Monday, September 24, 2007

nakakatakot na post

hay im back and actually i dont know what to write. basta i want to blog para maalis ang stress. may ganun? hehe. malapit na palang magpasko no? well iyong isa ko pang favorite happenings muna. ito ang halloween! well kahit na wala tayong trick-or-treat dito sa pinas, enjoy pa rin ang halloween lalo na sa mga taong mahilig sa horror kagaya ko.

hmm... ewan. sobrang hilig ko sa horror/suspense/thriller/fantasy basta sa supernatural! as in. simula pa nung bata ako talagang hindi na maawat pagkahilig ko sa mga bagay na hindi maipaliwanag. noong bagets pa ako, bumibili talaga ako ng mga horror komiks mula sa tapusang kuwento hanggang sa iba't-iba. hinihiram ko sa library namin mga horror/suspense/thriller/fantasy books like goosebumps, fear street at mga classic like dracula at frankenstein. tapos lagi akong nagkukuwento ng mga horror stories sa mga bagets kong pinsan, kaya naman minsang masundan sila ng itim na aso, aba naparanoid at nagsabog ng asin sa bahay... ngar. syempre medyo nabengga ako at iniimpluwensiyahan ko raw sila sa mga ganoong bagay. hindi kumpleto ang overnight sa akin kung walang horror stories dati! grabe. kahit paulit-ulit basta nakakatakot winner na! syempre sinusubaybayan ko ang magandang gabi bayan tuwing undas season! grabe, naalala ko umuwi pa talaga ako sa sementeryo ng mas maaga para lang mapanood yung mgb. at talagang pinapanood ko ang shake,rattle and roll marathon sa cinema one at iba pang mga horror films sa tv!

noong high school syempre ganun pa rin! horror/suspense/thriller/fantasy addict pa rin ako. may mode pa nga na sobrang nafascinate naman ako sa witchcraft kaya go naman sa pagtingin ng mga spell books sa national bookstore. nagtry pa nga kami ng mga friends ko eh. wala namang nangyari. hehe. bumibili pa ako ng philippine ghost stories noon at kung anek-anek basta maayos ang horror/suspense/thriller/fantasy cravings ko. may book pa akong binabalik-balikan sa library namin noon kasi bawal ilabas, ito iyong almanac of the uncanny! ang taray talaga nun! collection of horror/suspense/thriller/fantasy facts around the world. yes facts talaga na hindi lang mapatunayan kung fact nga... mga sinusulat ko noon laging sa horror/suspense/thriller/fantasy genre umiikot... noong high school naman nagexplore na ako ng iba pang genres pero ang hilig ko sa horror/suspense/thriller/fantasy ay dinala ko till college...

aba hulaan mo kung ano ang article kong sinulat for our college journal? yes about horror films... ano ang gagawin kong paper sa film theories finals? yes! about horror films din.. sinama ko nga rin sa choices ng thesis namin ang horror films eh. haha. baliw pa rin ako sa mga katatakutan! love kong panoorin yung a haunting sa discovery at mga kung anek-anek... syempre alam na alam na ni miles ang hilig ko sa horror... well noong naging maliit na director ako sa theater play namin, may pagka horror yung genre nung ginawa ko.. ako rin nagsuggest ng sementeryo na setting... haha.

nagrereflect din minsan sa mga sinusulat kong poem or short story ang pagiging morbid ko. ewan ko ba. siguro redundant na kapag bading ka na nga pasweet pa rin ang ending ng kuwento mo. haha. minsan nga eh nagugulat ako na parang ang layo na sa akin ng nasusulat ko kasi nga so dark. well i love ko naman ang dark-themed. hay...

hindi naman ako matatakutin actually... pero ano nga ba ang kinakatakutan ko?
  1. nakangiting multo!!!! waaahhh
  2. snakes pero not ultimate...
  3. holduper, nagaamok na lasing...
  4. loud na drag queen slash parlorista(weird no?)
  5. natakot ako ng konti sa exorcist at shutter!
  6. pugot na ulo.
  7. pag wala na akong pera at hindi pa ako nabibigyan ni tito
  8. manghingi ng pera.

ayan. wala na akong maisip kasi nararamdaman ko na ang isa ko pang kinakatakutan... nagugutom na ako.

ciao!

14 comments:

  1. wow, me first!

    ako naman, mula nang malaman ko na ang mga kinakatakutan ko nung bata ay totoo pala at nalaman kong meron akong 6th sense eh unti-unti na akong na-akustoma sa ganong mga kaganapan sa buhay. kasalanan lahat ng tito ko na dead na eh, but thats another story i guess. hehehe.

    cyempre nagugulat pa rin ako minsan, pero yung elemento na takot at wala na. my most intolerable experience? my baguio trip. =(

    ako naman, konti lang ang kinakatakutan ko:

    1) pasyenteng mamamatay dahil sa kaeng-engan ko,
    2) magising na nag-iisa na lang ako sa buhay, at
    3) si dakota fanning. =)

    and oops, nagugutom na rin pala ako. parang gusto kong milkshake. =)

    ReplyDelete
  2. wow ruff may 6th sense ka?!! sobrang naiinggit ako rati sa mga taong may third eye... hiniling ko pa nga rati na magkathird eye eh. haha. pero sabi niyo nga, sobrang nakakabaliw ang meron dahil hindi niyo na alam kung sino ang buhay sa hindi na...

    nakakatakot nga yung nurse ka tapos ikaw may kasalanan sa pagkamatay ni patient. oh yeah. malungkot nga yun pag alam mong mag-isa ka na lang... well iba yung alam mong mag-isa ka na may mapupuntahan ka pa, dun sa mag-isang wala ka ng pagasang may makasama. at bakit kay ate dakota? hehe...

    mmm milkshake...

    ReplyDelete
  3. takot talaga ako sa ahas (pati taong ahas! hahaha!)

    at bakit nman takot si nurseruff kay dakota fanning?!

    ReplyDelete
  4. Ay naku! Ever kakatakot talagah ang No 1 mo at ang Pugot na ulo! Siyeeet!.

    How about kung ang ghost ay ke Alfie Anido or Miguel Rodriguez? Chos!

    ReplyDelete
  5. naku coldman minsan kaloka talaga ang mga ahas! skeri.

    ate lyka nakakamatay talaga ang mga ganung elemento! waaah! naku kung mga boylets ang mumu, magpamulto na. ahihi

    ReplyDelete
  6. promise super takot talaga ako kay dakota fanning, as in promise. ewan ko ba, basta parang she scares the hell out of me. hehehe. come out, come out wherever you are! =)

    working in a haunted hospital (well, every hospital is haunted naman diba) is still one of the scariest places to be, esp for a person with a third eye just like me. ewan ko na lang sa mga sepulturero, embalsamador, etc.

    my tip: selective inattention. it really works. (sa dami ba naman ng trabaho sa ICU eh papansinin ko pa ba *sila?) ryt? =)

    ReplyDelete
  7. nga naman nurse ruff, deadmahin ang mga espiritu! pero scary yun ha sa gabi... ala anne curtis sa wag kang lilingon ang drama..

    naku haunted nga talaga ang mga hospitals... marami nga akong nababasang ghost stories about hospitals eh.

    naku mag-ingat ka ha nurse ruff? baka habang nagduduty ka maghello si ate dakota! ;p

    ReplyDelete
  8. Oo nga, related ang mga bago nating post.

    Mukhang maganda yung Almanac of the Uncanny. Pero wala pa ring tatalo sa mga personal experiences ng mga kakilala natin.

    Ang masasabi ko lang ay may ilang bagay akong kinatatakutan at ni isa rito ay hindi multo:
    1. gagamba
    2. ipis na lumilipad..deadma ang gumagapang
    3. ahas
    4. maubusan ng pera tapos lahat ng ATM off-line

    katawa naman yung kinatatakutan ni Ruff, si dakota fanning. =)

    ReplyDelete
  9. nakakatakot?

    1. ipis na lumilipad.
    2. the thought of surviving a fall from the 58th floor. tapos bruised and broken ka all over.
    3. and yes, afraid nga si multo.

    but the parlorista? kalansaaaaaay!

    ReplyDelete
  10. oo ate kc maganda yung almanac of the uncanny. pero agree nga ako na mas nakakatakot pa rin talaga mga personal experiences ng mga friends natin na hitik sa mga multo bonding and supernatural party.

    tiya kiks scary nga iyong no. 2! kabaliw na pagbagsak mo from the 58th floor eh hindi ka pa rin dead. at tiya takot talaga ako sa screaming faggot. :o ewan ko ba kung bakit. parang kalevel lang siguro ng pagkatakot ko minsan sa mga clown! i forgot to include it sa aking list!

    ReplyDelete
  11. basta, for me, dakota fanning = tiyanak. dakota fanning growing up = mangkukulam.

    scareeeh!!! it looks like halloween is coming early this year eh? =) hehehe. =0

    ReplyDelete
  12. you have to set your emotions to the right frequency.. what you feel greatly affects the supernatural force around you.. tighten up your instincts, know more facts, study occult, be more observant, don't get bored with silence... if you want these spirits and elementals appear before you follow being weird and all, you'll see, you will be sensing them...

    nice blog, link?

    anyway, im afraid of the ff:

    -air..
    im a water sign considering im born pisces, speaking of occult, air and water are good forces working together, but as much as they have camaraderie with each other, air is much stronger than water.

    -earthquakes..
    wala lang.. sino ba naman di matatakot sa lindol.. :P

    ReplyDelete
  13. Syet, di uso yan sa library ng iskwelahan ko dati. Maghahanap ako. Sana di pa nabaon sa limot ang librong iyan.

    Haha! Pero sana itama sa oras yung pagkukwento. Naalala ko kasi nagtrip kami ng mga HS friends ko na manood ng sine sa Metropolis Alabang (yung dating sementeryo). Wala masyadong tao dahil weekday. Tapos biglang bumanat itong isa: "Alam nyo ba dati nung nanood kami ni Kuya ng sine dito, maraming tao nung dumating kami kasi nasa gitna na yung palabas. Tapos pagbukas ng ilaw, iilan lang pala kaming nanood samantalang nung pagpasok namin siksikan ang tao"

    Kumaripas kami ng takbo palabas, baka kasi mga multo yung kasama namin. Kaya pala nagrerebolusyon si Dodong na huwag sa Metropolis manood ng sine kahit mura kesa sa ATC. Haha!

    ReplyDelete
  14. haha ruff! mangkukulam na ate dakota...

    tonskie sure we can x-links. why are you afraid of air? ansarap kasi ng feeling na humahangin... very dramatic. ;p

    naku kc sayang naman. panalo ang aklat na iyon! scary naman ang sinehan experience na iyon!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...