Thursday, April 12, 2007

my lips are sealed

ang katahimikan ba ay laging "yes"? Kasi di ba silence means yes daw.... wala lang just a thought kasi mahilig pa naman akong manahimik minsan kapag tinatanong... Actually hindi literal na silent... nananahimik meaning hindi ko tuwirang sinasagot ang tanong... bakit nga ba ako tumatahimik?

  1. para mas safe at walang mablurt out...
  2. its a secret.. di dapat mabunyag or dapat walang clue
  3. tinatamad akong sumagot sa tanong.
  4. feel ko lang... may ngiti pang kasama, pangasar kung baga...
  5. itatawa ko na lang para masaya.
  6. ..para maiba na lang ang usapan.. next topic please...

***

minsan masaya kapag tahimik. ayoko ng nakabibinging katahimikan kasi it makes me uncomfortable! para sa akin, tahimik na iyong kahit pa paano may mga dumadaang kotse sa background or may tv na nakabukas.. basta ba wala kang inaalala or kapag mag-isa ka lang... yun tahimik na yun na buhay para sa akin... malaya akong nakakapagbiyahe sa sarili kong mundo at mas natutuklasan ko pa ang aking sarili...

pero sa kalagitnaan ng katahimikan, doon din umuusbong mga bagay na nag-iingay sa isip mo na hindi mo kayang matagalan... mga bagay na minumulto ka sa iyong katahimikan.. mga bagay na sadyang nais mong manahimik na talaga ng literal... doon pumapasok ang isa pang nakakatakot na anyo ng katahimikan... hindi mo pala alam, mabibingi ka rin pala sa mga bagay na ayaw na ayaw mong maalala...

...

ngayong summer sana magkaroon ako ng moment of peace at silence... kasi naman pagpasok ko, iba na ang lahat... magiging mas mabilis na ang orasan at mas mag-iingay na ang kapaligiran..

REMINDER:

No BLOWING of Horns...

favorite ko ang sign na "Silence" kasi nakikita ko to lagi sa fave tambayan ko... sa library.. haha...

1 comment:

  1. Sa mga pinoy lang ata oobra ang silence means yes chu-chu na yan.... mostly, mahiyain kasi tayo.

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...