Tuesday, November 22, 2011

sino si amapola?

si amapola ang bibida sa ikalawang nobela ng batikang manunulat na si ricky lee.
hindi mo kilala si ricky lee?! saan planeta ka galing?! chos. hehe.

ang 'si amapola sa 65 na kabanata' ang ikalawa niyang  nobela na pinagbibidahan ng isang baklang manananggal! cool no? :)

anyway sa linggo na ang book launch nito.
nobyembre 27, 2011 sa kalendaryo.
alas kwatro ng hapon sa SM north sky dome.

gusto mo bang mauna sa lahat?
nagbebenta kasi ako ng ticket. hehe
P250.00 lang!

bakit mas wais bumili ng ticket sa book launch?

  • may kasama na itong nobela.
  • mas mura dahil P300.00 na ang book pag binenta na siya after the launch.
  • makikita mo pa si sir ricky.
  • makakakita ka ng artista like ai ai and eugene. 
  • baka magkita pa tayo. (eh ano naman? haha well malamang magkikita tayo, akin na ang bayad! lol) 




tungkol saan ang librong ito?
so what are you waiting for? end of the world? :p
just comment if interested. :)



AMAPOLA SYNOPSIS mula sa pep.ph.


Eleksyon, 2010. Isang baklang impersonator si Amapola, na nagingmanananggal at nakatanggap ng propesiya na siya ang itinakdang magligtas sa Pilipinas.

Ang naghatid ng balita: si Emil, isang pulis na Noranian.

Ang pasimuno ng balita: si Sepa, ang lola sa tuhod ni Amapola, na nanggaling pa sa panahon ng Kastila at may unrequited love noon kay Andres Bonifacio.

Here is an excerpt lifted from Si Amapola sa 65 na Kabanata:

"Isang malaki at mahabang laser light na nanggagaling sa isang bar ang tumutudla paitaas sa akin habang lumilipad ako, parang sinasabing kumain ka, kumain ka ng tao! Umiwas ako. Nagulo ang wig ko kaya inayos ko. Nakalimutan kong me hawak pala akong krus. Nalaglag ito. Sa isang political rally sa ibaba sa may tapat ng ABS-CBN.

"Mula sa point of view ng mga tao, na karamihan ay naroroon at umaasang mabibigyan sila ng pera ng kandidato, ang nakikita siguro nila ay isang krus na mabilis na bumubulusok pababa. Saka bumagsak sa lupa. Sa gitna nila mismo."




Monday, November 14, 2011

numb

i'm desperate.
i'm looking for love but i'm denying na i'm looking for love.

i don't believe in finding love on line.
but....

of course some rules are meant to be broken.
sabi ko nga i'm desperate, i will try looking for love on line.
now, i'm cringing when the thought of finding love on line crosses my mind.
really?
love on line?
funny.

then you came.
i'm not expecting anything.

you call me daddy.
i call you bunso.

how cheesy can you get?
but still, i don't feel anything.
spark?
magic?
the chuvachuchu moment?

i saw your pictures.
you are hot in my world.
but still, i don't feel anything.
spark?
magic?
the chuvachuchu moment?

pero i told myself, kung ito magiging unang boyfriend ko, okay na.
yeah. that's stupid and lousy...

until we meet.
sabi ko, if you don't like me in person, sabihin mo na agad.
madali naman akong kausap bilang i eat rejections for breakfast.

it was late.
you were impatient.
i told you what do you want?
sabi mo okay na ang large fries at spaghetti sa mc do.
okay.

then finally we meet.
you're cute. really.
but still, i don't feel anything.
spark?
magic?
the chuvachuchu moment?

but i enjoyed our conversation.
about you.
about me.
as if we knew each other.

we decided to watch a korean horror film.
i love horror films.
it was funny.
but the best part is...
tumabi ka sa akin.
sliding like a ghoul hunting for his victim.
skins touching fully dressed is sexier than nude.
we kissed.
i tasted the spaghetti.

but still, i don't feel anything.
spark?
magic?
the chuvachuchu moment?

the characters in the film are dying one by one.
our breaths slipping through the night.
fully dressed still.

but still, i don't feel anything.



Tuesday, November 1, 2011

babangluksa

araw ng mga patay ngayon.
araw ng pagluluksa.
araw ng pagtitirik ng kandila

pinagluluksa ko ang araw na ito,
ang araw na ginugunita ang mga yumao
na pwedeng namang alalahanin araw-araw.

pinagluluksa ko ang mga taong hindi na makaalala,
mga tunay na nakalimot na
ng mga magagandang alaala
at ang mga nilalang na sinasadyang magka-amnesia.

pinagluluksa ko ang mga nawalan na ng pagasa,
ang mga sumuko kahit pwedeng lumaban pa.
sa mga naapi at mga nang-aapi.
mga pumatay at namatay.

pinagluluksa ko ang mga kaluluwa.
mga halang at wala na.
mga espiritong buhay at ng mga yumao na.
mga hindi matahimik at hindi nanahimik.

pinagluluksa ko ang aking puso,
na minsan ay malamig
at minsan ay nakalimot na yatang magmahal
at tumitibok pero hindi tinitibukan.

pinagluluksa ko ang aking sarili,
sa mga bagay na aking nakalimutan,
sa mga tagpong hindi hinaharap
at sa mga alaalang pilit hinahanap
at binabaon kasama ng mga bangkay.

pinagluluksa ko ang pilipinas,
ang bansang animo'y paurong
pero buhay na patay na alam mo namang lumalaban.
ang mga nabubulok na pulitiko...
ang mga inuuod na prinsipyo
mga pinaslang na ideya.

pinagluluksa ko ang mga taong hindi marunong manindigan,
mga walang pinaniniwalaan.
mga humihipo ng ganap sa kawalan...
mga nagtatapang-tapangan
pero duwag naman.

pinagluluksa ko ang katapusan,
ang tuldok.
ang tandang panamdam na nanggulat
at nanunuya.

pinagluluksa ko ang mga kahapon
mga hindi nagawang plano
o mga planong pilit na hindi tinapos

pinagluluksa ko ang post na ito,
pilit na dinuduktungan pero dapat nang tuldukan.


Wednesday, October 19, 2011

hindi pinupulot ang 500,000 pesos

kahit magpabalik-balik ka mula quiapo hanggang cubao, i doubt kung makakapulot ka ng 500,000 pesos.
well unless sobrang swerte mo, bow na ako sa'yo.

kahit magkanda-kuba-kuba ka sa pagtratrabaho sa kaka-OT sa isang buwan, asa ka pang makasahod ng 500,000 pesos.
well unless mayabang ka at mataas ang sahod mo.
palibre naman day!

kahit na tumaya ka ngayon sa lotto, one in a million chance na ika'y manalo.
well unless ikaw ang the one.
balato naman!

500 pesos manapa posible kang makapulot sa daan.

sa 500 pesos makakabili ka ng limang libro sa book sale (or more).
sa 500 may isang t-shirt ka ng bago sa mall (or more sa tiangge at ukay).
sa 500 busog ka na panigurado sa maghapon at sobra-sobra pang panawid gutom.
sa 500 pesos makakapanlibre ka pa ng isang tao sa sine.
sa 500 pesos may dalawang kape ka na sa starbucks or kahong-kahong 3 in 1.
sa 500 pesos makakakuha ka ng 500,000 pesos.

ano?
teka nga...
paulit?

500 pesos tapos makakakuha ka ng 500,000 pesos?!

well posible.

at ito ang natutunan ko ngayong araw na ito. :)

ang kailangan mo lang ay 500 piso at limang kaibigan, posible ng kumita ng 500 thousand pesosesosesoses!

siguro naman mas posible ang may 500 ka sa bulsa (or sa bangko) kaysa makapulot ka ng ninoy sa kalsada hano?

at di lang yan sa limandaang piso may accident insurance ka ng worth 50,000 pesos tapos possible pang kumita ka ng kalahating milyon! grabe di ba? walang talo! 500 lang at laway ang puhunan posible ka ng kumita ng triple-triple sa puhunan mo.

kaya kung ikaw kagaya mo akong nais kumita ng 500,000 aba'y halika't mag-usap tayo. sana yung seryoso lang, masipag at talagang interesadong yumaman. lets go at magchikahan tayo at sabay-sabay tayong umasenso.

and guess what, kung masipag ka at maabilidad, posible itong mangyari sa loob lang ng isang buwan! :)
how cool is that? haha

so if you are interested, leave your contact details sa comments so i can contact you or email me at myfansclub@gmail.com kung shy kayo. :p

pramis, walang stir to. bago palang ito kaya mas magandang magsimula na ngayon.
tandaan it only takes P500 and 5 friends to earn P500,000.00! :)

for more information, please do visit this site.

or pwede rin namang sama-sama tayong maglakad mula cubao to quiapo at mag-abang ng 500,000 sa kalsada. finder's keepers ha? at touch move! hehe so ano na? dali na! sabi ng horoscope mo, today is your lucky day. :)

Saturday, October 8, 2011

a teleserye love story


gusto ko ng love story na pangmainstream, ayoko ng pang-indie.
sa mainstream, sure ng magkakatuluyan ang magkasintahan(karamihan), e sa indie? either hindi kami mag-end up together o patay ang isa sa amin. 
paging direk cathy garcia-molina.
i want my wig. handa na po ako sa aking take.
...
sa mainstream, special ang first meeting.
...muntik ng masagasaan ng bida.
...mapapasok sa maling banyo at doon makikita ang tadhana.
...makakabunggo sa daan habang nagmamadali.
sa indie, normal lang.
you know, talk lang. haha
...
sa mainstream, special ang sex.
...dapat sweet.
...dapat romantic.
...dapat may fireworks.
sa indie, marahas.
well masarap.
choooorssss. hehe
...
sa mainstream, siguradong gwapo ang boypren.
sa indie, not sure.
...
sa mainstream, ideal.
sa indie, makatotohanan.
...
sa mainstream, fairytale-ish.
sa indie, reality.
... 
sa mainstream, imposibleng magkatatotoo.
sa indie... :(
...
sa mainstream pwedeng magkatuluyan ang gwapo't pangit.
sa indie, pwede naman pero harsh ang katotohanan.
...
sa mainstream, gumaganda ang pangit.
sa idie, asa.
...
hindi ko alam kung may love virus ngayon.
or baka dahil sa bagyo.
hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
baka siguro dahil nga 24 na ako wala pa ring nagmamahal sa akin.
nakailang post na ba ako about love this year?! 
hay.

pero ito ang sigurado, mapa-mainstream o indie...

kapag dumating na, tatanggi ka pa ba sa offer?

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...