Monday, September 3, 2007

when destiny meets pain

isang gabi nagtext sa akin si enchantress tanong niya sa akin. what is the most painful feeling in the world? ako naman napaisip... ano nga ba ang pakiramdam na talagang magdudulot sa akin ng todong sakit? tatlo ang sinagot ko sa kaniya pero apat pala ang dapat.

mga most painful feeling in the world for me:
  • helplessness

    hindi ba sobrang sakit non kapag wala ka ng magawa? sa point kasi na iyon alam mo na ring walang pagasa at alam mo rin na darating ka sa point ng frustration na isa sa mga talagang hatest kong feeling! kapag wala ka ng magawa ibig sabihin kahit anong gawin mo sa wala pa rin mapupunta ang lahat. sakit noh? hehe
  • disappointment

    i hate this feeling too. for me painful talaga ang disappointment. kaya nga hindi ako nag-aassume eh kasi ayokong masyado akong mahulog sa pagaassume at masaktan ako ng todo. well sabi nga, ang assumera hindi lumiligaya! haha.
  • depression

    kailangan pa bang iexplain? hehe
  • frustration

    hay ito nga ang kasunod ng helplessness... dahil wala ka na ngang magawa, mafrufrustrate ka na lang kasi hanggang doon na lang ang kaya mong gawin. ang mafrustrate ng mafrustrate at mapagod na lang dahil alam mo ngang wala ng mangyayari. ang masakit doon, kailangan mo ng harapin ang katotohanan na wala ka na ngang magagawa kundi ang mafrustrate!

ayan. naaalala ko ang play namin sa aming org this september... kapag nirerelate ko ito sa reality, naiisip ko parang nagiging helpless talaga tayo sa tadhana. i mean, wala na tayong nagagawa kapag napaglaruan na tayo ng destiny. parang hindi natin nakokontrol ang lahat kaya ang nangyayari nalilito na tayo. minsan tayo pilit nating kinokontrol ang fate kahit alam naman nating hindi natin kaya. pero i guess mukha lang natin nakokontrol kasi nga sa ating mga decisions pero actually after nating mamili may parating pa rin na hindi natin inaasahan.. so kailangang nating umalis sa ating comfort zone kasi nayayanig tayo...

unpredictable talaga ang destiny. you'll never know what will happen next. nakakaloka hindi ba? any time kayang magbago ang buhay mo sa isang iglap.

***

kapansin-pansin din pala sa ating mga pilipino ang masyadong pagkahumaling sa mga fortune-telling eklat. kaya nga maraming manghuhula sa labas ng quiapo eh. naku ang nanay ko (at ako rin naman) ay hindi rin matiis ang tuksong magpahula. ako actually natatakot magpahula. siguro dahil scared akong makita what is ahead of me... paano kung sabihin ni madam auring na mamamatay na ako bukas? eh di naloka naman ako hindi ba?

sa play namin may line pa na "it's true because you want it to be true. kahit sinong magbasa niyan(horoscope) ay maghahanap ng interpretation na applicable sa kaniya." well infairness true nga ito. kahit nga yung horoscope sa inquirer libre na alam naman nating joke lang ay sineseryoso natin at kinokonek pa rin natin sa ating buhay. pinagdidiinan natin na totoo pero tayo lang naman din ang gumagawa ng notion na "totoo" nga iyon. tapos meron pang part sa play na about pagkausap sa patay.. bakit nga raw ba kinakausap ang patay eh patay na nga? well ang sagot? "hindi kaya't kinakausap natin sila dahil sa totoo lang, alam nating hindi nila tayo masasagot. gusto lang nating marinig ang sarili natin?" ang strong ng line. feeling ko part din ng frustration iyon pag namatayan ka... kinakausap mo sila pero alam mong hindi nila masasagot. frustarted ka kasing bumalik siya eh... pero wala na nga... ang sakit siguro nun noh? well ang pinakamasakit na kamatayang naexperience ko ay yung tita ko na tinatawag ko ring mama. bata pa aku nun.. 1999 yata yun.. sad yun kasi nga parang second mom na namin siya... pero well... yun eh.

infairla parang ang serious ng post kong ito noh? nakakaiyak. haha...

***

tadhana

lumubog na ang araw
pero wala pa rin ang mga bituin
nagdadamdam ang buwan.
nasaan na raw ang hangin?
bawat bulong nila
isang nilalang nagbubuntong hininga.
sa pag-ikot ng mundo,
bukas paggising mo
hindi mo na alam
kung bakit nagkaganito.

14 comments:

  1. Isa pa sa mga painful feeling in the world (feel ko) is REJECTION (siguro kasama na siya sa helplessness/disappointment) pero diba iba ang sakit ng feeling pag nire-reject ka ng taong love mo? Yung kahit anong tumbling mo eh wala pa din. As in deadma, poof, nada. But about the four things you’ve listed I couldn’t agree more.

    Totoo yung sinabi mo about horoscope, its not that I do believe them, pero yung “maghahanap ng interpretation na applicable sa kaniya” super nakagawian ko nang i-practice. Hehehe. At the end of the day, si Zenaida Seva pa din naman ang pinakikinggan ko:

    “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Mayron tayong free will. Gamitin natin ito.”

    Korek? Korek!

    =)

    ReplyDelete
  2. ruff:sinabi mo pa! korek nga si ate zenaida seva! haha. masakit din ang rejection! ouch. isa ngang malaking sampal yun...

    pakinggan nga natin si ate zenaida always. pero fun magbasa ng horoscope! hehe

    ReplyDelete
  3. Sa akin naman... feel ko... Rejection.

    Rejection ng pamilya, friends, BF, at lahat lahat na.... all at the same time.

    Napakasit nun siguro.

    ReplyDelete
  4. lyka:naku ate lyka napakasakit nga niyan! well siguro dapat na lang tayong matuto sa bawat rejection na sumasakit sa atin.

    coldman:hehe. correct.

    ReplyDelete
  5. Korek! Masarap tlaga magbasa ng horoscopes. Esp yung sa tabloids. Hahaha.. =)

    It hurts me soo much to list a Britney song either, esp when I have considered her as my imaginary soulmate before.
    ~Lito Camo really has lots of explaining to do.

    ReplyDelete
  6. ndi ko na alam kung ano ang masakit para saakin.

    pare-pareho na lang yan saakin.

    :(

    ReplyDelete
  7. Thanks for posting, Kalansa!
    Very good.
    Have a good day

    I go to be with the Greek people, and you?

    ReplyDelete
  8. true. masakit ang disappointment. parang kakambal na nga rin ito ng rejection...ouch. double jeopardy!

    "well sabi nga, ang assumera hindi lumiligaya!"...haha. halurvit! totoo rin kasi. pero kung tanggap mo na ang kapalpakan, pwede mong gawing defense mechanism ang pagfi-feeling para maisalba ang sugatang ego.

    ..wag lang araw-arawin ang pagfi-feeling. nakamamatay yan. etchos.

    ReplyDelete
  9. ruffkorek! haha. enjoy talaga.

    goddess:sushal. payo ba yan ng diyosa? ;p

    david santos:er.. thanks. im filipino.

    kc:nako ang pagfifeeling ay hindi talaga healthy ate. haha. well pero kung bengga ka unahan mo nang iaanounce na nagkamali ka.. haha

    ReplyDelete
  10. bakla, sabi ni david santos, kalansa ka daw..malansa ka daw..ahahaha..

    masakit magkasingaw lalo na kung magkakatabi..haaay..

    ReplyDelete
  11. hmmm... helplessness... ung tipong nasa isang tabi ka na lang at nahihintay ng himala...dahil baka yun na alng ang tumuloong sa'yo

    jusko..himala...na lang

    in a way, hopeless din ang drama mo sa gilid.

    ReplyDelete
  12. aj:nako ate naloka rin ako ng lolo mo! haha. napakalansa ko raw. haha

    icke:.. at kulang na lang sumulat ka sa wihs ko lang para matupad wish mo. hehe

    ReplyDelete
  13. oo nga unahan mo na. pero kung hirap ka pa rin, pagfi-feeling na ang sagot diyan. wag lang sosobra...

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...