wala akong maisulat pero hinihila ako ng keyboard para may maisulat. hay may mga ganito ngang pagkakataon na hindi mo malaman kung bakit.
...
siguro dito pumapasok yung thought na talagang may bagay na hindi natin maintindihan, kung baga misteryo ng buhay na dapat punan... anong pinagsasasabi ko... (frustrations lang yata ito dahil hindi ako pumasa sa dapitan... haha...may next year pa!) anyway ayun nga... buti na lang hindi ako masyadong umasa na pumasa. Yan ang natutunan ko sa college ang huwag umasa kasi nga may paniniwala kami ng mga kaibigan ko na ang mga assumera hindi lumiligaya kaya nga ako ngayong college hinahayaan ko na lang na tadhana na ang gumalaw for me... ilang beses na rin naman akong naging masaya gawa ng tadhana... ang ibig kong sabihin, syempre nasa akin ang decision and all pero syempre after nun wala na akong hihilingin na mas higit pa sa mga ginawa ko or kung baga hindi na ako aasa pa na... hay kasi naman may mga pangarap at kagustuhan talaga tayo na hindi para sa atin. masakit syempre pero kibit balikat lang kapag hindi natin nakuha... kaya nga may next time, next year, next day, second chance... ginawa sila para naman maging positive ang out-look natin sa buhay kapag nabigo tayo...
...
pero pano naman sa mga bagay na talagang dissapointing like love?! oh... well.... wala siguro ako sa posisyong magbigay ng opinyon tungkol sa bagay na iyon kasi naman hindi ko pa naeexperience... haha... skip!
(skip)>>>
...
may ganung factor pa hano? hehe... pano na lang kung walang second chance? siguro hindi na nagkabati lahat ng magkagalit at napanghinaan na ang mga atleta na lumaban pa sa susunod na laro... at least may pagkakataon ka na iredeem ang sarili mo... so bakit ko nga ba sinusulat ang mga ito? wala lang akong maisulat at ang recent na nangyari ang pagbagsak ko sa dapitan kaya kinonek ko na lang para may maisulat. haha.
by the way, may award daw ako na something sa recognition day.. hindi ko alam kung ano yun.. good luck naman kung biglang Deans List ang drama ko di ba? pero why not? may ganung factor pala? eh di tagumpay... eh pag nagkataon yun ang tinatawag na second chance! haha...
>>>
research class na namin ng 3 at kami ng mga kagroup ko ay nagclaclash na nang dahil sa paper! wahahaha! part of growing up! well sanay naman kaming nagbebenggahang tatlo hano? kaya normal lang ito... hahaha... hay... kaya namin ito besides binigyan kami ng second chance para ayusin ang aming papel...
TAKDANG-ARALIN:
Ilang beses binanggit ang mga salitang "ang", "second chance", "kami" ay "eh" dito? Kapag nasagot ng tama, magaling! magaling! magaling!
No comments:
Post a Comment
Magsalita ka mortal!
Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!
bwahahaha!