isang linggo na lang sembreak na pero bago ang sarap isa munang umaatikabong paghihirap! grabe hindi pa rin matahimik ang aking isip sa mga tambak na gawain. kasalukuyan akong nagreresearch for my film paper... may pr plan pa kami at mamayang gabi ay overnight ako with my thesis mates na sina mrs. j at miles. hay i dunno what to do. sobrang excited na akong magsembreak! as in! hay finals week na next week buti't wala kaming mga written exams kabaliw nga lang kasi mas nakakapagod physically, emotionally at mentally ang mga ginagawa namin for finals sa aming mga asignatura...
buti na lang may blog para saluhin ako sa aking pagudan state. hehe. i have decided na baguhin na ang film paper ko... dapat kasi about pinoy horror eh wala akong maifocus na film kaya naghomosexuality na lang ako... kaya pusong mamon at aishite imasu ang mga napili kong film para sa aking film critique. kasi sa dalawang pelikulang nabanggit ay powerful ang portrayal sa mga bading. wala man silang super powers dun pero sila ang bida sa nasabing mga pelikula! kung baga hindi na lang binabatukbatukan sa pelikula ang mga bading at di na sinasabihan ng kung anu-anong foul words.
report naman namin mamaya sa marriage and family... tungkol sa gay marriage ang aming report at naman yung paper na nakita namin(thanks to mimi chu) ay sobrang pro-gay-marriage! na akong anti-gay marriage ay parang na-enlighten talaga! ang galing. yung part ko, argument from shared values at "what if everbody did that?".. naku may mga statement pa na ang homosexual nuptial daw ang tatapos sa kagutuman ng tao. kasi nga naman hindi manganganak ang mga ate mo so makokontrol ang overpopulation. hehe. pero kung nagmamahalan kayo masama nga bang ikasal kayo kahit na parehas kayo ng gender? sa totoo lang feeling ko dahil close kami ni god, sa mata niya basta nagmamahalan kayo ng tunay at wagas ay hindi niya kayo hahadlangan kahit ano pa ang inyong kasarian hindi ba? sinasabi sa bibliya ay hindi maaari di ba? pero mas matimbang ang feeling na pagmamahal hindi ba? kung napatawad ni god ang mga killer, murderer at rapist(sabi di ba kapag humingi ka ng tawad sa kaniya ay papatawarin ka niya), ang mga bading pa kaya na nagbibigay kulay ng buhay na walang kasalanan kundi magmahal lang ng lubusan? naks. ;p
at kapag kinasal ka na huwag kang magpakadesperate housewife! kaloka ang pangaalipusta ng show na desperate housewives sa mga filipino doctors... wala lang. ilang milyon ba nanonood ng show na iyon at marami pa namang mga pinoy ang fan ng show tapos bigla silang gaganunin? tsk tsk. i believe na isa sa mga pinakamagagaling na doktor ng mundo ang mga pilipino kaya please lang. hay huwag manyurak kung ayaw mayurakan...
sana naman makatagpo ako ng doctor na gagamot sa aking weird sadness na nararamdaman! haha. well kasi naman masyado akong napamahal sa play naming agnoia kaya hindi ako agad makamove on... pero feeling ko may iba pang dahilan and i dont know what is it -or alam ko kung ano yun pero niloloko ko lang sarili ko na hindi ko alam iyon? chos. ano nga ba? doctor doctor help me!
ayoko namang tahiin ang mga bagay-bagay no? okey lang iyon kaysa naman ang macensor dahil sa kung anu-ano ang pinagsususulat ko. haha pilit na pilit ang pagkakakonek, anyway yun ang topic ng thesis namin na binago na namin for the third time! ang censorship of schools sa mga student. yun ang balak naming gawan ng pag-aaral. aba bilang mga mag-aaral ng pakikipagtalastasan dapat ipaglaban namin ang kalayaan sa pamamahayag hindi ba? ahihi. so more more research pa...
cant wait for sembreak! what time is it? summer time! yiheee... magsaya mga friends dahil pahinga galore na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
Hmm..agree naman ako sa sinabi mo na ang kasarian ay hindi hadlang sa wagas na pagmamahalan. Yun kasing kaibigan ng mudra ko 20 years na silang nagsasama sa hirap at ginhawa. Nakakatuwa naman silang tingnan kasi hindi mo rin naman mahahalata na in a same-sex relationship sila pero mafi-feel mo yung concern nila para sa isa't isa.
ReplyDeleteAt medyo in relation na naman ang entry natin. Nabanggit mo kasi yung sa Desperate Housewives..ganon din ang entry ko. Harhar!
Vuti ka pa Lola, pa sem break sem break ka lang.
ReplyDeleteAnd with regards sa Desperate Housewives episode na yun tungkol sa ating mga doctors.... ewan ko ba. Favorite ko pa naman ang lecheng TV series na yan. Na turn-off ako bigla.
Hate ko pa naman ang mga racial prejudice ek-ek na yan. At gosh, nawala ang respeto ko sa sumusulat dito sa show na to. Tse sila!
bwahaha ateh at talagang piniliy ikinonek mo ang mga topic..aminin haha..yan din ang ginawa ko sa blog ko, sa multiply nga lang haha
ReplyDeletenaku tiya kc oo nga naman. infairness sa kaibigan ng mudra mo... may they live happily ever after.
ReplyDeleteate lyka sayang nga dahil maraming pinoy ang may gusto ng show na iyon tapos nambitch pa... eh well good luck sa kanilang pambebengga!
aj: haha aba naman ate dapat kunekenekta para cool ang dating! ahehe.
ano ba yan! naalala ko naman ang madre kong propesora sa marriage and family. sobrang conservative ng madreng yun na nung may project kami na "my married life in the future" nung meron akong batchmate na gay na nagpass na ikakasal siya sa kapwa lalaki, hayun, binagsak sya sa course. as in.
ReplyDeleteeh ako naman, todo ingat ang effect. nagimbento ako ng babaeng papakasalan, with matching pictures pa. na-impress ang madre! hayun A+ ang project.
medyo konserbatibo pa kasi ang pananaw sa same sex marriage hindi lang sa USTe (hmmm, pontifical and catholic nga naman diba) kung hindi dito rin sa pinas. ang take ko naman diyan eh, equal rights for all. no more no less.
nung nalaman ko nga na ang mga natatangi kong mga propesor sa narsing ay dumadalaw sa blog ko eh napraning ako bigla lalo na at nagkomento pa ang iba sa aking mga may pagka-bading na posts. hay naku, talagang nagtatata-tumbling talaga ako sa kaba. alam nga naman natin na may pakpak ang balita at may tenga ang lupa. baka gawin pang grounds ang mga isinulat ko para sa aking suspensyon.
ukol naman sa DH, malamang nanggagalaiti na sa galit ang mga their highness sa martin de porres building nyan! =)
goodluck sa mga proyekto kalansay at darating din ang sarap, ang sembreak, i mean. =)
nurse ruff napakaunfair naman nun. dahil lang sa nagsabi siya ng totoo ay binagsak na siya! mas gugustuhin ni god ang magsabi ng totoo hindi ba? ;p
ReplyDeletepero ako hindi ko rin alam. a part of me gusto kong magkaanak. pero i dont see myself na magaaasawa ng babae. hehe
at naku ano naman ang nasabi ng mga propesor mo sa iyong mga blogs? windang ba sila?
hay ewan ko ba kung bakit may mga tao na ayaw tayong maging masaya hindi naman tayo nananakit ng ibang tao. haha andramatic. ;p
cant wait for the sarap. hehe
ay nagamit ko ng walang kalaban-laban email ng friend ko nurse ruff hehe. nasa bahay kasi nila kami at thesis mode.
ReplyDeletebawal ang pumuslit sa blogging! eh pasaway ako! haha.
naku sem break na, tataas nanaman ang bentahan ng laman... hehehe
ReplyDeleteenjoy your sem break! cheers!
sana nga..aalis na rin kasi sila ditsa Pinas. Baka bebenggahin si Cherry at ang ABC. Joke...
ReplyDelete@ Ruff: OA naman nun. Teka, si Sister ****ya ba yan? Kung siya nga, yun siguro ang reason kung bakit pareho kayo ng project..haha!