but first alam mo ba ang purgatoryo? well kung katoliko sarado ka alam mo ito pero kung hindi mo knowsung good luck at kahit yun man lang sana alam mo kahit hindi ka palasimba...(like me.hehe) anyway heto na nga ang meaning ayon sa catholic encyclopedia na new advent (mataray may direct quotation ang drama! mamaya magugulat ka may bibliography na rito. cheka!):
Purgatory (Lat., "purgare", to make clean, to purify) in accordance with Catholic teaching is a place or condition of temporal punishment for those who, departing this life in God's grace, are, not entirely free from venial faults, or have not fully paid the satisfaction due to
their transgressions.
in other words dito sinasala ang mga taong close naman kay god kaso nagkasala pa rin. kaya sila napupunta rito para sa purification and all. ayon sa mga.. hmmm... ewan kung kanino nanggaling ang theory na ang purgatoryo raw ay nasa gitna ng langit at impyerno. well siguro dahil sa aklat ni dante alighieri na purgatorio. limbo pa nga ang tawag eh. nako so much for the intro... heto na ang mga random people you meet in purgatory...
the poverty stricken people
naku marami sila rito. kasi naman iba-ibang klase silang tao. may social climber, ang kaso niya kumakapit sa mayaman at hinuhuthutan ang mga ito ng salapi. nagsasalita siya ng barroque english para makaride at nakikijamming sa starbucks kahit na ang role lang niya run ay manood. pero wag niyo siyang husgahan dahil naghahanap lang naman siya ng kaibigan. ginagawa niya iyon para makalibre siya sa starbucks at masabing angat siya sa society. parang kapantay niya ang prostitute, dahil sa pagbebenta niya ng katawan nalalaspag ang kaniyang pagkababae, again, dont judge her! wala ng makain ang kaniyang pamilya.. ano pang gagawin niya hindi ba? naku may sikat na ganito, si margarita! isama mo pa sa mga ito ang squatters (and the likes of holdapers and kidnappers et al). dahil sa kahirapan nagsusumiksik sila sa kamaynilaan. ang lakas nilang magreklamo pero sino ba ang nagdudumi ng mga ilog at lansangan? well sa mata ng panginoon sa purgatory pa rin lahat sila dahil blessed are the poor in spirit, the reign of god is theirs. oh ha?
college students with 9 lives
paano nangyari iyon? well sila ang classmates mong umaasa sa iyo tuwing exams, kabonding mo ang project nila habang sila ay wala sa iyong paningin, laging kodigo ang best friend at absenero pero wag ka! akala mo kick out na sila? no no dahil andiyan pa rin sila para umasa sa iyo... masama ba? well ginagawa lang nila iyon para hindi madisapoint ang kanilang mga magulang. isipin mo na lang pag bumagsak sila, gaano kasakit iyon kay tatay at nanay hindi ba? para sa kabutihan naman daw iyon ng nakararami.
the pepperloos
naku itong mga homomen na ito! sila ang tinatawag na pamhin or paminta! well nasa purgatoryo sila para pagbayaran ang kanilang munting kasalanan ng pagsisinungaling. hindi ba piolo at paolo at raymond? well kailangan nilang itago ang lahat at palabasin sa publiko na sila'y mga macho pero no no... palda ang pangarap na isuot! naku kasi naman kung hindi sila magsisinungaling paano na ang kanilang career? so parang white lies lang ito! pag lumantad sila sa tao baka batuhin lang sila ng tinapay hindi ba? so magtago na lang para sa katahimikan ng lahat. at ang mga pamhin naman na ang hanap ay hada, mas mabigat kasi nga niloloko nila ang kasiping nila na sila'y tigasin pero si pink ranger naman pala ang idol na gayahin! well in deffense to them kaya nilagay sila sa limbo ay dahil paano naman ang sex life nila at higit sa lahat ang love life? hindi ba sabi nga ang sex ay isang natural na urge at dapat lang gawin for pro-creation? at hindi ba mahalaga ang love? naku paano kung hindi sila magpapamhin paano na ang kanilang mga pangarap na langit? (well at least nasa purgatory man sila ngayon nakatikim na rin sila ng langit.hihi)
the journalist inventor
naku hetong mga ito ang nagpapagulo sa showbiz world. kasi naman sulat ng sulat ng kung anu-ano! may mga imbento, gawa-gawa lang pero minsan siguro may totoo. susulat ng kung anong imbentong artikulo na talaga namang titibag sa career ng isang starlet... naku ha? ayaw ni mother lily ng ganiyan. pero masisisi mo ba sila? yun ang kanilang kinabubuhay! ang manira. pero paano na ang kanilang pamilya? saan na kukuha ng pangtuition si bunso? o pangbeer ni kuya? kawawa naman si joebert at ang kaniyang mga papa kapag nagkataon...
the first world citizens
ang yaman-yaman nila habang ang ibang bansa humihirap lalo. well nagnanakaw sila sa iba pero pinapamahagi naman nila sa kanilang kanayon... ala robinhood lang di ba? take and give ang motto nila. ginagamit nila ang mga mahihirap na bansa para sa kinabukasan ng kanilang mga katauhan. unfair man pero its for a cause raw sabi ni bush.
the holy hypocrites
heto yung mga nagsisimba tapos magpapahula sa labas ng quiapo. o kaya'y mga nagrorosary sa jeep tapos biglang pag natabig mo mumurahin ka ng lahat ng mura pero syempre back to dasal ulit siya with matching calling all saints in heaven pa. at least nagmura man sila dasal agad after. so parang naghugas lang sila ng kamay. at isama mo na rin mga iglesia pips na kumakain ng dinuguan. bawal sa religion nila iyon pero tuloy pa rin sa kain. kasi naman daw masarap ito with the puto, huwag daw kasing hayaang magutom ang katawan para hindi madamay ang kaluluwa.
kontrabida sa mga teleserye, kuwento at pelikula
sinasapak ang bidang lalaki, sinasampal ang bidang babae, naninira ng buhay ng bida, nagpapalit ng mukha ala impostora, nangaagaw ng anak, ng asawa o ng jowa... yan ang mga trabaho ng isang kontrabida. kaya naman nababagay sila sa purgatoryo... pero hindi ba sukdulan sila sa kasamaan? naku ate buksan mo ang iyong mga mata! nagkataon lang na mas matapang sila sa bida. if i know masayang-masaya si mara nung nakita ang talaarawan para mabengga na si clara. syempre dinidiffend lang nila ang mga sarili nila at hindi naman sila magkakaganun kung hindi papasok ang bida sa kanilang buhay. marapat na pagbayaran nila ang mga kadramahan nila sa purgatoryo. hindi ba nagsosorry naman ang mga kontrabida sa huli like lavinia to our dearest princess sarah?
ayan. ilan lang iyan sa mga mamimeet mo sa purgatory. baka may naencounter ka diyan ishare mo lang. dont be shy. well siguro marami pa sila pero siguro next time talakayin natin ang mga iba pa. naku ha baka ikaw din mapunta sa limbo! pero well mas exciting naman kasi schizo ang mga tao run. masama at mabait. isipin mo na lang na nasa earth ka. oh siya! magagalit na si san pedro eh. binubuko ko raw mga kakosa niya sa purgatoryo.
naloka ako dito. tama ka dun sa mga soshal klymer...haha!
ReplyDeletetalagang suki mo na ako. mabenta sa akin ang mga post mo.. =)
salamat naman ate kc! hahaha.
ReplyDeletepati mga pepperloos kasama? =(
ReplyDeletepero i have no worries, feel ko kc when i die, direcho ako sa hell eh, wala nang purgatoryo pa. direcho na. woohoo.
just kidding. knock on wood ruffruff. =)
ruff: haha. yeah. kasama sila kasi they still have to lie. pero ewan. feeling ko lahat ng bading nagdaan sa pagiging ganun or minsan nadadala na lang sila ng uso...
ReplyDeletewat razons mo to write such?
ReplyDeletemmm i love this post ha!
sulat na ng play!
mrs.j hobby lang. haha. mmm... flow of thoughts. naks! haha
ReplyDeleteand thank you ate. ;p
Faustus ang dating. Dante ang arrive. Except bakla. Kaya mas bongga. Will hell be as beautiful as I thought I understood Milton´s?
ReplyDeleteoks na ako sa sosyal klymer. yung mga pepperloos na umaatak sa mga dingers at remaining unfaithful ang dapat maunang itapon sa hell.
ganda, kelly. ganda sya!
pa-mhin ako
ReplyDeleteang ganda ng purgatory ko
ma-sex life
:-)
Re. thankful: Naiyak ka ba kalansay? Hehehe. I’m thankful also for schoolmates like you and your entries which are always a nice-read. Makes me happy, refreshed, and of course, manic at times. =)
ReplyDeleteSama-sama kami ni kiks and bryan sa purgatory. Kami ay magpaparteeeyy. Hahaha. Just kidding. =0
ahaha! i-play na yan!
ReplyDeleteayus.
Correction lang po Lola! Hindi lahat ng mga pamhinta ay nagsisinungaling! Choice yun eh. Openly Gay nga sila pero ginusto nilang magmukhang lalaki pa rin.... or pa-mhinta nga. Tse!
ReplyDelete(Eh kasi nga, isa ako sa kanila! At heaven ang destination ko noh! Hello? Chos!)
9 lives na classmate?
ReplyDeletehmm.
itago natin sa pangalang..
JUTAY.
Hahaha!
kiks:salamat naman miss kiks. ako'y nagagalak at inyong naappreciate!
ReplyDeletebryan:gusto ko na yatang sumama sa purgatory mo.hahaha.
ruff:*pahid ako ng luha* naiiyak ako at nagustuhan mo.huhu. anyway invite niyo ako sa party!! ay mas cool pag naggatecrash akey! ahihihi
anne:haha. anong role mo anne pag nagkataon?
lyka:naku sige na nga miss lyka. haha. baka makuyog ako ng sambayanan...
goddess:wahahaha. yun na! wala na akey masay! hahahahaha
oh d purga, remind me to eat those bettle nuts para mapurga aking alaga sa tyan,hehehe (gross).
ReplyDeleteYour post here shows your catholic-Xtian side! Saan kaya ako dadamputin, yikes...hehehehe
josh:haha. san nga ba? :p
ReplyDeletesino si JUTAY!
ReplyDelete