pero ang tunay na drama hindi nangyayari sa entablado kundi sa backstage! dahil nga isa akong stage manager dito, nagbabad ako sa likod ng stage. mas maraming nagaganap sa likod kaysa sa mismong play! haha. aside from takutan dahil sa resident auditorium ghost na si marjorie, syempre may dramahan at aksiyon!
habang nagaabang ang ibang mga artista sa likod o naghihintay ng cue, nakakapagkuwentuhan ang mga tao. syempre nakikipagchikahan din naman ako sa mga friends ko sa likod. hay may isa hindi pa raw siya makontento sa buhay niya though meron na siyang love life.. sex life... sabi ko nga sa kaniya, ako nga wala ng 2 iyon eh! (please ayokong mamatay na virgin lord) hehe. tanong niya bigla, "kuntento ka naman di ba?" natahimik ako sandali. "oo... siguro.." sagot ko. ewan ko rin actually kung kuntento na ba ako o hindi. basta sinunusunod ko lang si scorpio (mula sa karakter ng play), "live life!" pero minsan ako nga yata talaga ang ginampanan kong si aquarius, nasa ulap pa kasi ako minsan eh. kailangan ko lang yata ng assurance kagaya ni aquarius na ganito ang buhay... then biglang cue na namin so natapos ang aming maikli pero malamang usapan. ibang drama naman ang kailangang ipakita sa stage.
maaksiyon naman ang mga tadhana (dancers) ng agnoia dahil hindi sila nag-iingat! ayan nalalaglag sa backstage! kaloka! sakit sa katawan ang abot nila. madilim kasi eh may mga buhatan ng set, pagnamimiscalculate ang lahat... BOG! ayan laglag. bale 2 dancers ang nabengga. syempre natataranta ako noh. trabaho ko kasi na dapat safe ang mga tao. eh the show must go on so bangon at sayaw muli di ba? tarayera. hehe.
marami akong natutunan sa play lalo na sa backstage! as in. kagaya ng:
- huwag manakot pag cue mo na.
- magdala ng flashlight. madilim!
- huwag itutok ang flashlight sa itaas ng auditorium!
"may naglalakad sa taas..."
"ha?" sagot ko.
"meron! tignan mo sila rin tinuturo nila!"
*tutok ng flashlight* *gasp*
"anong ginagawa mo diyan?!"
may isang dancer na naglalakad dun. hehe. itim pa naman costume niya! - huwag magtakutan sa stage! pag may nagugulat maaaring marinig sa labas ang sigaw!
- kumain ng maaga kung ayaw mong maiyak sa gutom. haha.
- lumayo sa may piano. andun ang pamilya ng multo (ano ba iyan parang more more multuhan eh past post ko na nga yun. ;p)
- makipagkuwentuhan sa mga tao. you will get life lessons.
hay i will surely miss the play. ang saya ng mga backstage chismisan! haha. sino ba ang may ayaw sa drama? iba talaga kapag nasa backstage ka. maganda nga at napapanood mo ang play mula sa labas pero mas masaya pa rin oras na hubarin na ng mga artista ang maskara nila. pagdating kasi sa backstage, kung anong katauhan man ang suot niya noong pinapalakpakan siya ng mga manonood sa labas, yung tunay na katauhan naman niya ang nakikita mo sa likod ng telon. nasa likod ng telon ang tunay na drama. nasa likod ng kurtina ang mga kapanapanabik na eksena. hay... ibababa ko na rin ang telon, hanggang sa susunod na backstage pass...
ARIES (ako un!) wag magselos!
ReplyDeleteMataas ang regard ko sa mga nasa backstage. Hindi sila nakikita sa entablado, nasa hulihang bahagi ng mga souvenir programs kung hindi man naeedit at tuluyang naaalis.
ReplyDeleteBut they truly shine. Parang wind beneath the actors' wings. Sila ang shift of black to white. That portion of the chiaroscuro...
Masarap ba talaga sa backstage?
Hi skeleton! Musta na? I'm back! =) I've been quite busy as well. I was at the expo over the weekends and yesterday's was the infamous nurses oathtaking. Finals na ba sa USTe? Hmmm, goodluck kalansay ha. =) DL dapat! Hehe.
ReplyDeleteDarn, I missed Agnoia, gusto ko sanang pumunta. Albertus Magnus bldg holds so much precious memories of my childhood. (As if?) Nostalgic sana ang pagbabalik ko sa Educ Bldg knowing na Educ High ako nag High School. =) Congrats to the staff and crew of Agnoia and the entire Artistang Artlets for the beautiful show. (I still couldn't believe that I missed it).
Those resident multos at the Albertus Magnus auditorium are so spooky. Those multo's at the balcony, near the booth, near the grand piano, and the backstage room? They're so all over the place! Parang walang privacy, hindi man lang magtago. Asar! =)
Again, congrats to the show kalansay (and mrs J up there). =)
And oh by the way, its rjmc_cutie@yahoo.com, i'll tell you there what profile i'm using. =)

mrs. j korek ka naman diyan ate!
ReplyDeletekiks naku masaya talaga sa backstage! more more drama talaga. hehe
ruff nagsend na ako sa email mo. ;p salamat sa pagcocongratulate... sayang sana nakapanood ka. huhu. and yeah! sabi nga nila hindi raw matahimik ang mga mumu run.