Tuesday, August 21, 2007

confession of a momma's boy(girl)

ano kayang pamemeste kaya ang naganap at nagsibagal ang connection dito sa internet sa library. naku ha! isumbong ko sila sa nanay ko eh! nagbabayad ako ng tuition tapos ginaganito nila ako!(er hindi pala kay mama nanggagaling ang aking pangtuition.hihi) anyway my mom is the most important woman in my life. syempre walang magandang tulad ko kapag wala siya at higit sa lahat siya kasi ang nang-aruga sa aming magkakapatid noong nasa abroad si papang. katas ng saudi ang bumubuhay sa amin noon. well naisip ko lang bigla si mama kasi may naalala lang ako... kapag kasi napag-uusapan ang mga nanay ng mga "ate" parang nasa state of indenial sila lagi pagdating sa gender ng kanilang mga prinsesang anak. ewan ko ba kay mama siguro confused din iyon... heto ang mga situation ha at kayo ang humusga ala husgado ng vizconde massacre.

ms. gay galore
isang umaga habang pababa ang prinsesang si kalansay collector sa kanilang escalator sa probinsya isang sem break...(chos. stairs lang) naririnig niya ang radyo na tila may inaanunsyo.. ano kaya iyon?
ina: anak, baka gusto mong sumali sa ms. gay?
ako: huh?! (kay aga-aga yun ang bubungad sa iyo no? syempre kaloka!)
ina: magbihis babae ka na lang para yumaman na tayo! *tawa* (okey binugaw ba ang anak? ala natutulog ba ang diyos?)

ang reaction ko? please naman. wala akong masabi! ayokong sumali sa mga ms. gay na iyan! baka kasi manalo pa ako... kawawa naman ibang mga kalahok. hihi. wait isa pang eksena... may pinadalang package from ameyrika ang tiyahin ko...

pink o blue?
nasa pampanga kami noon dahil naroon ang mahiwagang package... pabalik na ako sa maynila... habang nagbibigayan ng mga kung-anek-anek... may inabot na pabango sa akin si lola... inamoy ko... i dont like it... sumabat si mudra...
ina: hindi niya gusto iyan. pambabae kasi. (hala! sige palagpasin..)

so ayun nga. may nakuha akong lotion at mga tsokolate at isang please-oh-so-panlalaking sapatos. nagmamadali ng umalis kaya ako hanap agad ng plastic bag. inabutan ako ng pink na plastic ng tita ko. aabutin ko na. sumabat si mama...
ina: pambabae yang pink, heto blue... (inabot niya ang blue plastic bag... okey what is happening to you mudang?)

weird hindi ba? naalala ko pa habang naguusap si mama at tiya sa fone, naririnig ko na pinag-uusapan nila ang aking pagkadalaga.. well naririnig ko na ganito pa statement ni mama translated from kapampangan: "okey lang yun. at least hindi siya yung mga baklang pakawala." haha. well hindi verbatim yan pero yan ang thought.

sa mga kapatid niya pinagtatanggol niya ako. kesho ganun daw talaga at may lahi naman daw kaming bakla. hindi ko yun kinaya ng maieavesdrop ko. haha. naghanap talaga siya ng ninuno namin na bading... eh well kapag ina talaga.

pero weird talaga. may mga bagay na tinatanong siya sa akin out of nowhere dati, "bakit hindi mo ligawan si *insert-girl-name-here*?" EXCUSE ME?! sobrang awkward nun kaya. hala baka pag niligawan ko ang mga yun sagutin lang nila ako.. mabrand pa akong heartbreaker. chos. hindi ko tuloy siya maintindihan. confused mudra. siguro syempre sa puso niya dalawa ang anak niyang lalaki pero sa puso ko naman dalawa ang anak niyang babae. (3 kaming magkakapatid. isang guy, then ako as the fab gay at isang babae.tamang gitna lang ako. hehe) hindi na rin siguro maaalis sa kaniya ang pag-aalala na baka nga dahil sa aking gender preference ay usigin ako ng mundo. i know mahal niya ako kaya siya ganun kaya nga self-confessed momma's boy ako eh... er momma's girl? whatever... i love my mudang. hindi ko nga lang napapakita sa kaniya pero sana nararamdaman niya sa pamamagitan ng mga simpleng bagay na ginagawa ko gaya ng pag-aaral ng mabuti at ang paghawak sa aking pangarap na ihahango ko sila sa kahirapan. isa naman akong good daughter eh.

14 comments:

  1. if i knw kumakabog din ang *bleep* mo habang binangit nu mudra ang name ng bilat...

    haha.. tibo!

    ReplyDelete
  2. Hehe.
    Ang galeng.
    Nice blog.

    Nakakarelate ako sa mga mother-to-son interactions nyo!

    =)

    ReplyDelete
  3. Wow, love love this post kalansay collector! =) What you said, just like what I told maruja, that parents know whether their child is gay or not, is *extremely true. Though I still *havent come out of my “walk-in” closet yet, I have the inkling that they already knew everything about moi na. If there’s one thing that I’m really proud of having, its the fact that my folks respect me for my decisions in life, without any reservations. They never judge me for who/what i am, and they define the real me NOT for the things that i do, but WITH WHAT i have inside. At syempre momma’s boy din ang kapatid mo noh? They just couldn’t help it, we’re just so lovable. =) Right?

    ReplyDelete
  4. clark: thanks. yeah. feeling ko bawat bading sa mundo nakakarelate. haha. mothers know best. hehe

    ruff:yeah, i think mama's boy din ang kapatid ko.hehe. and yeah i think alam naman nila hindi lang pinag-uusapan ala voldemort. haha

    ReplyDelete
  5. naloka naman ako sa nanay mo! pero dong, swerte ka sa kanya. kasi yung mga kakilala kong nagladlad, ay josco! dinedeadma ng kanilang mga parentis.

    ReplyDelete
  6. kc ay kawawa nga mga ganung mga bagets.

    ReplyDelete
  7. Alam mo, ramdam lang ng nanay mo na you want to be a mother din. At tama si KC, usually di lang iniignore, binubugbog pa. Well, anyway, pakita at paramdam mo sa iyong mamita na responsible dawter ka.

    Teka, alam ba ng mga kapatid at daddy mo?

    ReplyDelete
  8. nakakatawa ang mudang.

    tanggap ka naman siguro ni mudang na, ndi pa lang nya naiinternalize ang pagiging "Proud Mom with Gay Kid" image nya..

    at ndi ko alam kung ano ang nakita ng mudang mo sayo at sinabing isali ka sa Ms. Gay. nakakaloka. gusto mapahiya ang sariling anak?! chos!

    yngat kay mudang.

    ReplyDelete
  9. goddess:hahaha.nakita niya ang aking angking kagandahan, katalinuhan at alindog. kulang na lang sa ms. universe charity niya ako ipetisyon! haha

    ReplyDelete
  10. i swear, hindi ka uusigin ng mundo
    although nasa sa yo na rin yun
    be fab and they'll stay away or better yet they'll all come running to you with praises

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...