Wednesday, June 1, 2011

falling in love in four days

daig ko pa raw si imelda papin sabi ng isa kong friend kasi wala pang isang linggo ang pakikipagharutan ko sa pag-ibig na ito. malay ko bang sa apat na araw, muling titibok ang puso ko?

noong biyernes palang, hindi ko ito inasahan, pagkakitang-pagkakita ko palang sa'yo na love at first sight ako. hindi mo rin naman ako masisisi, sa gitna ng makulimlim na panahon hindi ko maiwasang mabighani sa taglay mong ganda... napatigil ako e, siguro ito na yung cliche na sinasabing you take my breath away...

spell green? c-o-r-o-n
ngayon ko lang narealize na ang kulay pala ng pag-ibig ay luntian. walang hanggang luntian. ang iyong hubog, mga linyang nabubuo sa aking mga imahinasyon... the curves, the greens, the camera did not give justice sa iyong natatanging ganda.


si heidi na lang ang kulang
kinakapa ko pa ang mga magagandang salita na nais kong sabihin sayo... pero walang bumabagay, walang pumapantay sa taglay mong ganda. ikaw na!

sabado, hindi ko inalantana ang ulan, masaksihan ka lamang. hindi rin matutumbasan ng ilang kagat ng lamok ang aking pagtitiis makapiling ka lamang. mula sa mga lawang hindi ko masisid, o pakikipaglaro sa mga isda... lahat ng surpresa, fine, huling-huli mo na ako. ako'y iyong-iyo na.

paraiso
sabi nila, makikita mo ang langit kapag ika'y namatay pero salamat naman pero nung linggo pinakita mo na sa akin kung ano ang langit. hindi ko inaasahan, so ito pala ang tinatawag nilang langit?

pero ang lahat daw may hangganan, ang matamis nating pagiibigan ay nakatakda rin palang matuldukan. wala lang, naipaglaban na natin to sa malalakas na ulan at napagdasal na sana lumayo na ang bagyo...pati langit, nakisabwatan na sa ating pagmamahalan.

luntian
pero wala e. lunes noon, humakbang na ako palayo. kaulayaw ka pa rin, kahit sa isip ko. ang kaso wala akong laban sa panahon at tadhana. oras na para mamaalam na.

ambilis ng pangyayari. sinubukan mo akong pigilan, pero mas malakas sila sa'yo... oras na para tayo'y magkalayo... pero alam ko naman na meant to be tayo. 


oras na para magbalik sa lungsod... sa lungsod na hindi kita nakilala. heto na. kaharap na naman ang mga makinarya, nasasabik na muli kang makaulayaw.

paalam, hanggang sa muli.
salamat sa mga ala-ala.

Wednesday, May 25, 2011

aswang

ang bango ng amoy ng tuyo, sinangag at piniritong itlog, senyales na isa na namang bagong umaga. nakahanda na rin ang mainit na pandesal, kape o mainit na tsokolate na papawi sa mga alinlangan sa nagdaang araw. mag-iinat, magkukuskos ng muta at tatanggapin ang unang sinag ng araw na bumabati at nangangako ng isang magandang umaga.

pero hindi  yan ang aking umaga.

dahil ang aking umaga ay ang iyong hapon  na pagod na pagod ka na at bagot na bagot sa opisina. ito ang aking umaga, na kung saan kay bagal ng oras at ang gusto mo na lang ay magsiesta. ang aking umaga ay ang panahong tirik na tirik ang araw, kung saan tatamarin kang lumabas at hindi na itlog, tuyo o sinangag ang bida kung hindi maruya, banana cue o kaya halo-halo na ang bumabangka.

ito ang aking umaga. magiinat ako at magkukuskos na ng muta, habang ikaw humihikab at naghihintay nang magalasingko para makauwi na sa opisina. magsisimula palang ang aking araw, ang sayo'y nakakahalahati mo na at ang aking tanghalian ay iyong hapunan.

dahil ang iyong umaga ay ang akin namang gabi. nagsisimula palang ang araw mo, tinutuldukan ko na ang akin. sa pagsikat ng haring araw, ang mga mata koy nakapikit na. sa aking paghikab ay iyong pag-inat at sa aking paghiga ay iyo namang pagmulat. 

iba kapag ang oras ay nabaligtad na. ayoko sanang masanay bilang namimiss ko naman ang feeling ng magalmusal, gumising ng umaga at manood ng noon time show. kasi naman tulog sa umaga, gising sa gabi kulang na lang mahati na ang katawan ko pagbilog ang buwan... actually epekto ito ng trabaho kong walang oras. iba ang mundo sa trabaho namin kaya naiiba talaga maging takbo ng oras namin.

sanayan lang. at least kapag nagpunta akong states sanay na ako di ba? haha. pero honestly mas gusto ko naman ito. ewan, siguro dahil sa dilim marami kang pwedeng gawin na hindi na makikita pa ng mga tulog na at habang sila'y abala naman sa kanilang mundo, ikaw naman ang himbing na himbing at hindi ka nila mapapakailamanan. 

pero syempre kahit gusto ko to ayoko naman sanang sanayin pa ang sarili ko dahil may pangit na health effects. iba dahil dinesign nga ang ating katawan na matulog sa gabi at gumising sa umaga. oh well. siguro maitatama ko rin naman to... pero not now. 

kaya tuloy hindi kami magtagpo-tagpo siguro ni boypren... dahil ang gabi ko umaga niya, tulog ako at gising siya... eh bakit gisingin niya ako, sleeping byuti lang. weh? hehe. maisingit lang ang biglaang longing sa pagkakaroon ng boypren? haha. 

hala nalalapit na naman ang pagtatapos ng araw ko. ilang oras na lang mabubuhay na naman ang lungsod. teka nga baka may special sun block kaya sa mercury? humahapdi na rin kasi ang balat ko kapag naaarawan e...


Saturday, May 21, 2011

let's party like it's the end of the world

ngayon na raw ang pagkagunaw ng mundo.

anong time zone ba? 


mawawala na lang ba akong bigla na ala rupture? habang tinatatype ko ba ito biglang mamamatay ang kuryente, isang pagyanig at -

ayun hindi ko natapos ang blog dahil nagsimula nang yumanig ang buong araw na lindol.

uulan ba ng bato? ng apoy? ng putik? ng meteor?
o bigla na lang tayong magiging asin?

baka naman paglabas ko mamaya may mga zombie na sa hagdan na naghihintay ng aking utak (e baka wala silang mahita. chos. haha). baka naman walang katapusan na ulan na lulunod sa ating lahat. pero pwede ring sabay-sabay na sasabog ang bulkan o biglang may pagatake ng mga man eating lamok na papapak sa lahat ng taong makita.

well fortunately wala pa naman akong nasisilip na sakuna sa bintana.

predict ng predict kung kailan ang end of the world. baka practice lang para sa 2012.

hindi pa pwedeng mag end of the world.
hindi pa ako nagkakaboypren e! haha
wala pang nanalo sa lotto na 250 milyon ang premyo eh balak kong ako yun...
marami pa akong pangarap na gustong matupad.. gaya ng makalibot sa ibang bansa, makatapos ng MA, magturo sa college, malibot ang pilipinas at magmahal! (naks. :p)

pero sad naman no? end of the world na wala man lang akong masabihan na mahal kita at magkita tayo sa langit. ahaha.

teka sabi 6:00pm daw ang time na magugunaw ang mundo sa pilipinas kaya teka lang tatlong minuto na lang kasi yun ayon sa orasan ko sa laptop.

pwedeng tumengga muna at makiramdam.
...
shet walang nangyari. oh no baka filipino time. baka later pa. chos.

***
kung tutuusin ito na ang pangalawang beses ko nang nasurvive ang end of the world. ang una? eh di ang y2k bug na kinapraning ng mga tao nun bago mag year 2000. ilang beses ding sinabi noon na end of the world na, pero well as usual walang nangyari.

ngayon dahil lagpas six na parang wala pang nangyayari unless delayed nga. another epic fail for the believers. hindi ko alam kung bakit pinipilit nang tapusin ang mundo, ayaw na ba nilang mabuhay? pero i guess dala na rin siguro nito yung takot na biglaan na lang or yung takot sa kamatayan.

nakakatakot nga naman pero kasi naman kung naprepredict ang end of the world, e di ang taray lang. at least mapaghahandaan natin. masasabi natin sa mga taong mahal natin na mahal natin sila, magpapakabait tayo at magpapakasaya bago ang sinumpang date. pero syempre dream on. walang nakakaalam kung kailan at walang makakapagsabi kung paano. surprise daw.

what if wala naman palang end of the world? dahil ang end means our death as individuals. iyon ang katapusan. pilit nating hinahanapan ang katapusan ng mundo pano nga kung wala? pero kung may end of the world nga? pero tayo naman pala ang cause nito? you know the global warming shit? howell.

hay kaya relax. enjoy life! kung dumating man ang gunaw, so be it. at least alam mong naenjoy mo ang buhay. party party lang. so kung epic fail now at feeling mo hindi ka pa handa, may isang taon ka pa para magprepare. tandaan end of the world na rin next year...

Sunday, May 15, 2011

saan tayo dadalhin ng paniniwala?

iba ang kapangyarihan ng paniniwala.
kaya nitong burahin ang imposible at kaya talaga nitong paikutin ang buhay natin.
biro mo dahil sa paniniwala ng mga tao sa friday the 13th sa US may isang record na nagsasabing mas kaunti ang mga aksidente dahil nga mas nagiingat ang mga tao compared sa normal na araw para lang makaiwas sa kamalasan na dulot diumano ng araw at hindi lang yan may false memory syndrome din na ang ibig sabihin ay affected ang isang tao sa memory na factually incorrect pero they are strongly believed in. akalain mo yun? buong buhay mo naniwala ka na maganda ka pero hindi pala? chos. haha

ang galing lang. syempre given na example dito si god na kahit hindi natin siya nakikita, damang-dama nating ang paniniwala sa kaniya, well not unless atheist ka no?

noong bata ako ang lakas ng paniniwala ko na nanganganak ang kisses.

hindi yung chocolate ateng! anube. hehe ito yung mabangong maliit na bagay na kulay pink or purple na nilalagay sa bulak tapos itatago mo para manganak. well nahumaling ako sa mga ito noon. haha. kung saang sulok-sulok ng bahay ko pinagtatago para lang manganak sila. pero syempre hindi sila nanganganak. haha

syempre ilang beses ko ring ginuhit ang araw sa lupa para lang tumila o pigilan ang nakaambang ulan. may mga times na effective! ang kulimlim, mawawala't mapapalitan ng maaraw na papawirin! ang galing. :) siguro coincidence, pero sa batang kagaya ko? drawing na araw lang yan. hehe

at ang isang paniniwala na madalas naming pag-awayan ng kuya ko? yung pahakbang sa'yo. well kasi kapag nahakbangan ka raw hindi ka na tatangkad at kailangan hakbangan ka pabalik para matapos ang sumpa. syempre kapag hindi nahahakbangan, magdedemand ang isa na dapat hakbangan. syempre magagalit kapag hindi ginawa at magkakapikunan. haha well mukha namang hindi totoo kasi parehas kaming matangkad ng kuya ko... kaso bad posture ako e. baka yun yung effect? haha.

anyway bata palang ako mahilig na ako sa supernatural. would you believe na winish ko pang magkathird eye noon para lang makakita ng multo. well kahit na becky ako, matapang akong bata. haha wala akong takot akyatin ang matataas na puno, malakas ang loob pumunta sa malalim kahit hindi marunong lumangoy, kebs sa madilim na lugar kahit na may chismis na may kapre/multo/white lady/insert-freak-here, walang takot man, takot naman akong magmahal - CHOS. haha. kaines. anyway highway dahil wala akong takot inaabangan ko pa noong mag12 midnight kahit puyat na puyat ako kasi sabi ng mga matatanda yun daw ang oras na naglalabasan ang mga multo.

pwes wala naman. at 12 midnight din ang chosen time ng mga ritual noon. kapag daw humarap ka sa salamin ng may kandila at 12 midnight, makikita mo raw ang soulmate mo.er yes... ginawa ko yun. haha and surprise surprise!

ayun reflection ko lang nakita ko. ang ganda. chos.

then i realized now, kaya ba sarili ko nakita ko kasi wala akong soulmate?! pakshet. haha i'm destined to love myself and myself alone. huhu. haha ang saklap.

kaya dedma na sa mga ritual na soulmate na yan, let's go hardcore. high school naman ako noong nauso ang urban legend na may pagkaganun din.. pero this time iba naman dahil ang kakausapin mo naman ay isang kaluluwa... sino bang hindi nakakakilala kay bloody mary? ayun dahil nga wala akong takot, para patunayan kung totoo siya, ginawa ko sa bahay namin... ayun ako na si mary. chos. haha

howell iba talaga ang nagagawa ng paniniwala. dahil sa paniniwala ng iba, nagkakagiyera, hindi naipapasa ang RH bill, may mga baklang nadidiscriminate at kung anu-ano pa. mabigat man ang nagagawa ng isang paniniwala at mahirap kwestyunin at i-judge ang isang tao base rito... hay minsan nga gusto ko nang mapikon pero masisisi mo ba sila? eh sa doon sila naniniwala e. mahirap nang baguhin yun e. hay buti pa sa mata ng bata, ang paniniwala ay kasing simple lang na sa isang malakas na ulan, drawing lang ng araw ay sapat na.

Sunday, May 1, 2011

i kissed (almost) a girl

she is there sitting in front of me.
suddenly, nagiba ang seating arrangement.
she giggled, not because kinikilig siya kundi dahil nagulat siya sa nasabi niya.
she initiated this. ngar. and i am a complete jerk to fall for it.
maybe because she has nice dimples?
goosebumps, napashet ako, eyes start to dart at our direction....
she is in front of me...
this is it? are we about to...


iba ang nagagawa ng alcohol. pero may ginawa akong bagay na alam kong hindi kagagawan ng alcohol - it is just a bold move with the help of alcohol(haha). i am not a fan of alcoholic drinks (well unless masarap gaya ng tanduay ice.hehe) dahil hindi ko gusto ang lasa at hindi ko gusto ang effect nito sa ulo at sa katawan. namumula kasi ako na parang madreng nakarinig ng bastos mula sa isang open minded na pari dahil sa alcohol. so hanggang isang tanduay ice lang ako and that's it...

but this night is no other night. nakadalawang bote ako ng tanduay ice at that's not all, me and three of my straight friends trooped to a nearby bar and grill para ituloy ang ligaya, mabilis kong sinabi na "titikim lang ako ha?", they said yes but of course papayag ba sila na sila lang ang uminom?

the place is jam packed! the smoke of ulam and yosi add to the inuman vibe with matching dancing waiters na may ala avatar fire bending powers na inaapuyan ang sizzling platters. ooh the place is too cool for me na isang unalcohic fella but then the waitress ushered us sa empty table in between a group of guys and a group of girls. gosh yun pala kami na lang ang missing puzzle to link the group of guys and girls and our story na maintertwine!

dumating ang hotdog at nachos kasama na ang three pitchers(?) of green alcoholic thingies. they assured me na i will love it! well masarap nga. haha one shot then the next shot... shot... shot... then palaki na ng palaki ang mundo namin dahil unti-unti nang nasasali ang table ng group of guys sa kaliwa ko at pati na rin ang table ng group of chikas sa right.

dahil magjowa ang dalawa sa kasama namin at dalawa kaming single, binuyo nila ang aming guy frien na kailangan niyang magpacharming sa chicks sa right table or else he will pay for the bill pag wala siyang nagawa. so syempre pahuhuli ba ako, sino raw ba ang bet ko sa kaliwang table, ayun walang takot kong tinuro si skinny chinito cute guy. haha. biruan lang at first ang dare na kausapin daw namin yung mga type namin. haha syempre dahil mas madali sa mga straight, nakausap ni friend (with the help of our magjowa friends) si girl na bea alonzo look a like. after some lies... well white lies! haha nakadikit na ang table namin sa three girls. chit chats. introductions then sharing na ng drinks (ansarap ng choco thingie nila ha). then the unthinkable happened...

ako: hi i find you cute?
dimples girl: really? i want to kiss you!
ako: game! (ate san nanggaling yun? lesbo!)
*insert buyuan ng friends here*
kanina lang may dalawang tao sa tabi ko bago siya, nagulat na lang ako katabi ko na siya! 
friends: ano na?!
ako: sige pero kapag hinalikan ko siya hindi na ako iinom! (bwahahaha um-oo yata mga friends ko.haha)
natatawa na kami ni ate. napapashet na ako.
friend kong girl: ate (to dimples girl) okay lang yan bading naman siya e... baklaang kiss lang!
aba may attempt talagang kumbinsihin si ateng! haha. eh hesitant si ate, gaga ikaw kaya nagsuggest ng dare na itey! para matahimik si ate,dinemo namin ng friend ko (syempre may consent ng bf niya) ang baklaang kiss (smack lang) para yun sundin niya. haha
ako: ayun ganun lang...
aba di pa rin niya keri, shet ayoko ng uminom! haha napahirit pa tuloy ako ng...
ako: well unless you want something more! (ah eh ateeeeeng san na naman nanggagaling yan?!)
tawanan portion. ready na sana si ate... biglang nadistract siya!
girl: huwag kang tumingin!
napalingon kami sa tinutukoy niya. oooh mula sa mga boys from our left! hihi
girl: parang nakakagago kasi e!
pak! nadugtong na rin sa mundo namin ang mga boys. haha. 
dahil naloka na ang mga kasama ni girl, pinaghiwalay na kami at baka awayin pa niya si kuya. haha 


so ang ending no kiss, i have to drink still pero di naman bawal ang cheating. nyahaha. at nice sinasalo naman ako so keri. haha. and it turned out na yung kuya na tumitingin ay type pala si dimples girl at dahil nabreak ang ice tinanong na niya ang number ni dimples girl.

hindi naman ako pahuhuli, ako naman ang nagtanong kay kuya with matching point sa crush ko, "eh siya pwede ring kunin ang number?" surprise surprise... pwede raw.kilig pakingshet. nyahaha. aba hindi pwedeng mawala ang pasweet at maria clara image ko kaya may pahabol akong message, "syempre dapat okay lang sa kaniya..." nagthumbs up - ay isa lang palang thumb, so nagthumb up naman si skinny chinito crush. SHET! tagumpay! then umalis na sila. waaaah. ayun eh di walang pakundangan akong kinilig! hihi

pero hindi ba diyan nagtatapos ang kuwento. hetong si dimples girl tuso, nireveal niya samin na hindi niya tunay na number yung binigay niya kay kuya! hindi niya raw type! ako yata ang type niya. CHOS. (haha feelingera).

kaya tuloy shucks medyo may kaba sa puso ko...
yung binigay kaya ni kuya na number ni skinny chinito crush ay true din?

hmmm matext na nga... :)

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...