Thursday, July 12, 2007

random reklamos bilang reklamador

sa wakas napanood ko na ang harry potter and the order of the phoenix yesterday! syempre unang screening pa lang iyon ha? as in 10:30 am nasa sm san lazaro na kami nina mingu at xi para dun. well thanks to xi dahil bday gift niya sa akin yun.

harry potter mania!

ano ang technique para maenjoy mo ang panonood ng HP5?

idetach mo ang sarili mo sa libro dahil hindi talaga makukuha ng film ang essence ng book! ate hindi rin iyon masaya na every time na lang kapag may eksena kang makita na wala sa book, sisigaw ka ng "wala iyan sa libro!!!" at kulang na lang magprotesta ka sa sinehan at mag-amok dahil hindi mo matanggap ang pangyayari! tsk tsk. good luck baka batukan ka pa ng katabi mo dahil ang ingay mo.

bilang isang harry potter fan, alam kong hindi talaga kayang i-achieve ng film ang level ng book. syempre masasaktan din ako kapag nagexpect ako ng too much.. andrama! haha.

***

bilisan mo!

isn't it weird na kapag late ka na at pinepressure ka ng mga tao na bilisan mo habang nasa jeep ka?

tootoot toot tootoot!

kuha ka naman sa cellphone mo after mag-abot ng pamasahe...

txt: asa rotonda ka pa lang?! bilisan mo! bilis!BILIS!!
hindi naman ikaw nagdradrayb ng jeep di ba? kaya good luck, ireply mo ay..

itext mo kay manong na bilisan niya.

haha. syempre alam ni xi pambara dito.

ibigay mo sa akin number ni manong...

***

weird din yung art appreciation class namin. how can you appreciate if you have to memorize? wala man lang kaming play watching, film viewing at gallery visit? tsk. magkuquiz kayo ng about art! ngar.

***

kairita yung hacker na ginagamit ko! maghahack ka na nga lang sinisira pa lalo ang pangarap mong mapadali ang pagpasok sa bawal na website! hay.

***

nakakatamad pang pumasok lalo na pag alam mong may recitation kayo na nag-aral ka naman last time tapos napostpone at ngayon itutuloy. trigger happy. nag-aral ako last week tapos ipopostpone! tinatamad tuloy akong magbasa ngayon ng article 1-10 ng family code of the philippines... hindi naman ako ikakasal at wala akong balak ikasal.

***

marami pang reklamong hindi maireklamo!
baboosh!

8 comments:

  1. I agree, hindi naman pwedeng i-compress sa 2-3 hour na flick ang 600+ pages na kwento! Pero, guilty ako dun sa pagsigaw ng "Wala iyan sa librooooo!" with matching labas ng ngala-ngala! Kasi naman, kung ano yung scenes sa kwento na hinihintay mong isabuhay sa pelikula, yun yung tatanggalin! At hanggang ngayon, hindi ko pa nasisilayan ang hitsura ng Giant Squid, na ayon sa kautakan ng best friend ko ay isa raw animagus! Naman, palaman!


    ...Salamat sa pagbisita sa blog ko, balik ka ha!

    ReplyDelete
  2. yes sabi ni JK animagus ang squid. well aaminin ko na dati rin akong guilty sa pagsigaw ng ganyan.. haha.. pero at least nakarecover na ako at alam ko nang hindi matutupad ang pangarap nating maisabuhay ng kompleto sa sinehan ang HP.. hehe

    ReplyDelete
  3. Sabi ko nga sa best friend ko, pwede bang hatiin na lang sa tatlong movie yung isang libro, para at least ma-cover nila lahat ng scenes. Kaso di raw pwede dahil mabilis lumaki yung mga cast na bata. Baka daw 30 na si Dan eh hindi pa naipapalabas yung book 6!

    ReplyDelete
  4. well said AKO, just enjoy d movie and forget the book, kaya nga saB ko mula nang makakita ako ng discrepancy frm book 1 at sa film, heheheh di nako sumipag magbasa nung book...hehehe... hintay ko na lang movie (nge!).

    We can rant everytime we want, but sometimes life seems really unfair, esp. to students & quizes. pero ganon pa rin sa corporate world, hmmmp. Daanin na lang sa blog blog, Yes Siree!!!

    ReplyDelete
  5. may punto ka diyan kabayang josh! hehe

    ReplyDelete
  6. cool blog!

    Anyways,may point ka nga naman na dapat i-detach ang sarili sa book. Oh well,maingay kami sa sinehan ng Friends ko because ang hot ng ibang characters.hehe.Like Gary Oldman kahit mukha syang adik at si Rupert Grint na hotness talaga...=)

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...