ang saya-saya kasi ang third year college life ko ay unti-unti nang magsasara... hai! lilipas na rin ito at mananatili na lang sa aking ala-ala...
...
kagaya ng mga ala-ala ko nung childhood na muling nabuhay nang muling magbonding kami ng friend ko... basta tungkol ito sa komiks. yun kasi yung paper niya for her journ subject at ako ang subject niya. (redundant!haha) nalaman kasi niya na nahilig ako sa komiks dati at pangarap kong maging komiks illustrator at writer dati. oo yes! pinangarap ko talaga! haha..
and
bigla
na
lang
naalala
kong muli ang mga araw na yun na bumibili ako sa palengke ng mga kilabot komiks na may grand title na "Super Kilabot Komiks" na may dalawang tapusang nobelang kakatakutan. doon ako namulat sa pagbabasa at nahilig sa pagsusulat.. ang unang komiks ko pa nga na ginawa ay tungkol sa airplane na nagcrash... siguro kaya nahilig din ako sa mga morbid stories dahil morbid binabasa ko nung childhood. haha... pero there was what we called the golden age of pinoy komiks...
maswerte ako kasi naexperience ko yung pinoy pop culture na komiks kahit hindi man golden age nung time na yun at least di ba? naranasan unlike the younger generation... hay miss the komiks days...
...
ang mga pahina ng komiks ngayon naglaho na sa mga newstand! wala na talagang makikita... well andiyan na nga ang manga at mga graphic novels pero hindi naman na abot ng masa ang mga makabagong illustrated series. syempre mahirap nang ibalik ang mga komiks ngayon, ngayon pang may sine, internet at telebisyon nang pagkakaabalahan ang mga tao... ayun evolution na rin dahil andyan na nga ang mga manga na maganda rin naman at graphic novels.. siguro sina carlo vergara na rin ang gagawa ng mga bagong mukha ng pinoy komiks...
...
childhood memories nga naman... kailan kaya ako muling makakahawak ng mga pinoy komiks katulad nung dati? buti na lang meron pa akong lumang super kilabot komiks sa probinsiya...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
No comments:
Post a Comment
Magsalita ka mortal!
Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!
bwahahaha!