Saturday, February 24, 2007

666

Naniniwala ka ba sa power ng numero? Kasi naman noong isang araw I watched the film "The Number 23" with my friends at well nakakaloka lang dahil pinipilit nung main character na si Walter (Jim Carrey) na iconnect ang number 23 sa buhay niya... paano nga kaya kung konektado ang numbers sa buhay natin? oh well kawawa naman ako kung gayon dahil ang aking pangalan ay ang devil's number...

ang aking first name ay may 6 letters...
ang aking middle initial ay may 6 letters din as well as my apelyido!

so 666 ang name ko kapag nagkataon?! waaah! Devil child ang drama ko.... hahaha... good luck...

paano nga kaya? Gosh I can't take it... hay kaya hindi dapat masyadong maniwala sa numero eklaboo... eh hello eh di kung sa numbers lang pala dedepende for the future eh di sana wala ng diyos noh? siya lang naman kasi ang may power sa lahat... ginawa ang numero para magbigay ng peace and order, para systematic ang buhay, para may itaya sa lotto o jueteng at para mahuli si mister kung may number 2.. hindi para hulaan ang lahat o makaapekto sa masalimuot na buhay pero i do believe na lahat tayo may connection sa isa't-isa... kung baga chain reaction, kung ano ang gawin ng isang tao sa kabilang side ng mundo, may effect din iyon sa kabilang side dahil nga we are connected. Oh di ba ang taray ng string of events? Wala yan sa number-number...

oh well kung ayaw talagang paawat sa pagdedepende sa numero... dial 911 or bantay bata 163... malay mo andun pala ang suwerte mo hindi ba?

***

Im the devil child! I will conquer the world! I will spread evil things! I have the mark of the devil! wahahahaha!

chos! *sign of the cross*

nakakatakot yung thought ha? haha...

naku beware baka devil child ka rin...

***

Your lucky numbers today are: 1; 390,000; 23; 254; 99; 52,983,452... good luck!

4 comments:

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...