Wednesday, January 15, 2014

teleseryephile

gabi-gabi silang umeere mula umaga, tanghali at gabi. kahit saan ka maglipat ng channel, meron at merong teleserye in different forms and different names: (abs-cbn ang nag-coin ng teleserye though ito na rin ang nakasanayang tawag sa mga soap opera sa bansa.) gma calls them teledrama at may iba[t-ibang permutations din ito gaya ng mga fantaserye, telefantasya, sineserye, kilig-serye, tawa-serye at iba pa.

jusko bata pa lang ako nanonood na ako nito at masasabi kong isa ang teleserye sa mga naging impluwensiya ko sa buhay kung bakit ako nag-communication arts noong college at maging sa aking panulat. haha yeah i'm soooo jologs like that.

pero syempre sa dinami-rami ng mga teleserye na pare-pareho na lang, meron pa ring tumatak sa akin at talaga namang kapag tinanong ako ito ang isasagot kong pinakapaborito kong mga teleserye ever not in particular order! :)

1. maging sino ka man (abs-cbn, 2007)

"sa mundong pinipilit kang magbago... may mananatili pa bang totoo?"
oh sabi yan sa trailer. pak. haha

college ako noong umere ang maging sino ka man at talaga naman may i watch talaga ako kapag hindi masyadong busy at walang assignment sa school at sa org. na-hook ako sa buhay nina eli, jackie, jb at celine. sabi nga sa wikipedia entry nito: its a soap opera that tackles intricate filial relationships among the elite and the poor and how the social economic classes respond to each other, longing for love and justice, maging sino ka man revolves around the lives of four main characters who each are searching for purpose, freedom, and happiness.

it's character driven hindi gaya nung ibang soap opera at madadala ka talaga sa acting ng mga cast. whole package din dahil bukod sa nakaka-hook na story and characters, ang ganda rin ng cinematography at direction. oh ha? 

well sino nga ba naman ang hindi madadala sa mga pasabog at makabagbag damdaming linya. levels ng "i never said that i love you..." at "i maybe a slut but im the best slut in town!" kabog na kabog di ba?

heto ang trailer ng maging sino ka man:



heto naman ang mas makabagbagdamdaming extended trailer na puro characters lang.


2. kung mawawala ka (gma, 2002)

ito ang number one kapag tinanong ako kung anong pinakapaborito kong teleserye sa kapuso station. tungkol ito sa ala romeo-juliet na love story nina rosa camilla at carlitos mula sa magkalabang political family. pero ang tunay na kapana-panabik sa serye na ito ay ang struggle ng pamilya montemayor to stay in power at ang complicated family tree ni governor leandro montemayor at ng kaniyang tatlong babae na sina iluminada (the legal wife), czarina (the kabit) at ni alicia (ang true love). oh ang intriguing di ba?

may pagkapolitical ang milieu ng nasabing serye at sa kuwento makikita natin ang pag-angat ni gov. montemayor sa kaniyang political ladder mula governor hanggang sa malacañang kakabit pa ang kaniyang magulong family life.

at dahil wala akong makitang full trailer heto ang music video with scenes from the soap:


3. encantadia (gma, 2005)

i love the fantasy genre. the magic, yung feeling na nadadala ka sa ibang mundo. kaya ito ang naging charm sa akin ng telefantasyang encantadia.

ang encantadia ay isang lugar na nahahati sa apat na kaharian: ang lireo, adamya, hathoria at sappiro. bawat isa ay may pinangangalagaang gem na nagbibigay ng balanse sa buong kaharian. ngunit masisira ang katahimikan ng encantadia dahil nais ng hathoriang makuha ang iba pang gems para sila na ang maghari sa buong realm.

commendable ang production design. panalo ang pagkakasulat ng mythology at may sariling langguage pa. talagang pinag-isipan kaya naman hook ang lola. hehe

ito nga pala ang main theme ng encantadia, ang "tadhana" performed by bayang barrios na btw maganda rin at masarap pakinggan habang naglalaba. charot. haha


4. dugong buhay (abs-cbn, 2012)

biases aside, maganda ang teleseryeng ito. haha ayoko nang magsabi pa ng dahilan baka masyado na akong maging bias. nyahaha.

the story is about revenge and forgiveness. tignan niyo trailer pa lang panalo na! nyahaha


5. iisa pa lamang (abs-cbn, 2008)

isang babaeng kumabit sa mas matandang lalaki para mabawi ang dating kaniya.

ano ang nakakahook sa teleseryeng ito? the campy lines. sample?

"Ang ganda-ganda mo na ngayon Katherine, sarap mong patayin!" - Isadora

"Look who's here, my favorite step-mother. Ang dating gold digger in red, isa na ngayong merry widow in black." - Scarlet

'Ha! Kung sa bagay mas bagay sayo yang itim, kakulay ng budhi mo!' - Scarlet

"Bakit ka nga ba nakaputi? Para pagtakpan ang mas maitim mong budhi?" - Katherine

"Gusto mo ikaw ang itali ko? Pasweet sweet ka pa diyan, ganid ka rin pala!" - Isadora
"Ang bigat naman ng salitang 'yon Isadora, pero totoo, oo ganid ako! At gusto ko, ni singko walang matira sa'yo! Kaya manginig ka na Isadora, dahil uubusin ko ang lupang tinatapakan mo!" - Katherine


"Pagod ako. Huwag kang loloko-loko. Baka gusto mo ihampas ko tong bag kong mas mahal pa sa'yo!" - Katherine
"Sabagay, ako rin eh, pagod makipaghampasan. Next time, ok? In fairness ah, ang ganda ng damit mo. Pahiram minsan ha." -Isadora


nakakaloka hindi ba? nyahaha. more more sample? heto oh. iisipin mo kung drama ba or comedy ba ang pinapanood mo. haha i lavsit! :p


hindi pa sapat? oh heto may fan na nagcompile ng mga linyahan!  super nakakatawa. haha nung college inaabangan namin kung ano ang pasabog na linya the night before para magamit sa school. nyahaha.

anyway that's all. haha kung kataka-takang walang pangako sa'yo, kay tagal kang hinintay at basta't kasama kita (na btw ay mga magagandang serye rin) ay dahil hindi ko sila napanood dahil kapuso ang tv namin noong mga panahong iyon.

at kung dito baliw na baliw ang mga tao sa koreanovelas, fyi lang sa africa, vietnam, singapore, indonesia, malaysia, cambodia at china nabaliw din sa pangako sa'yo? hindi lang yun, sobrang adik daw ng mga south east asians (pati africans!) sa ating mga teleserye kaya sikat na sikat doon ang mga programs natin. sa cambodia pa nga ay may sarili silang remake ng pangako sa'yo..

heto ang episode two ng cambodian remake. haha ang cool lang panoorin.


at ito pa ang bongga, si ricky davao at lorna tolentino nagfrefrench dahil sa french dubbed kay tagal kang hinintay! coolness. hehe



bongga hindi ba? :p okay sabaw wala naman akong mapost sa isa ko pang blog. i need inspiration. haha. baka kailangan kong manood ng teleserye... or makipagpalitan ng bata... or magkaamnesia...

23 comments:

  1. lately, di na ako masyadong nakakaabang ng mga serye.. siguro ngayon, Got To Believe tsaka Honesto na lang...

    siguro ang talagang inabangan ko lang eh Mula Sa Puso.. hs days.

    bakit biased ka sa dugong buhay? kasali ka dun? hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha ok tumawa na lang ako. lol

      oo nasubaybayan ko rin ang mula sa puso noong bata ako. pinanood ko rin the movie nyan sa sine. haha

      Delete
  2. Di ako masyado maka-relate. Pero pinanood ko dati yung Encantadia... Para kasing Final Fantasy yung story. :P

    Bukod sa Encatadia at Endless Love series, My Husband's Lover lang ang natapos ko ng buo. Hindi dahil sa for LGBT ito, kundi dahil sa ganda ng direction at story.

    Dati pumunta ako ng Vietnam. Yung mga taxi doon may mini-TV para sa pasahero. Nakita ko may kino-commercial na Pinoy teledrama. Yung kay Carla Abellana at Mike Tan sa hapon ata yun. Naka-dub ng Vietnamese na language. *hehehe*

    ReplyDelete
    Replies
    1. oh yes super sikat nga raw sa vietnam ng mga teleserye natin.

      noong nagpunta naman akong cambodia chinika sa akin ng local doon na hit nga raw mga shows natin sa kanila.

      bongga ang encantadia. ilang eps lang napanood ko ng my husband's lover, maganda nga. hehe

      yung unang endless love lang napanood ko. kung koreanovela, ibang blog post naman yan. haha ang paborito ko queen seon deok at baker king! hehe

      Delete
  3. Aliw ako sa pag basa nitong post mo, at may ineffort pang clips from youtube :)

    Sinubaybayan ko ang Dugong Buhay dahil kay Papa EJ hihi :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha bongga! :p

      oo effort sa paghahanap ng mga kembot. haha

      Delete
  4. Feeling ko tagabundok ako. Sa encantadia lang ako nakarelate sa list mo. Hahaha.

    In hindsight, anlako talaga ng impact ng spanish teleserye. Anlaki ng similarities with filipino teleseryes. Lalong lalo na sa mga linya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yep. actually ang mexican soap operas ang nagpabilis ng pacing ng mga filipino soap operas.

      kung dati may buntis sa plot sa pinoy soaps at nine months nga siyang tatakbong buntis, sa mexican soap ang buntis sa monday ep nanganak na. so dahil dun napabilis na rin ang takbo ng kuwento. hehe

      Delete
  5. Anampalucha hindi ako makarelate. haha. sa mga nabanggit mo wala ako nasubaybayann. huling teleserye kong sinubaybayan ay yung Monica Brava.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakaloka grade school pa ako noong pinalabas ang monica brava! hahaha

      Delete
  6. 1) maging sino ka man
    - maniwala ka man o hindi tatay ko katandem ko dito ahaha

    2) kung mawawala ka
    - Cogie Dominggo at si Sunshine Dizon ito di ba? lolz

    3) encantadia
    - Avisala!!! Evi Esti Lireo!!! lolz sino ang hindi makakalimot sa pangalawang fantaserye na ito na pinanabikan ng mga tao na mahilig sa mga may pagka anime na characters ahaha

    The rest di ko na masyado na abutan. Hindi ko natapos yung Juan dela Cruz eh lolz.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. ang ganda kasi di ba? haha
      2. TAMA! hahaha
      3. naman! super love ko ang encantadia. :)

      Delete
    2. gusto ko naman though hindi ko siya favorite. hehe

      Delete
    3. nyahaha eh si galema? ahaha

      - isa pa pala na maganda na napanood ko na medyo futuristic at fictional na setting eh yung Rounin ng abs kaso di ko naman nasundan yun ahaha.

      Delete
    4. hehe hindi ko napapanood ang galema.

      Delete
  7. Replies
    1. ay nakagawa na kami. haha

      heto oh: blogserye2013.blogspot.com. hehe

      Delete
  8. Maging sino ka maaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan! hahaha! nakaka disappoint lang yung book 2

    Di ko bet ang Jericho Rosales ng pangako sayo sa Cambodia tska parang low budgeted siguro yung nag franchise niyan parang TV5 lang dito sa pinas. Hahahaha!

    Dyan ko naman minahal si Cherry pie sa Iisa pa lamang. At aliw na aliw ako sa awayan nila scarlet. Hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ko rin bet yung book 2. haha pilit kasi. lol

      well actually may pagka-cheap nga ang production from cambodia pero its good na they remake our stuff. hehe

      bongga nga si cherry pie sa iisa pa lamang. uber funny. hehe

      uy long time no blog nomad! :)

      Delete
    2. Oo nga eh super long time wala na kasi ako maisulat dry na dry ang creative juices ko eh

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...