2013
bumagsak ang isang bulalakaw sa gitna ng isang gay pride sa malate. ngunit hindi sinilang si zsazsa zaturnah, dahil simula noon, isang kakaibang airborne virus ang kumitil ng buhay sa pilipinas.
massive ang effect nito sa populasyon. hindi tumatagal ng 8 oras ang biktima at bigla na lang nalalagutan ng hininga animo'y biglang naisipang magquit nang sabay sabay ng mga organs. nagpanic ang lahat dahil sa bagsik ng virus.
simula noon naquarantine ang pilipinas sa buong mundo dahil halos maubos ang populasyon nito.
hanggang sa natuklasan ng mga eksperto kung sino ang vulnerable at target ng virus: ang mga straight.
kaya laking gulat na lang ng mga nasa closet nang matira silang buhay... dahil isa lang ang ibig sabihin nun, bakla sila at hindi sila target ng tinaguriang echosera virus.
***
2015
the echosera virus or scientifically called severe heterosexual genetic malfunction syndrome or shegmas is a deadly virus. inaatake nito ang genes ng mga "straight" people at mabilis na ikakamatay nila ito.
dahil naman sa virus, ang mga bisexuals ay na-coma dahil na-confuse ang virus nung inatake ang katawan nila. hindi nila madistinguish kung straight sila or beki/tibs kaya bigla silang nagshut down at na-coma ala lantang gulay na sa ospital.
halos maubos ang populasyon ng pilipinas sa pagkalat ng virus mabuti na lang marami ang lgbt community lalo na sa mga urban centers ngunit naging problema rin ito sa pagrerepopulate ng country dahil ayaw magtikiman ng mga babae at lalaki.
pero naging paraiso naman ito sa mga lgbt peeps dahil iniisip nila wala ng mga straight na mangungutya sa kanila at ito ang new world na magiging tanggap ang lahat. inisip naman ng mga pari at pastor na bakla na kaloob iyon ng panginoon at pinapatunayan lang na mas mahal ng diyos ang pink community kumpara sa mga straight. sobrang saya ng federacion at laging may kasalang lalaki sa lalaki at babae sa babae sa mga simbahan.
oras na raw para magtatag ng bagong simbahan. nagbukas ang usapin sa gay marriage dahil nga wala naman silang ikakasal na straight. wala na ring pakialam ang vatican sa kanila at ang international community dahil naisolate ang bansa sa buong mundo.
ang kaso dahil nawalan ng gobyerno at organisasyon dahil sa nangyari, nagkaniya kaniya ang mga tao.
nagkaroon na rin ng faction ang mga bakla laban sa tomboy at dito lumabas ang angst ng dalawa. ayon sa mga bading hindi raw katanggap tanggap ang mga tomboy sa lipunan at mas tanggap daw ang mga beki. syempre hindi papayag ang mga butch at pinaglaban nila ang kanilang karapatan.
***
2020
na-repopulate ang pilipinas sa pamamagitan ng mga artificial method. kinalangan nga lang silang lagyan ng protection sa pamamagitan ng paglalagay ng pink genes para hindi mamatay sa virus na patuloy pa ring nasa air space ng pilipinas. weird.
nabuhay sa furturistic philippines ang baklang pangit na si kekang kung saan ang mga screaming faggot ay nasa ibaba na ng food chain. ginagawa nila ang mga menial jobs while dinidiyos pa rin ang mga poging discreet at pinapantasya ka kung ikaw ay straight acting.
nakahiwalay na rin ang mga lesbian sa mga bakla at may sarili na ring community ang mga transgender. nagtayo ng mga malalaking walls dividing their world from each other.
nagkaroon ng silent war sa pagitan nila at alam mong may isang pagkakamali lang ay sisiklab ang civil war sa bansa. mas tumindi ang discrimination sa bawat komunidad. mas napipilitang magpagwapo ang mga baklang pangit at inaabuso ang pagpaparetoke para maging pogi at nagsulputan ang masculinity classes para maging macho at katanggap tanggap sa lipunan.
may mga vaccines na sanang natagpuan para masugpo ang virus at maibalik ang mga straight pero sinunog naman ito ng mga npa or national pink army dahil naniniwala sila na wala ng karapatang bumalik ang mga straight sa Pilipinas para sirain ang kanilang pamumuno.
inis na inis si keka dahil nabasa niya sa philippine history na walang ginawa ang mga baklang ninuno noon kung hindi ipaglaban ang kanilang mga karapatan ng pagkapantay pantay. bakit daw sa mundo nila ngayon parang nabago ang lahat at may masasamang tingin pa rin sa kaniya sa kabila naman ng kaniyang pagiging bakla e lahat naman sila binabae.
tinanong niya ito sa kaniyang propesor sa school kung bakit walang unity and equality, ang sagot sa kaniya ay equality is just a concept. hindi siya totoo. dahil kung totoo ang equality dapat nasa taas na rin kayo ng food chain...
napaisip si keka. wala pala syang ligtas, saan man siyang time frame mabuhay, masama at pangit pa rin ang magiging tingin sa kaniya dahil lang nagpapakatotoo siya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
Creative
ReplyDeletesolomuch po. :)
DeleteWow. Ang galing mo talagang mag-weave ng story. Napaka-creative mo kalansaycollector. Kaya kapag may new post ka, inaabangan ko ang dulo kasi alam kong may twist or unexpected lesson sa ending eh. :) This is a good read. Worth every second of my time.
ReplyDeleteshet. salamat naman. haha nakakakilig naman iyong worth every second of my time. pakiss nga! nyahaha
Delete*hahaha* You are welcome. :) Til your next post.
Deletefor sure magsusurvive ako hahaha
ReplyDeleteako rin syempre. bwahaha
Deleteyou work for television right?
ReplyDeleteSecret! Chozzzz hehe
DeleteUy, na-curious naman ako. Anong station? *hehehe*
DeleteHaha secret! Lol
Delete- kalansay
Hula ko sa 7 mas experimentive sila eh kagaya mo experimentive sa mga kwentong sinusulat
DeleteHAHAHA! lol
Deletenapaisip ako sa "shegmas"
ReplyDeletepaano kung magkatotoo... hihihi
-ceiboh
Maaapektuhan ka ba? Hehe
Deletenatawa ako sa story kakaiba :D
ReplyDeletehehe salamat rix!
DeleteNakakalokang story haha. Ayos.
ReplyDeletesafe tayo sa end of the world te. hehe
Delete