Sunday, October 6, 2013

family dinner

tahimik na kumakain ang mag-anak sa hapag kainan.

clunk. clunk. clunk. sabi ng kanilang mga kubyertos. 

"paki-abot naman nung chopsuy." utos ni kuya.

"bakit ako?" sabi ni bunso. dinig na dinig ang pagrereklamo sa kaniyang boses.
animo'y nang-uusig.

matalim ang tingin ni kuya. bad trip pa dahil sa nangyaring laro kanina. mabilis namang i-aabot ni mama ang gulay kay bunso.

"kain lang ng kain. alam kong pagod ka rin."

tahimik na kukuha si bunso ng ulam. mas marami ito kumpara sa kanin na nakalagay sa kaniyang plato.

clunk. clunk. clunk. sabi ng kanilang mga kubyertos.

sabay na kukuha ng piritong manok ang magkapatid. isa na lang ang natira.  matitigilan si bunso.

"sa'yo na." mahinang sabi niya sa kaniyang kuya.

"sige... sa'yo na." sabi naman niya sa bunso.

titinidurin ito ni tatay. hahatiin niya ang piritong manok. ibibigay niya ang hita sa bunso at ang drumstick sa kuya.

tahimik ulit ang dalawang magkapatid na kakain.

clunk. clunk. clunk. sabi ng kanilang mga kubyertos.

ubos na ang kanilang pinagkainan. malinis na malinis ang plato ng magkuya. tila binuhos dito lahat ng natitirang lakas.

"sinong nakatokang maghugas ng pinggan?" tanong ni mama.

"sa sabado pa malalaman." sabi ni kuya.

tatayo si kuya matapos uminom ng tubig. titignan niya ang kaniyang bunsong kapatid, may ngising nang-aasar.

"basta yung talo, utusan."

pero alam naman nilang dalawa na kahit anong mangyari sa huling laro nila sa sabado, sa bahay na yun pa rin uuwi ang hihiranging kampiyon at sa tahanang ding yun maririnig ang echo ng kantiyaw ng nanalo sa uuwing luhaan.

ang post na ito ay inspired sa sibling rivalry nina jeric at jeron teng.
go uste! :p 

32 comments:

  1. Dahil ako ay panganay sa 3 kong lalaking kapatid, to the millionth power ang relatability ko sa post mo.

    Di lang ako maka-relate dun sa Teng brothers. Di kasi ako mahilig sa basketball. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha pogi sila parehas kaya worth panoorin. well hindi naman ako mahilig pero malakas lang ang aking school spirit. haha

      tatlo lang kami tas dalawa kaming lalaki. haha well ang mga kuya bullies talaga. nyahahaha.

      Delete
    2. Haha, grabe bully talaga ang mga kuya? Kung sabagay, medyo bull ako pero un na kasi paglambing ko. Mas bully nga lang yung bunso. Kawawa ako roon sa asaran.

      Delete
  2. Competitive! Pero nakakatuwa pagiging competitive nila. :)

    ReplyDelete
  3. Ang hirap mamili kung sino ang mas cute sa dalawa! Hihi! Pero sige USTe na lang din ako., suportahan taka! Tanggal na kasi yung team kung saan ako nagtatrabaho, at yung team kung saan ako nag-aral. Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. truth. hihi. salamat sa suporta. haha

      anyway anu-anong team ba ang mga yun? hehe

      Delete
    2. Ay teka. Kaninang umaga napanood ko yung interview nila at parang mas cute yung younger Teng! Go DLSU! Balimbing much? Hihi.

      Basta yung isa Blue, yung isa naman Maroon. Lol

      Delete
    3. hehe e di ikaw na atenista slash isko. lol

      actually mas cute nga ang younger teng. hihihi

      Delete
    4. Wag tayong patinag dahil cute sya! Go USTe pa rin tayo! Haha. Lasallista kasi yung ex kong loko loko. Kaya USTe na lang tayo! RAWR!

      Delete
    5. bwaahaha ang lalim pala ng hugot mo e. lol

      Delete
  4. Go USTe!!! haha Natuwa din ako nung nalaman kong magkapatid pala sila. Ang hirap siguro iseparate yung personal sa propesyonal ano? At saan nanonood ang kanilang ama? Naka berde ba siya o dilaw? lolz

    ReplyDelete
    Replies
    1. thomasian ka rin ba? hehe

      oo. curious din ako sa dynamics nila sa bahay. haha naghiwalay ang kanilang parents sa panonood. yung isa sa uste tas yung isa sa la salle bleachers. hehe

      Delete
  5. sporty silang mgkapatid , sino kya ang maghuhugas ng plato ... hmmmmmmmmm

    ReplyDelete
  6. Replies
    1. Eh kasi napa "Aaaaahhh' ako pagkatapos ko basahin.

      Parang sa una di mo maintidihan tapos nung natapos mo na basahin -- Aaaahhh

      Ganern :)

      Delete
  7. ahaha nakakatuwa naman ito...

    I watch basketball. Naglalaro kami ng 2 kong kapatid nito pero may sarili kaming version ang malupit lagi silang mag kakampi ako, 1 man team.. kahit na ako ang laging talo fair pa rin ang distribution namin ng hosehold chores haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. medyo lang pag tinopak ako... every once in a new moon.... once in a new moon?

      Delete
  8. nalulungkot ako dahil di ako nakakarelate. hahaha

    #onlychildproblems

    ReplyDelete
    Replies
    1. shet. atleast nakukuha mo raw lahat ng gusto mo. haha
      #inggiterangmiddlechild

      Delete
  9. Haaay. May mga bago na palang UAAP Cuties sa UST. LOL

    Back in 2005 si Hubalde and yung isang letter A ang pangalan ang soopah crush ko hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihihihi. thomasian ka rin seth?! cool! hehe

      jusko nung nag-aaral pa ako parang walang cute. lol

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...