Tuesday, April 24, 2007

kasinungalingan sa katotohanan

minsan ang pagharap sa katotohanan ay nakakatakot hindi ba?
sa sobrang nakakatakot kaya pilit na lang natin itong tinatago sa ating sarili..
pero sabi nga nila wala namang lihim ang hindi nabubunyag...

kung gayon eh di unahan mo na! haha...

confess.

...but you have to pay the price.

hindi kasi masasabi kung magiging maganda ang dulot ng pag-amin pero siguradong magaan iyon sa pakiramdam oras na nasabi mo kung ano ang naglalaro sa iyong puso't isipan... wala ng babagabag sa yo dahil babasagin mo na ang matagal ng katahimikan... wala ng mumultuhin ka sa gabi at higit sa lahat wala kang pagsisisihan... at least inamin mo di ba? well unless... ang pag-amin mo ang sanhi ng iyong pagsisisi sa huli.

wag naman sana.

...

the truth will set you free raw pero the truth reaps you apart! ang katotohanan ang nagkukulong sayo sa isang kahon at ang katotohanang iyon ang unti-unting bumubuo ng kasinungalingan...

at least oras na nabulalas mo na kung ano ang totoo... matatahimik na ang buhay mo...

matatapos na ang lahat.

...

kung bakit kasi sa oras na sinasabi mo ang totoo doon ka pa nasasaktan ng todo... hay tama nga yata ang truth hurts... tsk... kaya minsan ginugusto ko na lang manahimik kahit na hindi payapa ang aking kalooban.

ewan ko. basta ako natatakot ako minsan harapin ang katotohanan.

ikaw kaya mo bang humarap at lumakad paalis ng walang sugat?

3 comments:

  1. Masakit din ang may tinatago lokah. As in masakit..... kaya kahit ilabas man o itago.... pareho lang! Say mo?

    ReplyDelete
  2. Telling the truth is a clear sign of a mature and just mind. ;)

    Sorry, ngayon ko lang naipagpatuloy ang backreading ko. Andami kasing nangyaring kung anek-anek sa buhay ko lately, kaya ayun...

    Kakatapos ko lang kay Seth eh. Ikaw naman ang sunod kong titirahin. *hahaha*

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ko kinaya ang pagpupush mo sa backread. haha

      kaloka. shet. makikita mo pa yung mga post kong hitik sa wrong grammar. hahaha nakakahiya. pero anyway ginusto mo yan. hahahahaha

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...