Friday, September 7, 2007

ultimate guide to stereotyping

naku aminin natin biktima tayo ng stereotyping. parang form na rin ito ng discrimination at labelling. well lalo na sa mga mas matatanda kasi marami silang hindi mainitindihan sa bagong generation! nanatili lang bang sarado ang kanilang isip? o nagpapaiwan sa kanilang panahon at ngapapakulong sa nakagisnan na? o ayaw lang nila makibagay sa bagong agos ng buhay?

sa mata ng matatanda ano ang:

bakla: sila ang mga salot sa buhay na lalaking nakamake-up, mahaba ang buhok gaya ng sa dalaga at mahilig magsuot ng pambabae. at sa mata ng mga nanay sakit ang pagiging bakla, "o ben huwag kang didikit sa kaklase mong bakla ha! baka mahawa ka eh!" sa mata ng mga tatay sumpa.
communication arts/mascom/broadcasting students: magiging artista o reporter sa tv
nursing students: pag-asa ng pamilya!
college na nabuntis: malanding babae! haliparot! kasuklam-suklam!
cartoons: pambata lang.

sa mata ng mga probinsyano:

bakla: sila ang pag-asa para sa mga tigang na lalaki na hindi makahuli ng babae sa baryo. di ba aj souttou(nyetang apelyido kasi!)? hehe.
manila: ang ginto ng pilipinas!! hindi rin mga kapwa probinsyano! huwag mabihag sa sumpa ng maynila kung ayaw niyong maging informal settlers or squatter!

sa mata ng mga bata:

penis.vagina: talong... bird... flower... bee.. honey... bulaklak... whatever...
susy at geno: halimaw na dapat katakutan.
bakla: nakakahawa. salamat sa pagbrebrainwash ng mga nanay.
blue: for boys.
pink: for girls... and gays.
cartoons: soap opera.

sa mata natin ngayon:

robinsons: may ahas "daw"
mel kimura: kasambahay roles
bakla: pwedeng pamhin, bisexual, parlorista...
wendy valdez: maldita.
la salle: mayaman.
ateneo: matalino, mayaman, mayabang
up: matalino at hobby ang pagrarally
ust: madasalin. relihiyoso.
nursing: uso sagot sa kahirapan next to japan.
lilia cuntapay: mga aswang, multo at horror roles.
varsity player: bobo.
mahinhin: santa.

ano ba ang tunay na matalino?

yun bang nag-d-deans list lagi? o yung marunong magsalita ng ingles? basta sa matatanda kapag mataas na ang grades matalino na. pag hindi kaba kafluent sa english boba ka na? may post ako tungkol sa issue na yan. oh well...

neverending talaga ang mga nastestereotype natin pero kung tutuusin kung tumingin tayo ng mabuti at umunawa ng malinaw baka magbago ang tingin natin sa mga bagay. buksan lang ating isip para mas malawak ang makita natin. toodles!

11 comments:

  1. gaga ka talaga..wrong ispelling pa apleyido ko..at ako talaga example mo sa barrio mhin ah..kurek for mel kimura and lilia cuntapay ahaha

    ReplyDelete
  2. so ibgi sabihin e bading ako dahil pink ang blog skin ko

    in fairness ha

    btw...di lahat ng la salle at ateneo matalino...in fairness ulit

    ReplyDelete
  3. What you’ve said about nursing students? Korek!! If not “pag-asa ng pamilya,” ang laging bungad sa pag-uusap: “kelan ka mag-a-abroad?” Dahil tuloy dyan kahit ayaw ng istudyante na mag-narsing hayun, napipilitang mag-aral. Kahit ayaw mag-abroad, hayun pinagmamadali ng mga magulang na pumunta sa UK! Hai karamba!

    Ngayon, parang natatawa na lang ako dun sa ideyang nakakahawa ang pagiging bakla. Hindi naman talaga nakakahawa eh, minsan lang talaga ay kailangan ng catalyst upang mailabas ng isang batang sexually confused ang tunay niyang pagkababae, kaya hayun, kung sino ang unang nagladlad, siya pa ang nasisisi. Ang buhay nga naman! =)

    ReplyDelete
  4. aj:nagdedemand akong palitan ang spelling ng apelyido mo!!!! wahaha

    bryan: well knowsung mo naman ang mahika ng stereotyping. hehe.

    ruff:oo nga kawawang mga bagets na ayaw talagang magnursing... napipilitan sila... at yah haka-haka lang ng mga nanay na nakakahawa ang pagiging bading. tsk.

    ReplyDelete
  5. @KALANSAY Off-topic: Correct. Pa-tweetums lang ever. =) Ang nakaka-chorva lang sa UST-Med Frats eh yung pagbebenta nila ng kung anu-ano, from concert tickets, used medicine books, chocolates and flowers pag valentine’s day, etc. etc. Pero buti naman walang violence na nagaganap. Sa liit ba naman ng building namin eh san pa sila magha-hazing dun? Sa CR? Hehehe. =)

    ReplyDelete
  6. natawa ako sa stereotype ng nursing students: pag-asa ng pamilya at sagot sa kahirapan. totoo naman kasi. ako nga nung nalaman ng people op da world na tapos na ako ng nursing, binanatan ko ng "Saan ka mag-aabroad?" o kaya, "Kelan ka aalis?"..na minsan masarap sagutin ng "Sa isang buwan na, basta ikaw ang sumagot sa gastusin ng foreign exams ko.."

    at eto pa ang additional sa comm arts stereotype na narinig ko: call center agents..kaloka, hindi naman kasi yung mga kakilala kong comm arts ang course di naman call center agents...

    ReplyDelete
  7. hahahahaha.

    dagdagan mo pa. marami pa to. nawili ako.

    pero pano kung orange ang favorite color ko?

    is orange the new pink?

    ReplyDelete
  8. natawa ako sa mel kimura..! hahaha.

    damn with stereotypes.

    ReplyDelete
  9. ruff:malay mo di ba? hehe.

    kc:yun nga eh. unfair tuloy sa mga gusto talagang maging nurse... at nako isa pang stereotype sa mga comm arts, sing and dance lang or puro make-up ang mukha wala namang alam. excuse me.. not true! :p

    kiks: haha. oo marami pa talagang stereotyped keme.

    goddess:at least sa marimar isa na siyang mayordoma! haha

    ReplyDelete
  10. hahaha.. pwede ha. infurnes. hehhe. naaliw ako d2.

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...