Friday, December 27, 2013

santa can you hear me?

dearest santa, 

kapag ba sumulat ako sa'yo kahit tapos na ang pasko makikinig (or magbabasa) ka pa rin?
well dearest santa malas mo, sa pilipinas hanggang feast of the three kings pa ang christmas season. so pasok pa rin ang letter na itey. 

may internet ba sa north pole? baka kasi hindi mo mabasa ito. kailangan ba snail mail or email? siguro naman makabago na ang gamit mo tutal ang mga kids ngayon hooked na sa kanilang mga gadgets. i hope nagmodernize ka na rin kahit na ang gamit mo pa rin sa pagdedeliver ng gifts ay ang iyong flying reindeers at ang paglanding sa chimney. 

teka, sa bata ka lang ba nakikinig? kapag ba nilalabasan na ng tamod ang bagets hindi ka na nagpapadala ng gift sa kaniya? kasi hindi na siya inosente? ano ba kasi ang definition mo ng child? below 18? or dapat hanggang grade six lang? kasi if ever, matagal na akong wala sa criteria. hindi na ako matatawag na bata. baby face pwede pa. charot. hihi. pero wag ka santa dati sinusubukan ko pa ring magbayad ng syete sa jeep kapani-paniwala pa rin. haha. so naughty na ako nun? howell...

wait, one more thing, beki ka rin ba? bakit kasi santa claus imbis na santo claus? confused? kaya ka nanirahan sa north pole mag-isa kasi hindi mo nakita ang lalaking kaparehas mo ng trip? oh no... don't tell me isa kang pedophile na nagpipiyesta sa mga duwende?! shet. ang dark naman. sounds like isang matandang lalaking preying for young boys. shet. pero hindi naman siguro no? sobra naman. 

sa totoo lang nung bata pa ako hindi ako naniniwala sa'yo. pigment ka lang naman ng western imagination hindi ba? diyoskoday naman kung merong santa dito sa tropical country of the philippines. wala ditong snow. at walang reindeer. so wag echosera! 

pero sa totoo lang, ngayon gusto kong maniwala na sa'yo. may gusto kasi akong hilingin. gusto kong magbalik sa akin yung christmas excitement gaya noong bata ako. yung feeling na pagpatak pa lang ng september kilig na kilig na ako dahil magpapasko na...

that tinkling in your nose habang naamoy ang puto bumbong at bibingka? yung okay pa rin sa'yong makatanggap ng mug or ng picture frame tuwing christmas party?  yung feeling na hindi makapaghintay mag-12 sa noche buena para lang mabuksan ang mga regalo.... at yung excitement sa tuwing pinupunit ang gift wrapper...

those little things... 

simple lang naman yun santa hindi ba? hindi na kailangan ng mga duwende mong gumawa ng laruan. siguro isang pitik mo lang pwede na? babalik sa puso ko ang lahat..

namimiss ko lang yung pakiramdam na matuwa kapag bago ang damit na isusuot sa christmas party kasi alam mong minsan ka lang makabili ng bago at special yun kasi gagamitin mo na rin yun sa araw ng pasko. yung tinatamad kang bumangon sa misa de gallo pero gugustuhin mo pa rin magsimba kasi pag-uwi niyo mula sa simbahan, pwede nang kumain ng noche buena.

yung feeling na natatakot kang ibigay sa nanay mo yung nakuha mong aginaldo kasi alam mong kukupitin niya. haha at walang kaso kung bente o sampung piso ang i-abot sa'yo. basta mapapangiti ka na. yung tapang-tapangan kang magsisindi ng five star pero mabilis ka rin namang tatakbo palayo... 

hay. oo ang dami kong namimiss....

yung malaya akong nakakabond mga pinsan ko at tiyahin/tiyuhin ko. yung simple lang. walang complications ng adulthood. yung umaasa lang ako sa aginaldo pero okay lang kung wala. yung may meaning pa ang mga christmas carols at masaya kang mag-aabot sa mga nangangaroling... 

yung paskong alam ko noong bata ako.

...

kaya mo bang maibalik ang mga paskong yun, santa?

please naman. 

anong dapat kong gawin? kailangan ko bang kumpletuhin ang simbang gabi next year para lang maibalik sa akin ang dating pasko?

...yung paskong unti-unting nawawala habang tumatanda ako.



xoxo,
kalansay

20 comments:

  1. sa hindi malamang kadahilanan, nalungkot ako ng slight sa post mo. I guess dahil maaga din nawala sa aking ung "kilig" ng pasko. sa pag ihi na lang kasi ako kinikilig ngayon. Hay ang bilis ng panahon nga naman...

    ReplyDelete
    Replies
    1. well baka nga dahil tumatanda na tayo. ahaha....

      nakakamiss lang maging inosente. hehe. i mean that child like wonder we have when we were kids...

      Delete
    2. huy inosente pa naman ang ilong ko :p

      Delete
  2. So sad. Di ka rin ba napapangiti kapag nagbibigay ka? When I got older and gor a job, excited akong magbigay ng Christmas gifts at ng ampao.

    Anyway, I feel you, kalansay. Keri mo yab. Mababago rin yan in time

    ReplyDelete
    Replies
    1. syempre napapangiti... pero tapos? haha.

      well siguro nga holiday blues lang. or i just miss those days na mas carefree lang. :)

      Delete
  3. Natatawa ako sa letter mo kay Santa. May parts na inosente, may parts na bastos. *hehe*

    Napaisip din ako sa feelings ko towards Christmas. Di na ko ganun ka-excited gaya ng dati. I guess dahil ako na ang hinihingan ng aginaldo ngayon imbes na baligtad. Kung dati ay iniisip mo kung ano ang matatanggap mong regalo, ngayun naman ay iniisip mo kung single ka pa rin ba sa Pasko. Lels.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha true yan sepy.


      hay. iniisip ko tuloy baka pambata na nga lang ang kapaskuhan. ngayon lunod na kasi tayo sa commercialism. chors. hahaha

      Delete
  4. some how nakakarelate ako sayo....

    Noon pag sapit ng September excited na ako makakita ng mga commercial sa TV na ang tema ay pasko.... kasi nararamdaman ko ang kasayahan ng mga bata kahit na matatanda pagsapit ng pasko...

    hindi ko nga alam kung dahil sa crisis na hinaharap ng pilipinas ang dahilan kung bakit hindi maramdaman ng mga tao ang pasko....

    Minsan nga pakiramdam ko (pakiramdam ko lang naman) ang mayayaman ngayon ang nakakaexperience ng pasko dahil sila lang ang can afford to celebrate the season pero since likas sa mga pinoy ang maparaan kahit paano ay nairaraos ng mga nasa masa ang pasko...

    Haist in a way I miss being a kid...

    ReplyDelete
    Replies
    1. actually kahit may celebration. may kulang pa rin.
      kahit manalo ka sa raffle. kahit makakita ka na ng bonggang fireworks. kahit may pera kang pambili ng gift sa iba o sa sarili mo.

      basta. yun nga. there is something missing. or baka masyado lang akong nastuck sa childhood memories ko ng pasko... hehe howell lilipas din ito kasi patapos naman na ang holiday. lol ang nega ko masyado. haha

      Delete
    2. totoo naman sobrang saya ng season ng christmas noong bata pa tayo ewan ko ba as time goes by parang nagiging casual na araw na nga lang sa iba ng christmas...

      Delete
  5. Sabi ni santa isa sa mga criteria para ma grant ang wish mo na feel mo ulet ang christmas gaya nung bata ka ang ndi paglandi at merlat na pipiliin mo at hindi ang mga pogi , bet ? Kaya mo? Hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala siyang karapatang bigyan ako ng ganyang kundisyon dahil kahit kailan hindi niya ako binigyan ng lalaking magmamahal sa akin.

      chos. nadama mo ba ang bitterness? hahahahahaha

      Delete
  6. I felt the same way at first but then there are many small things that make this season special to me :) You will probably get the feels again soon though :) Love is almost in the air!

    ReplyDelete
  7. hihi naalala ko din na tinatago ko pinamaskuhan ko kasi kukunin lahat ng nanay ko

    pwde pa din naman mamasko gow ka lang haha

    ReplyDelete
  8. Sana sagutin ka ni Santa! May ilang araw pa bago 3 kings. :)

    Manigong Bagong Taon, Kalansay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana nga. haha

      happy new year city buoy born and raise in south detroit... chos.

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...