isang exam na lang makakalaya na rin sa wakas sa mundo ng papel at mga katanungang pipiga sa aking isipan! nakakaloka! sabi ko nga sa mga blogs ko, ikaw na nga ang nagbabayad, ikaw pa ang pahihirapan! haha. siguro part of growing up na rin ang pag-take ng exam. aba! sa 16 taon kong pag-aaral sa eskwelahan, ilang eksam na rin ang nakuha ko! iba't-ibang klase na nga eh.. may multiple choice, circle the correct answer, alin ang naiiba? enumeration, essay, identification, matching type, fill in the blanks at kung anu-anong klase ng eksam na naimbento ng mga guro... in the end ang pinaka-goal natin ay makapasa at makakuha ng inaasam nating grade! yun lang... sino sa atin ang nagsabing mag-eexam tayo para may matutunan? hindi ba wala? sino, ikaw? tse! tigilan mo nga ako! ipokrita!(haha nang-away?!) pero kapag tinatanong natin kung para saan ang eksam, ito raw ang magdedetermine sa ating natutunan sa paaralan... ito nga ba?
kung ganun kapag bumagsak ka, nangangahulugang bobo or bobo ka dahil wala kang natutunan sa class... well i doubt it! based on my own ecxprience, i failed Philippine Government Constitution under sir lopez nung first year pero marami akong natutunan nun! as in! pero hindi sinalamin nang nakuha kong marka ang aking mga natutunan... pero panalo dahil pasado naman ang aking knowledge na nakuha.
kailan nga ba ang exam sa school? I think hands on exam pa rin talaga ang mahalaga. dahil hindi mo kailangang magkabisa para magawa ang test. hindi mo rin kailangang magreview para maging handa. ang kailangan mo talaga ay iyong mga natutunan... mga lessons na natutunan mo sa loob at labas ng silid-aralan..
so what's next?
BAN EXAM MOVEMENT!
NO TO EXAM!
SAY YES TO HIGH GRADES!
Congratulations! welga ba ang drama? haha. hay pero hindi na nga yata tayo makakawala sa exam, mapa-written, oral or practical man... good luck na lang sa exam ng totoong buhay! ilan kaya grade ko sa true-to-life-prof? hmmm
***
I. Essay
1. Give five reasons wy we have to abolish examinations in school. Explain in not less than 5 pages. Pass your papers after this year.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
No comments:
Post a Comment
Magsalita ka mortal!
Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!
bwahahaha!