Monday, January 15, 2007

walang diyos?

Hindi mo ba naranasan na out of nowhere ay bigla mo na lang naisip na wala namang Diyos?

im a catholic and yes i believe in God. pero syempre dahil tao lang akong matanong sa buhay ay minsan napag-iisip din. paano kung ginawa lang din ng tao ang diyos na sinasamba nating lahat? paano kung buong buhay natin akala natin totoo siya pero pagkamatay natin wala naman palang diyos na sasalubong sa atin sa langit? paano kung ang mga nagsulat sa bibliya ay sumusulat lang ng kuwento na binase sa guni-guni at imahinasyon?

ang galing kasi ng nagawa ng religion sa buhay natin. ang laki ng influence. biro mo sobra ang paniniwala natin sa mga nakasulat sa bibliya, eh paano kung fiction lang pala lahat ng iyon? masyado tayong napako sa mga paniniwala. ang sakit sigurong malaman na naging malaking tanga tayong lahat kapag nalaman natin na wala pala talagang diyos.

hindi bat nakakatakot pagtatanungin ang mga ito dahil baka tamaan tayo ng kidlat or something?

well ang sasabihing sagot sa lahat ng iyan ay... faith.

***

haha. naisip ko lang naman ang mga ito at hindi ako atheist(mali pa yata spelling). well i do believe in God. kasi naman nandiyan lang siya sa puso ko. its just that weird lang kung naloloko tayo. pero sabi nga ni kuya rich, wag questionin.

4 comments:

  1. magBuddhist ka na rin.. Hehehe..

    ReplyDelete
  2. Ako, I believe in a supreme being. Someone immortal and omnipotent. Pero naniniwala din ako na hindi siya nakikialam sa buhay ng tao. Tingin ko nga wala siyang idea na nabubuhay tayo eh. Ang laki kaya ng universe! :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha weird naman yun na hindi niya alam na nabubuhay tayo. parang nadedefeat yung purpose niyang matawag na "supreme being" kung hindi niya alam na nabubuhay pala tayo.

      at kung omnipotent siya dapat aware siya na andito tayo. haha

      ...

      ako rin naman naniniwala na may lumikha sa'ting lahat. at since nung college ko pa ito sinulat kaya ganyan. hahaha at lumabas na naman sa post na ito ang trust issues ko. lol

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...