Friday, October 18, 2013

when we first met

i heard a lot of things about you.
about your past love. your family. your heartbreaks. 

about you. how cute you are. how nice you are. 

...so it's not unusual to long for that day na makilala kita. 

it was past eight, if my memory served me right, nagmadali akong pumunta sa resto sa baba ng pinagtratrabahuhan nating company. bago pa ang resto na ito nun. galing ako sa pinto sa likod, magkasama na kayo ng kaibigan ko.

sa wakas. nakilala na rin kita. 

totoo nga. cute ka. 

...at unang pagkikita palang natin, parang ang tagal na nating magkakilala. 

nag-usap tayo ng mga palabas na pinupanood natin. nagshare din ako ng mga palabas na hindi mo pa napapanood. binigyan mo ako ng tv series na papanoorin. sabi mo maganda iyon. 

ang dali dali mong magustuhan. yung pagsingkit ng iyong mata kapag ngumingiti ka. kung paano ka makipag-usap, ang gaan-gaan. 

mabuti naman at nakilala na kita. 

at alam mo, unang kita ko palang sa'yo nun, may kung anong kinilig sa puso ko. para akong nagdadalaga nung mga oras na yun. 

gusto na kita agad. 

nauna kang umalis. naiwan kami ng aking kaibigan. 

"kumusta siya?" tanong niya sa'kin.

"gusto ko siya." 

ngumiti siya. alam niyang sa sarili niya na tama siya at magugustuhan kita. ikaw kasi ang bago niyang nililigawan. palibhasa, galit ako sa ex niya kaya madali na lang sa'kin mahulog ang loob kung sino man ang bago niyang ipapakilala.

ginusto ko kayong magkatuluyan. para syempre maging friends din tayo. 

...para mapalapit din tayo sa isa't-isa.

pero at the back of my mind, i know, hindi kayo magwowork out dahil panakip butas niyo lang naman ang isa't-isa di ba? eventually, as predicted, nagkabalikan ang kaibigan ko at ang ex niya (na hanggang ngayon hindi pa rin kami okay) at nagkabalikan din kayo ng ex mo. naging tulay yun para maayos ng kaibigan ko ang relasyon niya sa kaniyang ex. at ako, parang naheartbroken din nung hindi kayo naging mag-on.

alam mo ba, seryoso, nalungkot ako nun. parang nabasted din ako e. parang ako rin yung tinalikuran. sinermunan ko ang kaibigan ko na ang tanga tanga niya para pakawalan ang good catch na kagaya mo. 

hindi na tayo nagkita ulit. pero salamat sa twitter, instagram at facebook. nakakausap pa rin kita. mas nakilala kita dahil sa mga post mo. sorry. hindi ako stalker ha. pero kapag nababasa ko ang pangalan mo sa feed ko, hindi ko maiwasang mapatingin.  

kulay green ang chatbox mo. kinumusta kita. sabi mo irereto mo ako sa isa sa mga kaibigan mo. i was hesitant. kasi... ewan. hindi ako sanay sa ganun. nbsb nga ako hindi ba? naalala mo? hanggang sa may makita akong pogi na friend mo. 

"ang cute ng kaibigan mo." 

"sino?"

sinabi ko ang pangalan. 

"boyfriend ko yan." 

natawa ako. ang awkward and ang funny lang at the same time. ang cute niya. bagay kayo. perfect couple. mukhang mahal na mahal niyo ang isa't-isa. pero kebs. sabi ko crush ko pa rin ang boyfriend mo. natawa ka lang. 

lumipas ang mga panahon, ang interaction lang natin ay mga like sa instagram at mga comments sa status. nagkaboyfriend na yung irereto mo dapat sa'kin. may panaka-naka pa ring chat. sorry hanggang ngayon hindi ko pa rin napanood yung nireto mong tv series. nasira yung hard drive ko e. 

alam mo bang napapangiti mo ako kapag nilalike mo ang mga pictures ko sa instagram? at sa tuwing nilalalike mo rin status ko sa fb parang tanga akong napapangisi. 

naalala ko tuloy nung unang araw tayong nagkakilala. nung gabing tinanong ako ng kaibigan ko kung gusto ba kita. mula noon, hindi pa rin nagbabago ang sagot ko...

gusto kita.







ang post na ito ay dedicated sa crush ko sa work. haha lagi kasi akong tinatanong kung sino ang crush ko sa work. at ngayon ko napagtanto kung sino. siyet. haha ngayon may masasagot na ako. :p ang teenybopper ko lang. haha kaya kung mabasa mo man ito, crush lang naman. wag lalaki ang ulo. pero... er crush nga kita. haha (assuming na binabasa ito hano?)

10 comments:

  1. Replies
    1. after "aaaaah" "hmmmm" naman?

      haha

      may subtext ba ang comment na yan? haha

      Delete
  2. Shit ka Kalansay! Kinikilig ako, di ko alam kung bakit. *hahaha*

    Naalala ko lang din kapag nila-like ng crush ko anything na i-post ko sa FB. Parang lumulundag ang balunbalunan ko. *hihihi* Kaya nakaka-relate ako. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha nakakakilig di ba? ibang klase ang effect. ang sad nga e. kasi huling kita namin ng personal yung first meeting namin.

      sana makita ko siya ulit sa office. haha

      Delete
    2. Sayang, siya na sana ang mag-break ng NBSB status mo. *hehe* Habang may buhay, may pag-asa.

      Kung wala ng pag-asa, di bale, marami namang nabibiling gayuma sa Quiapo. *ba dum tss!*

      Kung wala ng Hope, di bale, may Marlboro pa naman. Pwede din Fortune. *ba dum tss!*

      *hahaha* Takte, ang corny ko na. Epekto ng kilig. :P

      Delete
    3. haha hindi na ako umasa sa kaniya no. shet. feeling ko hindi siya papatol sa'kin. haha

      haaay. magayuma nga. lol

      anyway ayan hindi tuloy yung pbo keme bukas. destined na magkita tayo some other time! lol

      Delete
  3. Iiiiih. Kinilig ako para sayo. Ang ganda pati ng pagkakasulat. Teka ngingiti at tatawa muna ako sa kilig. Hihihi

    At least kabeki si crush. While sa field ko napakamasculine. Apat lang ata kami na beki sa buong company tapos may 2 atang kloseta so 5 lang nasa market sa pwede magibg crush at dun pa sa kloseta ako nahumaling

    ReplyDelete
    Replies
    1. solomot. haha

      may dagdag nga na kilig pag alam mong kabeki si crushie kasi may illusion ka na pwedeng magkatuluyan kayo. haha

      kilig much.

      Delete
  4. Kumakathryn Bernardo!!!

    Lagyan mo pa ng kaunting landi! Subukan mo magpaka-Maja Salvador!

    ReplyDelete
    Replies
    1. jusko ayaw ko naman magpakarubi at maging bida kontrabida.

      ...hmm pero napaisip ako. agawin ko kaya?

      CHAROT LANG. hahaha

      hanggang kathryn bernardo levels muna ako. ahaha

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...