Friday, April 25, 2014

epilogues

before this, there were alternate endings.
"Ngunit malay mo, ang inyong landas ay magtagpo muli.
- Epilogue."
JM
...at nagtagpo nga kami noong nakaraang linggo kung saan kami unang nagkita.
tila sinulat sa aming mga bituin ang aming muling pagkikita ni enchong enchongan.

hinalikan niya ako ng mahigpit, walang pakialam sa mga nakatingin sa sauna. 
"sinabi ko na nga ba, magkikita tayo ulit."  hindi na niya ako pinakawalan pa sa kaniyang bisig. tama nga ang sinasabi sa mga rom com na napanood ko, tila tumigil ang oras at tumugtog ang isang masamyong musika.

nagtama ang aming mga mata. mga makahulugang ngiti. dating gawi.
naiintindihan ko na kung bakit hindi siya hinabol ng aking mga paa.

walang kilig.
walang musika.
init at usok lang sa sauna.

tinuldukan na ang aming muling pagkikita.
wala nang dapat pang magsimula dahil ang naudlot na kuwento ay tapos na.

***

sa dilim paikot ikot lang ako.
hinahanap ka sa bawat labing tatama
sa labi kong sabik mabasa ng laway mong dala ang bukang liwayway
na aking hinintay sa mahaba at malalamig na gabi.
hinabi ko na ang ating kapalaran, sa aking magagaspang na palad
na kasiping ko sa magdamag dahil wala ka pa rin
sa aking bakanteng papag.
nainip na sa kakakapa sa mga bulubunduking bukol
na wala namang mga kahulugan kundi ang
mga pigil na pagnanasa
na ikaw lang ang kayang makapag-bigay.
hinanap kita sa mga sulok ng iba't-ibang kuwarto,
tinanaw sa mga malalawak na hacienda
hindi pa rin kita makita.
nakipagpatintero sa mga anino sa pader
na akala ko ikaw ang may likha
iba't-ibang pisngi na ang hinaplos
wala pa rin akong napala.
tagu-taguan pala ang laro, at ako ang taya.
sisigaw na sila ng 'burong talangka'

***

alas dos na ng madaling araw sa kahabaan ng morato.
pauwi na ako habang iniinom ang aking paboritong vitamilk soy milk drink, malamig ang tangan kong bote pero dama ko ang init ng gabi.

may pasalubong sa aking lalaking may hitsura, tila nagmamadali sa kaniyang paglalakad.
may nakasunod sa kaniyang isa pang lalaki. siguro kasing edaran ko sila, mga mid 20s. pinalo siya sa pwet.

"ang sweet naman." sabi ko sa isip ko.

pero isang malutong na putang ina mo ang pinakawalan ng pumalong lalaki. may galit.
natigilan ako pero matapos ang ilang sandali ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. may nakahintong taksi sa hindi kalayuan.

doon kasi nanggaling ang ikalawang lalaki. marahil ay doon din galing ang una.
inulit ni lalaki 2 ang pagmumura kay lalaki 1.

bakas na bakas ang galit sa mukha ni lalaki 2 pero nakatingin lang sa kaniya si lalaki 1.
sinulyapan ko sila nang medyo makalayo na ako sa dalawang lalaki.

"bayad na kaya sila sa taxi?" naisip ko.

pero umalis na ito at hindi na sila hinintay pa.
muli ko silang tinanaw.

si lalaki 2 lang ang nagsasalita. hindi ko na narinig pa ang kanilang pinag-usapan.
...o kung meron man silang pinag-usapan.

nagpatuloy lang ako sa paglalakad palayo.
hindi ko na inalam pa ang kanilang ending.

gaya ng happy ending sa mga teleserye, pinatawad ni lalaki 2 si lalaki 1 kahit na gaano pa kalaki ang galit nito. marahil ganoon nga ang pagmamahal, kaya nitong burahin ang mga naglalakihang kasalanan na inakala natin ay hindi na natin pa kayang mapatawad. 

***

chinika ng boss ko ang tungkol sa isang manghuhula na karamihan sa hula niya ay nagkakatotoo. gusto ko na ayaw kong magpahula.

paano kung may masamang mangyari?
paano kung maparanoid ako tungkol sa future?
paano kung malaman kong hindi na pala ako magkakaboypren kahit kailan?

shet. ang saklap naman inay! lol

***

mula sa aking unang nokia phone na 3310 na talagang inaliw ako ng todo sa paglalaro ng space impact at sa pataasan ng high score sa snake. best in palit din ako ng casing, operator logo at nagcompose ng ring tone. 


noong college, niregaluhan ako ng aking orgmates ng 8210 with matching surprise partey sa isang rehearsal ng play. naiyak ako. shet. charot. haha grabe nung high school mga mayayamang kaklase ko lang ang may 8210 kaso nung college naluma na siya. charooot. haha 


at ang grad gift sa aking 2630 na buhay pa ngayon at gamit ni inay. sinamahan din nito ako sa aking unang work hanggang sa ngayon with matching 'kapag tumibok ang puso' as ringtone (at nasurvive niya ang pagkakalaglag sa toilet. haha). at ang aking huling nokia na c3 na nagpaexperience sa akin ng qwerty! haha hindi sana ako magswiswitch phone kung hindi lang dahil sa instagram. haha

so para sa aking naging apat na nokia phones na kahit ilang beses bumagsak ay daig pa ang pusa sa nine lives ang kaso hindi kinaya ang pagbili ng microsoft. nokia will always be remembered dahil naging malaking bahagi ito ng buhay ko. 


goodbye nokia, goodbye my friend. 


***

gusto kong maging busy.
para hindi sumasagi sa isip ko ang mga bagay bagay.
minsan kasi sa gitna ng katahimikan ng isip mo, mas maraming ingay ang kayang pumasok.
mga bagay na mapapatanong ka rin.
hanggang sa kukuwestuyin mo na ang iyong sariling kakayahan.
mabubuhay ang mga takot.
takot sa hinaharap.
duda sa sarili.
maghahanap ka na ng mga kakulangan, na hindi mo naman dati hinahanap.
gusto ko na ngang maging busy.
lunurin ang sarili sa trabaho.
para wala na akong ibang proproblemahin
kundi ang kathang isip na buhay ng mga nilikhang tauhan.


25 comments:

  1. "gusto kong maging busy.
    para hindi sumasagi sa isip ko ang mga bagay bagay.
    minsan kasi sa gitna ng katahimikan ng isip mo, mas maraming ingay ang kayang pumasok."

    Eto ang sabi ni Paulo Coelho

    In solitude, they will discover the love that might otherwise arrive unnoticed.

    In solitude, they will understand and respect the love that left them.

    In solitude, they will be able to decide whether it is worth asking that lost love to come back or if they should simply let it go and set off along a new path.

    In solitude, they will learn that saying ‘No’ does not always show a lack of generosity and that saying ‘Yes’ is not always a virtue.

    And those who are alone at this moment, need never be frightened by the words of the devil: ‘You’re wasting your time.’

    Or by the chief demon’s even more potent words: ‘No one cares about you.’

    The Divine Energy is listening to us when we speak to other people, but also when we are still and silent and able to accept solitude as a blessing.

    And when we achieve that harmony, we receive more than we asked for.”

    Galing yan sa manuscript found in Accra

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay panalo naman pala ang chika ni manong paulo. hehe

      well hindi naman talaga puro negativity ang dala ng katahimikan. hindi lang siguro maiwasang paminsan sumagi ang kung anu-ano.

      howell.

      Delete
    2. May sagot si Amang Paulo dyan. Sabi niya

      "Although anxiety is part of life, never let it control you"

      So kahit may maisip kang kung ano ano, never let it control you :)

      Delete
    3. infairness laging may sagot yang si manong paulo ha! hahaha ayaw niyang paawat! hehe

      Delete
    4. At may sagot siya uli...



      charot!

      Delete
  2. I enjoyed reading your post.... It got me thinking....

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you vitori vita. welcome to my closet. hehe :p

      Delete
  3. Sana dumating na ang taong magpapa-busy sayo. :)

    ReplyDelete
  4. Minsan, sadyang walang pinatutunguhan ang mga ugnayang nagsimula sa parausan.

    So much for dreaming.

    ReplyDelete
    Replies
    1. i know right jm! hehe

      parang building, kung pangit ang foundation, wala pa mang lindol, matitibag at matitibag din ito.

      Delete
  5. Nokia will always be remembered ... gusto ko ring mag-try magpahula kahit minsan lang sa buhay ko ... minsan kapag naging busy ka naman , ang gusto mo naman ay magpahinga at mag-relax , ganyan talaga ang buhay , kung ano ang wala ang siya namang hinahanap : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah lagi namang ganun kung ano ang wala siya namang hinahanap pero mas okay naman na magpahinga at magrelax ang iniisip ko kaysa kung anu-anong bagay. hehe

      creepy pero exciting magpahula. hehe

      Delete
  6. ang galing! sa isip ko parang napapanuod ko ang mga eksena sa iyong kwento :)

    ngayon ko na lang ulit naalala yang 'space impact' na laro sa 3310 hehehe, dati yun na ang pinaka 'da best' na laro sa cellphone lols

    ok naman daw maging busy, sabi nila mas magiging masaya ka kung marami kang ginagawa kaysa isipin ang mga bagay na wala ka rin namang mapapala...

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat jep. hehe

      oo kaadik ang space impact! intense yun. hehe

      oo naman. masarap ding magpakabusy. more more blessings at yun nga mas may ibang inaabala ang utak mo hindi sa kung anu-ano lang. hehe

      Delete
  7. Kailangan may musika agad agad koya? Baka di mo lang kilala yung tao kaya ganun. I am a firm believer that love is never found in first sight (or for how many sights for that matter) but rather falling in love is an intricate process. Prang sayaw ng dalawang pusong nagkakahiyaan sa una. Kwentuhan tayo minsn.

    Parang totoo ang musika na yun sa pgibig. In my case, Ikaw at Ako ni Johnoy Danao and also Breakeven which some may find weird haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo naman. i believe na dapat may music, spark at magic agad. ewan. I'm romantic that way. haha well i guess iba yun sa love at first sight and yes i believe in love na isa rin siyang proseso. pero kung walang musika sa umpisa, i guess pano kayo sasayaw sa iisang saliw ng musika di ba? haha

      sure. chikahan tayo minsan. :) lez gow!

      Delete
  8. Random post na pag binasa ko rhyme na rhyme ... Naintriga ako sa enchong enchongan total tinpos mo na akin n lng cya chos!

    ReplyDelete
  9. Agree ako sa reply mo sa comment ni JM, pag pangit ang foundation, halat sa picture. Ay iba ata haha! It's great to escape from time to time, to live with the characters and scenarios we create pero don't forget to live in reality - minsan harsh sya pero that's life :)

    ReplyDelete
  10. mas nakarelate ako sa cellphone chever lolz.

    ilang beses na din ako nag palit ng cp ito ay dahil sa lagi ako nadudukutan ahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha naku maging alisto! maraming mandurukot na naglipana sa kalye! baka hindi lang phone manakaw sa'yo.... pati asawa! charot! haha

      Delete
  11. walang batas na nagbabawal managinip ng gising...heheheheh kaaliw naman tong post mo heheh

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay sinabi mo pa! ang sarap managinip ng gising! haha

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...