hay masaya ako sa mga apprentices namin sa aming theater org dahil natapos na nila ang showcase nila... pero syempre marami pa silang pagdadaanang bagay-bagay bago maging miyembro na talaga. well naisip ko lang iba talaga ang buhay sa entablado... pero masasabi ko na ang buhay entablado at buhay natin ay magka-konek.
umaarte tayo sa isang malaking entablado
tayo ang bida o marahil ang kontrabida. lahat tayo karakter sa isang malaking dula. minsan nga nakukulong tayo o nabibiktima ng stereotyping ng mga tao sa paligid natin. hindi ka ba pinepressure ng mga kapamilya mo minsan? ako actually naranasan kong mapressure dati lalo na nung first year college kasi bumagsak ako. eh never akong bumabagsak sa school. kaya sobrang nagalit si mama sa akin. kinulong kasi niya ako sa image na sobrang talino. minsan nakukulong ka rin ng mga kaibigan mo at sinasabi na ganyan ka or dinidiktahan ka na ganyan ka.. ako hindi ko kinakaya pag sinasabihan ako na "ano ba yan halatang-halatang galit ka?!" or basta i hate it kapag pinangungunahan ako sa dapat kong maramdaman! hala! kamusta at mas alam pa nila ang nararamdaman ko nung time na iyon di ba? syempre pag sinabi mong "hindi kaya!" sasabihin deffensive or something. hindi ko tuloy maintindihan kung mas maniniwala ba ako sa kanila o sa sarili ko? lahat tayo biktima ng stereotyping. lahat tayo diniderek ng isang direktor na hindi natin nakikita. tayo rin ang mga manunulat na humahabi sa ating tadhana. asa atin yun kung anung tunggalian at kung anong takbo ng kuwento. kinakahon din ako ng mga kamag-anak ko na ako na ang magiging next reporter or something dahil nga sa course ko. hay pero minsan ang nakakabaliw doon, unconciuosly nagpapakalunod tayo sa agos na kanilang ginagawa... halimbawa ako sinasabi na pasweet ako, at nagpapakapasweet naman ako na hindi naman talaga ako pasweet dati. kaya minsan natatakot na tayong magbreak away sa diniktang role sa atin. baka kasi magalit si direk dahil baka mabago ang characterizartion pero syempre nasa artista nga ang creative license ng pagarte di ba? so bakit tayo magpapadala? hay confusing. hehe. hindi ko tuloy alam kung nagstistick na lang sa status quo ang mga tao dahil nga dun sila nilalagay baka kasi pag nagpaka-deviant mabago ang lahat. try nga natin minsan? nakakatakot... baka sabihin wala iyon sa script... hihi
aso o dog?
nakapagsulat na rin ako ng dalawang dula para sa aking organisasyon at iba pang sulatin sa kung anu-ano. syempre masaya dahil natupad ang aking pangarap na makapagsulat ng play para sa org... well ayun... ano nga ba ang problema ko? i can express myself through writing pero the weird thing is nahihirapan ako sa oral communication. fine pag landian, yun na pero when it comes to airing my thoughts? nagmumukha akong bobo. i mean parang walang sense ang sinasabi ko. ang problema kasi sa lipunan natin, kapag magaling kang magsalita, may laman na agad ang mga sinasabi mo kahit na in reality sa salita ka lang magaling. kaya nga nabobola tayo ng mga pulitiko eh. hay. nakakafrustrate paminsan kasi nawawalan ako ng words pag kailangan ko ng mag-express orally. sakit ko nga ang hindi marunong sa pageexplain orally eh. ngar! gusto kong i-voice out ang aking sarili clearly at with confidence. sa papel ko lang naeexpress ng mabuti ang aking mga saloobin pero lahat ba gustong magbasa? wala lang. you cannot have talaga two great things at the same time. bawal bang pag okey ka nang magsulat, hindi ba pwedeng okey ka na ring magsalita? or bawal bang maging best in science ka at best in math at the same time?
isa pang problema ko, isa akong english phobic paminsan! haha. i can speak english fine pero nawrowrong grammar ako at nawawalan ng words to say dahil nga nauunahan ako ng takot at nawawalan ako ng confidence na kaya ko pagdating sa mga presentations sa school or recitations! pero pag nagagalit ako minsan nag-i-english ako ng walang kalaban-laban na tuloy-tuloy talaga without flaws! magalit na lang kaya ako lagi? haha. grabe nakakatakot dahil again sa bansa natin porque mali na ang english grammar mo, boba ka na. pero hello? ang totoong matalinong tao ay yung nasasabi niya ang gusto niyang sabihin na napapaabot ito ng malinaw sa mga taong sinasabihan niya. ayun lang. natatakot din ako minsan magsulat in english. kasi sobrang paranoid ko na feeling ko budbod ng wrong grammar ang gawa ko. kaya naman bugbog sa pagkacopyread ang paper ko para matahimik ako at masabing ayos ang grammar at sentence construction. kasi minsan kahit gaano kaganda ang gawa mo, kapag may nakitang maling grammar pangit na sa kanila. oh well pag sinasabi ko ang dilemma ko sa language sasabihin ng mga friends ko na okey lang daw yun at least nakakapagsulat ako at na-e-express ko ang sarili ko sa ating sariling wika. infairness, may punto naman ang mga ate't kuya mo dun.hehe. i'am proud to say na i can express myself in filipino fluently!
***
oh well tama na ang rantings... late na ako sa thesis class ko! hehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
ok lang naman na kahit di ka fluent sa english..tama ka rin na hindi ito ang batayan sa talino ng isang tao.
ReplyDeletebasta ituloy mo lang ang pagsusulat. keber naman ng mga pakialamero at pakialamera ng grammar. saka mo na lang problemahin ang grammar kung formal documents tulad ng thesis ang sinusulat mo.
peace out! =)
wow. salamat naman sa iyong payo! hehe
ReplyDelete