Friday, August 15, 2014

the time machine

fascinated ako sa posibilidad na someday magkaroon ng time machine. yung magkakaroon ng kakahayan ang mga tao na maglakbay na ala hermione sa panahon gamit ang kaniyang time turner. isn't it exciting to see our young self? i mean kahit parang hologram lang ang ating present state watching our own memories. well maybe the hologram thingie is far fetched pero yung concept na maglalakbay sa nakaraan? possible. but how? madali lang.

play your music player. 

or iPod. uh uh. that's right. chika nga ng article ng bbc na natisod ko sa net, "songs from the past can stir powerful emotions and transport us back in time." coolness right?

sa tuwing tumutugtog ang the sign ng ace of base (na akala kong title niya ay i saw the sign) ang unang pumapasok sa isip ko ay ang mahahabang boring na tanghali ng linggo o pagkauwi galing sa eskwela. sa aking pagpikit, naririnig ko pa ang mga sasakyan sa maharlika highway, nandoon kasi ang apartment na unang tinirhan namin nung lumipat kaming cabanatuan mula sa manila. sa tabi ng kalsada kaya dinig na dinig ang harurot ng mga tryk at busina ng jeep. pati mga bus papuntang maynila at further north dumaraan dun.

sa aking pagpikit habang pinakikinggan ang kanta, nakikita ko ang prep na ako. bored na bored. wondering bakit ang haba ng taong 1993? nothing special sa memory pero i can feel that same feeling years ago vividly dahil sa kantang the sign.



hindi ako marunong magsayaw. pinagtatawanan ako nung bestfriend kong babae nung grade school habang nasa quadrangle kami habang pinapanood niya ako. as in naalala ko pa yung ngisi niya. leche. haha. 5678 ng steps ang sinasayaw ko noon. grade five ako at meeting de avance kasi namin nun bilang kumandidato akong mayor (yata? shet i forgot the position. baka dog style? chos! bastooos! anyway governor pinakamataas nun) sa batasang pambata (student council) sa school. panalo closing ko sa speech nun, "kung si erap ay para sa mahirap, ako naman ay para sa lahat!" kabog. ayun natalo ako. nyahaha. 





jump to high school. paulit-ulit kong pinapatugtog ang isang cassette tape. summer iyon bago kami mag-fourth year. sumali ako sa theatre org ng school namin at kasama sa membership ang umaatikabong summer workshop. ang kanta... one last cry ni brian mcknight. 

tang ina. haha 

sorry hindi ako palamurang bata. pero grabe ilang beses kong inaral yan para sa singing part nung workshop. then the fateful day came, very vivid ang memory na paakyat ako sa stage ng avr ng school. yung kaba ko dinig na dinig mula aparri hanggang jolo. charot. kasi naman alam ko naman sa puso ko na hindi ko strength ang pagkanta. haha jusko. tapos minus one pa. haha pota. haha. ayun laos nga ang pagkakakanta ko. haha pero naging member naman ako ng theater org. haha



huli kong dinig sa more than words by extreme, nasa cafe yata ako or sa resto. last week lang. ayun. sobrang nag cringe ako. kasi ba naman ang kapal kapal ng mukha kong mag-audition sa choral ng cathedral noon sa aming bayan. shet. feel na feel ko pa. second year high yata ako nun. tas si mama proud na proud pa yung mukha habang kumakanta ako pero deep inside nahihiya ako sa kaniya. haha pero hindi sa pinag-au-auditionan ko ha? haha. shet. syempre bagsak ako. haha naku kung babalikan ko ang panahong iyon, pipingutin ko ang sarili ko. haha


pasabog ang mga yan noong high school ako e. pero marami pang nagpapaalala sa akin ng aking high school gaya na lang ng stronger ni britney spears na ang naalala ko ay tuknene at yung bahay ng kaklase ko na tinatambayan namin lagi nung second year. super patok din pag acquaintance party yung superman ng five for fighting. sa classroom lagi kong kinakanta ang come on in and out of the rain ni sheryn regis para manggulo lang. nyahaha at sa katunayan yung caricature ko sa school paper namin, ayun kumakanta ng nasabing sheryn song. haha. tapos kasagsagan naman ng acoustic nung third year to fourth year. moonlight over paris ni paolo santos ang nagpapaalala naman sa akin noong sinabihan ko yung kabarkada na kung magkakadyowa akong babae gusto ko ka-peg niya. haha shet super close pa rin kami ngayon so hindi ko alam kung naalala niya yun. sana hindi na. haha. tas kinakanta namin ang does the moonlight shine on kapitan pepe (oo totoong pangalan ng subdivision nila yan) after the sun goes down? 


hindi ko masyadong bet yung grad song namin noon kaya lagi kong nakakalimutan. haha so pagtuntong naman ng college hands to heaven ni christian bautista at human nature ni kyla ang tumatak sa akin kasi kapag papasok ako noon, laging myx countdown ang naabutan ko bago umalis e parehas na nag-number one ang mga kantang yan. haha pero hindi natapos ang sumpa ko sa stage. lol
sa theater org naman namin nung college, sa tuwing awards night may presentation ang grupo grupo, so ang grupo ng mga beki na sophies, kakanta ng song so ang naassign sa akin ay tell me where it hurts ng mymp. haha so ayun nakalimutan ko ang lyrics sa stage. nakakaloka. haha pota! nakakahiya. haha buti na lang may kodigo ako. haha. so bukod sa more than words, kapag narinig ko ito sobrang nagcri-cringe ako! haha. 


ang cool lang. ang sarap ng feeling magbalik tanaw. at ang powerful ng music. hindi na rin ako magtataka na kung makaimbento man ng time machine ang mga scientist sa hinaharap, maaaring music ang gawin nilang trigger para makabiyahe tayo pabalik sa nakaraan. 

sabi nga ng abba...
thank you for the music. 

31 comments:

  1. Hi, very interesting post thanks for sharing. Can I contact your through your email. Thanks!

    Randy
    randydavis387 at gmail.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga sepsep e. Naku mahihirapan siya. Strict pa naman parents ko. Lol

      Delete
    2. Update mo kami sa 'courtship' na mangyayari ha. *hihi*

      Delete
  2. Maraming paraan para mag-time travel. Kailangan mo lang paganahin ang iyong imahinasyon. ;)

    'Yang 'One Last Cry' na 'yan, palaging kong inaasar sa best friend ko 'yan. Palagi siyang may naaalalang mapait na nakaraan kapag naririnig niya yung kanta. *hahaha*

    Ang isang kanta na palaging nagbabalik sa akin sa nakaraan ay 'Fix You' by Coldplay. Without fail 'yan. Kapag nagsimula ko marinig ang song na 'to, napapapikit ako automatically. Di ko alam kung dahil ba sa pait, pero basta sumasara ang aking mga mata. LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. True naman na marami pang paraan. Hehe pero infair iba rin ang hatid ng mga kanta na kapag tumugtog may alaala talagang papasok sa utak! In a snap levels! Hehe

      Ireresearch ko yang fix you na yan ng coldplay tas ipopost ko sa blog comments mo. Charot hahaha

      Delete
    2. Di mo alam ang song na 'yun? Wag mo na i-research. Baka may manumbalik lang na emo memories. *haha*

      Delete
    3. narinig ko na! best in hugoooot ng feelings!!!

      Delete
  3. MYMP fanatic ako. Hihi.

    Mas maraming mga old songs na maganda kesa sa mga bago :/

    So Slow ng Freestyle ang aking ultimate "many feels" song.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bet ko rin ang mymp. Sayang nagdisband na sila. Nagbreak kasi sina juris e. Haha

      Ay winner yang so cloooooose!

      Delete
    2. Ayan sa sobrang excitement namali pa ako!!!! Haha so slow pala! So fast kasi sa pagtatype e! Charot haha

      Delete
  4. this post reminds me of a lot of songs during the 90's and early 2000's..
    halos magkasunuran lang ata tayo ng edad KC...

    kung si yccos e "So Slow" and ultimate many feels song.. ako naman "Before I let you go"... ampait pait pait ng karanasan ko sa kantang to. unang heartbreak :( at sa babae pa :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay kaya ka ba naging mailap? Charot haha

      Wag kang magaala, ako hindi kita paiiyakin! Yehes! Hashtag simpleng malandi! Hahaha

      Delete
    2. ayun oh! :))

      NP: I wanna get close to you

      Delete
    3. ehem ehem. is that a sign? i will let you get close to me.

      haha

      Delete
  5. 5,6,7,8! :)
    - ginagamit sa intermission number ng mga school programs

    kabog talaga yung linya mo ah nung kumandidato ka, mapapa-boom panes ang mga makakarinig nun kung nauso na ang ganung expression noon :)

    hands to heaven ni christian bautista
    - umiiyak ako nung gabing narinig ko ito sa radyo, hindi dahil sa kanta, kundi sa sobrang lungkot ko sa problema ko noon hahaha

    nakaka-miss ang manuod ng mtv diyes at myx daily top ten!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaso natalo naman ako sayang pa naman yung award winning kong linya!! Haha

      True nakakamiss kasi pampalipas oras din yung myx daily top ten at mtv diyes hehe. Though hindi ako masyadong mahilig sa music. Sapat lang na nakikinig sa mga gustong kanta. Hehe

      Delete
  6. ang lakas maka blast from the past ng post..

    Parang kakaganito lang namin ng mga kawork ko last weekend. looking back to the old songs and the story behind it ☺

    ReplyDelete
  7. nako relate na relate ako sa mga song na yan haha jusme kaedad ba kita?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ilang taon ka na ba mac?
      kung 16, oo magkaedad tayo. charot. haha

      Delete
  8. hahaha sana nga mag ka time machine, balik kaming lahat sa time ng pag kanta mo ng one last cry :)

    pansin mo ba sa mga lumang kanta, kahit di natin minemorize ay nakakanta natin ngayon? haha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha hindi ko kayo isasama no!!! nakakahiya!!!! hahahaha

      ay true zai! chika rin dun sa article na nabasa ko na madaling makabisa ang mga bagay kapag kinakanta. kaya nga noong hindi pa sumusulat ang tao, ang oral tradition ang namayani at pakanta ang mga kuwentong bayan na pinagpasa-pasahan. hehe best in trivia!

      Delete
    2. Natuwa naman ako sa oral tradition, hihihi! Thanks sa trivia! Haha :)

      Delete
  9. Iba talaga nagagawa ng musika noh? Pag may luma akkng naririnig naalala ko kabataan ko.

    I miss you sooooooo much kalansay. Mwuah mwuah tsup tsup

    ReplyDelete
    Replies
    1. check republiiiiic fsoq!

      omg i misshhh you toooo!
      whats up? whats up?! :)

      Delete
  10. relate much nung mga kapanahunan ko.. matanda na ba ang 29??? siguro pero yung face ko pang 21 lang at ang utak pang 16. hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. bwahaha fresh pa! bilang 30 is the new 20 na! haha

      Delete
  11. K batch pla tayo hahaha naalala ko din nuon na habang umiiyak ako sa kwarto dahil sa crush ko ng high school sa awiting "all my life" at hindi lang active ako sa pagtakbo sa student council sumali din ako ng singing contest khit hindi marunong kumanta in the music of bituing walang ningning lols

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha kulapitot. hindi ko keri ang singing contesssst! ahaha

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...