paano ko ba tatapusin ang paglalahad sa iyong kaloob-looban? Sa iyong kaliwang baga ko nilahad na ikaw ang aking hininga, sa iyong tiyan ko naman inukit na ikaw ang bumubusog sa aking gutom na buhay. Sa labi mo kinuwento ko ang aking matatamis na halik at sa iyong puso ko sinulat ang isang liham ng pag-ibig. Happy Valentines inukit ko sa iyong pisnging kagaya ng kay kupido, sa iyong dila aking inalay ang pangalan kong maaari mong tawagin kahit kailan. Sa iyong mga palad sinulat ko ang ating tadhana na tayo'y magsasama kahit kailan. Ang liham kong ito'y dumadaloy sa iyong makinis na likod. Mahal mo na ba ako ulit Mikaela? Isang katahimikan ang kasagutan at ako'y nagising sa isang umagang makulimlim. Nang tumigil ang iyong puso sa pagtibok para sa akin, isa na akong malamig na bangkay.

Nagmamahal,
Isaiah
Isaiah
7:07 ng gabi. Nasulat na ng lalaki ang huling-huling titik ng isang liham na halos isang yellow pad ang haba. Mas nakabibingi na ang katahimikan sa silid.
7:10 ng gabi. Tuluyan ng binuhos ng mga ulap ang kanina pang buhat-buhat na
bigat. Nagsitakbuhan ang mga nasa Luneta sa pinakamalapit na lilim. Naging mas
matamis ang paglalapit ng mga katawan dahil naghahanap ng init sa mas lalong
lumalamig na paligid.
7:26 ng gabi.
Nag-check out na ang lalaki. Nagmadali itong naglakad sa ulan. Isa na namang nakaririmarim
na kuwento ang nasimulan niya sa Room 308.
Ang emo nito kalansaycollector! :P
ReplyDeletepagbigyan. college pa ako nyan. nyahaha bata pa nun pedeng mag-emo. lol
DeleteBagay na scoring dito yung mga trip hop or down tempo na music. Parang roads ng portishead. hehe! :p
ReplyDeleteis that a band? lol pwede ko namang i-google so i-gu-google ko na lang. hehe
Deletenarinig ko na. bagay nga. hehe
DeleteHaha! binara mo sarili mo :p
Deletenarealize ko may google nga pala. haha
Deletemahusay ang pagkakasulat. ang grado para sa akin ay A-
ReplyDelete:D
bat hindi pa A plus? lol thanks. hehe
Deleteehhh midterm pa lang kasi malayo pa finals baka mamaya sobra na sa A plus yung GWA ahaha.
Deletegrade conscious pa naman ako. chozzzz. haha
Deleteahaha naku ganun ba? sige na nga magbabago na ako ng grading system..
Deleteganda! - at to think dati mo pa ito nasulat. enjoyed reading it :)
ReplyDeletesalamat naman zaizai. hehe
Deletepwede itong isang episode sa (hmm let me think of a TV series na pwede) or music video, basta I think maganda visuals nito... and yung nisuggest ni nomad na music, I'll check it out too :)
ReplyDeletewow salamat glentot. hehe
Delete