
anger
kasama siya sa seven deadly sin and syempre lahat naman tayo na-commit na ang sin na ito. ang anger for me or galit ay isang sobrang intense emotion na nagtritrigger ng so much hatred na tipong nabuhay ang demonyo sa loob mo. it a powerful emotion that can really destroy everything! iba ang galit, namamatay kasi ang utak mo ng panandalian at doon, sasapian ka ng masamang espiritu para makain ka ng tuluyan. well ang exorcist ay ikaw din. ikaw ang kusang magpapalayas ng demonyong iyon... kung paano at kung gaano katagal? depende sa iyo.
ako sobrang bihira akong magalit dahi pasensiyoso ako! as in.. pero mairita at mainis mabilis lang! haha. mabilis lang naman mawala ang mga irita mode ko eh... hehe...
well paano ba ako iritahin? simple lang...
- i hate bitineros! yung tipong ganito...
pipol: uy! may chika ako sa iyo!
ako: ano yun?!
pipol: ay hindi pwedeng sabihin eh...
ako: huh? ano nga!
pipol: sige na.. malalaman mo rin. bye!
ako: >@#@$#!! ka!!!!
i mean hello... kung ayaw mong sabihin or bawal sabihin. huwag ka nang magpapansin pa na magbigay ng kung anong hint or motibo hindi naman pala sasabihin! sobrang nagpapanting tenga ko sa mga taong ganun! umaakyat agad ang dugo ko! kainis talaga!! if you dont want to spill, eh di dont spill at all! - yung ginagawa akong tanga!
i hate it so much! lalo na pag binabaligtad ang lahat! yung ikaw ginagawang tanga though siya naman ang may katangahan talaga sa buhay! ay nako sobrang ayoko sa mga ganung tao! basta sa kahit anong aspeto, ayoko ng ginagawa akong tanga physically, mentally at emotionally! - i hate it kapag pinangungunahan ako!
ngar! sobrang pet peeve ko yun na parang mas alam pa ng mga tao kung ano ang nararamdaman mo kaysa sa kanila! for eksampol:
*harutan*
pipol: uy bakit ganyan ka na? napipikon ka na noh?! bad trip ka na! wooohoo!
ako: hala? yes? hindi kaya!
pipol: weeeh! ganyan ka na pag pikon eh!!! weeeh!
ako: *totoong pikon na* ngar. (para san pa at sinabi kong hindi di ba? aamin naman ako kapag pikon na ako o hindi pag ganun eh.)
syempre nakakainis wala ka ng magawa! hindi naman ganun nararamdaman mo, sinasabi na agad sa yo na ganun. tapos sasabihin na kilalang-kilala ka na dahil alam na marereact mo. not really. kung kilala mo na ako hindi ka dapat humihirit na ganun... meaning you do not know me too well. ngar! - ginagawa yung ayaw niya sa iyo.
nako weird to, sasabihin ng friend mo for example na ayaw niyang binabatukan siya, pero kung mambatok ng ibang tao hobby na niya. hindi ba weird yun? ayaw mong ginagawa sa iyo pero ginagawa mo naman sa ibang tao! kaya sobrang naiinis ako kapag ginagawa sa akin yung ayaw niyang ginagawa sa kaniya. hindi ko gagawin ang ayaw mo pero huwag mong gawin sa akin yun! dont do unto others what you do not want to do unto you. tsk.
ayan parang full of rage ang drama ko! haha. kasi naman sa mere fact na pagsulat ko pa lang ng mga iyan naiirita na ako! haha. nako talaga! ngar! hehe.
***
lagablab
sa aking pagsinghap,
baba. taas. baba. taas.
ang hininga.
sumasapi na siya.
bawat bigkas ng salita,
daluyong at pananalanta.
bawat indayog katawan,
isang pulutong ang lumalaban.
hayaan niyong mawala ang sumpa.
hayaan niyong humupa,
itong demonyong inyong ginawa.
***
Okay, THANKS for dropping by.
ReplyDeletesinong umaway sa iyo, sasapakin ko! Pansin ko nga ayaw mo talaga yang mga ganyang tao!
ReplyDeleteAko, ayoko sa taong feeling close, alam mo yung grabe kung umepal.
I tagged you pala. Check mo na lang sa blog ko.
ReplyDeleteplz ate! ketaro! uyyy
ReplyDelete@keitaro: wala naman! hehe. naisip ko lang na ipost to... hehe
ReplyDelete@mrs.jhey: ishuera. tse.
naku, can relate ako dyan. actually, madali akong maimbyerna pero hindi ko agad nilalabas..wala naman kasing mangyayari eh. pero kapag lalo akong pinikon, maghalo na ang balat sa tinalupan dahil magrerebolusyon naaa!
ReplyDeletenatawa din ako sa mga dahilan mo. hate ko din ang reason #2 mo. lagi akong binabaligtad kahit may ebidensyang nagtuturo na sila naman talaga ang may kasalanan. hmpf! di bale na di ko kasalanang maging mas mautak kesa sa kanila
*evil mode*
Siyet! As in lately, i experienced much anger rin. Ito na ata ang pinaka angry moment koh.
ReplyDeleteMabait akong tao, pero kung talagang kinakawawa ka na, time na to fight back.
I never been super angry all my life. ngayon lang. At sa tao pang least expected mong kagagalitan.
Ang iyung kaibigan.
Lagablab... looks very familiar. Maganda ang tula. It's like something related to anger or sex... Me and my sex-drowned skull.
ReplyDeleteGet angry. Pero ang pikon talo. ;-)
@kc: naku naman! ayoko ng binabaligtad ako!!!!! ngaaaar!!! haha
ReplyDelete@lyka: hmm.. yeah nabasa nga namin ang umaatikabong mga bagay na nakasaad sa inyong blog... well sana humupa na ang galit sa puso mo.
@kiks: wow! tenchu! i made the poem! hehe... hobby ko kasing magsulat ng kung anik-anik... yeah ang pikon talo...
oooh nice poem. =) enticing and passionate indeed. tnx 4d add kalansay =)
ReplyDelete@ruff: maramingsalamuch! anyway no problem! hehe
ReplyDeletemay mga ganyan din akong emote.ehehehe.. nakakairita and I hink blogging is a good reply on that. theraphy itu. kya blog ever ka lang ;)
ReplyDeletehaha ok lng yan..
ReplyDeletehealthy ang magalit
paminsan-minsan nga lng dapat
i learned so much from ur post on anger, and now for anger management program....
ReplyDeleteYamot is mas masidhi sa galit ryt? or its just d same? how about inis, is it milder??? just asking po! =)
ang ganda naman ng blog na ito.
ReplyDelete@jackie: i agree at therapy ang pagblablog. malaking tulong itey hano? ayan ithesis mo ang effects of blogging sa mundo. hehe.
ReplyDelete@kimpotent: ay yeah. narerelease kasi ang ating mga tension sa buhay.
josh: ang inis milder yun kasi pag galit hatred na talaga ang nalalaman mo.
aj: tama ka diyan! chos.