a.
nakaposas na lumalabas mula sa lumang gusali ng bulwagan ng katarungan sina estrada, revilla at ponce-enrile kasama sina napoles at iba pang sangkot sa pork barrel scam. maaaring napinturahan sana ito o hindi sana tumatagas mula sa kisame ang tubig na galing sa ulan kung nagamit sana ang kanilang mga ninakaw. wala silang pakialam. taas noo silang nakatingin sa mga camera ng press, may mga ngising sumasalubong sa bawat flash at bawat giling ng camera, mga ngising tila sila pa ang mga biktima ng bulag na hustisya. wala silang hiya, ang kakapalan ng mga mukha ay wala na sa kanilang bokabularyo na tila bahagi na ng mga salitang latin na simbahan na lang binibigkas.
tinaas ng tatlong senador ang kanilang mga kamay na nakaposas, animo'y mga nagsipagwagi sa kanilang mga laban. alam nilang sila raw ay hinusgahan lamang at pinintahang may sala ng media. pinaninindigan nilang sila'y mga inosenteng tupa sa mga nagiinterbyung reporter.
umiiyak naman ang kanilang mga supporter. umuusal ng mga dasal, naghihintay sa diyos na siya ang magtatakda ng totoong hustisyang pinagkait sa mga santong pulitikong napulitika lamang sa kanilang mga mata. nakaharang sa kanila ang mga pulis, nais nilang makalapit kina estrada, revilla at ponce-enrile, makayakap man lang. makisimpatya. para sa mga ito, wala silang kasalanan, nakakuyom ang kanilang mga kamay na puno ng kalyo dahil sa paghahanap buhay.
pinapasok isa-isa ang mga mandarambong sa police car na naghihintay sa labas ng bulwagan. masikip sa kapal ng tao ang kanilang dadaanan.
naghihintay na sa kanila ang kanilang mga malalamig na rehas.
b.
naghahanda si bong. hindi siya mapakali sa harapan ng salamin.
inaayos ng kaniyang asawang si lani ang kuwelyo ng kaniyang barong tagalog.
siya'y napangiti.
sa wakas, natupad na nila ang kanilang mga pangarap.
sa totoo lang hindi nila ito inasahan.
hindi nga ba't ilang beses na rin naman napatunayan na ang mga pilipino ay may amnesia.
tila walang nangyari.
sumakay si bong sa itim na mercedez benz, handa na siyang ihatid sa quirino grandstand,
manunumpa na siya bilang ika-16th pangulo ng bansa...
c.
malakas ang ulan ngunit pinagpapawisan siya sa kaniyang matigas na higaan.
tak. tak. tak. tak. tak. tak.
parang ratatat ng baril ang bagsak ng ulan sa kaniyang bintana.
hindi siya makatulog, hindi dahil sa kunsensiya dahil wala naman siya nun kundi dahil sa tigas ng kaniyang higaan.
hindi na siya sanay matulog sa manipis na kutson.
hindi na rin siya sanay matulog sa kuwartong walang aircon.
hinahanap hanap ng kaniyang katawan ang karangyaan.
"mga tarantado. hinayaan nila akong mabulok dito e ako naman ang nagpayaman sa kanilang lahat. mga putang inang walang utang na loob!" reklamo niya sa kaniyang sarili.
tak. tak. tak. tak. tak.
tila makulit na stalker ang ulan na kumakatok sa kaniyang bintana.
"tang ina. pag hindi sila gumawa ng paraan... ilalaglag ko sila... sama-sama kaming masisira!"
hindi makatulog ang kaniyang utak, hindi matanggap na siya lang ang sumasalo ng lahat ng kanilang mga kasalanan.
paikot ikot siya sa matigas na kama, nag-iisip kung paano sila ilalaglag isa-isa o kung anong sakit ang kaniyang huhugutin para makalabas sa impiyernong lunggang kumukulong sa kaniya.
napabuntong hininga at nauhaw, tumayo siyang namumuo pa ang pawis sa kaniyang noo.
tak. tak. tak. tak.
humalo sa ulan ang putok ng baril.
nagkulay dugo ang pader.
dilat siyang humandusay sa malamig na sahig.
d.
nanginginig ang tuhod niya habang nakasiksik siya sa gilid ng kaniyang tinatawag na selda pero kung tutuusin isang maayos na dorm na iyon para sa isang estudyanteng nagtitipid na makahanap ng mauupahan sa u-belt. sabi nga ng mga kritiko, mas okay pa ang kaniyang kinalalagyan kumpara sa mga bunkhouses ng mga nasalanta ng bagyo noong nakaraang taon.
hindi siya makagalaw sa sulok. naglalaban ang dagang kasing laki ng kaniyang machong braso para mabuhat ang kaniyang magandang leading lady at isang ipis na ga-hita niya ang lapad para makandong ang kaniyang mga huthuterang querida.
marahas ang laban, upakan ng daga at ipis. sinagpang ng daga ang pakpak ng ipis noong magtangka itong lumipad. napunit ito at siya'y bumagsak. ito naman ang kinuhang pagkakataon ng daga para kagatin ang ulo ng kalaban. madiin. may bangis. naghiwalay ang ulo ng ipis mula sa kaniyang kumikisay kisay na katawan.
tumingin ang mapulang mata ng daga sa kaniya. mas lalo siyang nanghilakbot at mas lalong pinagsiksikan ang katawan sa madilim na sulok.
tumalon ito patungo sa kaniya.
siya'y napasigaw, para siyang nasa horror film na paniguradong ilalahok niya sa mmff.
walang nagawa ang kaniyang pagiging action star.
pinagkakagat siya ng daga.
nabingi ang lahat ng mga nagbabantay sa kaniyang nagmamakaawang sigaw.
ni isa, walang nagbigay ng tulong.
e.
tanda man ang binansag sa kaniya, hinding hindi siya mamamatay.
dahil balak niyang ibenta ang kaniyang kaluluwa sa demonyo.
ngunit pagbaba niya sa impyerno, siya'y nadismaya, mukha nga namang tanga kung babayaran niya ang kaniyang sarili.
*base ang title na give yourself goosebumps na kinahiligan ko noong bata ako na pwede kang mamili kung saan tutungo ang kuwento at kung paano ito mag-eend.
natawa ako sa tag na doomsday lolz mukang dooms day nga ang labas ng taohan sa kwento mo lolz.
ReplyDeletetrue. dapat talagang tapusin na ang kanilang mundo. charot. hahaha
DeleteGoosebumps ang pagsakay ni Bong Revilla sa Mercedes Benz tungo sa kanyang inauguration. Hindi ko ma-gets kung si Napoles ba tinutukoy mo sa letra C.
ReplyDeleteJM Mugen
ang creepy nung eksenang yun di ba? hindi ko talaga matatanggap! baka magpatiwakal ako. charot. hahaha
Deletemedyo siya nga sa letter c. haha baka kasi macybercrime law akez e. choz. haha pero kung maka-name-names naman ako sa iba walang takot! haha
Minsan, naisip ko na ding baka mag suicide sila. Antagal! Pero ang sama din pala. Hay. Ang hirap. Nakakainis. Nakakabanas. Ang sarap tadtarin ng mga daliri nila! Ang sarap i-display sa Lunena nf hubo't hubad... Hmmm.. Si Jolo! Pwede na. Lol.
ReplyDeleteNaku, pag nangyari ang isa sa mga ito, goosebumps talaga!
Si Jolo? Really Babykat? *hahaha*
Deletehindi ko kaya yung puwede na si jolo. hahahahaha
Deletenakakastress di ba? :( grabe. bakit may mukha pa silang kayang iharap sa ating lahat? :(
Babysepsep, Oo. Si Jolo! Silang dalawa ni Jeane. Tatakbo sa Grandstand nang hubo't-hubad.... Haha Tapos babarilin! Letse silang lahat! Peste! arrghhhhh!!!!!!!
DeleteHindi na ko kinilabutan, kasi parang sanay na ako sa ganitong mga eksena. Hindi naman sila ang mga unang nangurakot at nagnakaw sa gobyerno, meron pang worse. But oh well, nakaka-depress lang isipin. :(
ReplyDeletePero ang husay ng pagkakasulat ah. Award-winning! :)
Deletehay actually nakakasad lang nga na namamanhid na tayong mga pinoy sa mga ganitong ganap.
Deletekasi nagiging bahagi na ng sistema ang kurapsiyon. siguro nga ilusyon ang pilipinas na walang bahid kurapsiyon. pero sana kung magnanakaw na lang din, nakikita sana nating may naibabalik sa bayan na serbisyo di ba? ugh.
salamat sa award. charooot. hehe :p
I concur, this is was superbly written. Katabang utak!!!! :D :D Ipagpatuloy KC :)
DeleteSalamat madam yccos! Kakilig nomon. Hihi
Deletehaaayyyy...usaping pulitika? i hate it! hayyy!!! nicely written as always. apir!
ReplyDeleteSalamat senyor! Hihi apir!
DeleteWell well nakakabwisit ang pulitika lately! Grr!
Ang ganda ng pagkakasulat mo. Clap! Clap! Clap!
ReplyDeleteKaabang-abang ang mga eksena. Pero sa totoong buhay gusto ko na talaga matapos na ito dahil nakakasawa na kasi ang mga ganitong eksena.
Salamat naman sa pagdalaw madam. Hihi
DeleteNaku ako man ay nangangarap na matapos ang mga sumpang gaya ng mga yan!
very nice. andami namin choices how it would end.
ReplyDeletefeeling ko kundi man maging presidente si bong e mapapalaya siya
Jusko te hindi ko talaga kakayanin pag nanalo si bong revilla!
DeletePag nangyari yun lipad na lang ako diyan! Charot.
A. sila'y parang mga bidang kontrabida hahaha o kaya kontrabidang feeling bida :)
ReplyDeleteB. kung magiging presidente pa si bong revilla, kahindik-hindik na pangyayari na ito... sobra na ang ka-shungahan ng taong bayan kapag ito ay nangyari. gugustuhin ko na talaga mag-iba ng citizenship hahaha dahil hindi ko na alam kung anong uri pa ng mamamayan meron sa ating bansa kapag nangyari ang letter B! lol :)
Kapag nangyari ang letter b, ang tawag dun ay katapusan na ng mundo. Hahaha sheeet mas kakayanin ko pa siguro ang end of the world kaysa manalo si bong revilla!!! Charot!
DeleteKung magka totoo ang letter b, pupunta ako sa Quirino grandstand at babarilin ko yang si Bong. Makulong man ako, magiging bayani naman. O di ba, tindi ng galit haha :)
ReplyDeleteI love this te, so well written...gave me goosebumps indeed!
Ay zai sasamahan pa kita sa balak mo! Chosss! Hahahaha
DeleteSalamat phowz! :)