noong saturday nagkaroon ng improv workshop sa aming org. at nagkaroon ng activity na monologue na irerelate mo ang buhay mo sa itlog. iyon ang inspirasyon ng blog na ito.
ako at ang itlog

noong bata pa ako sa tuwing nagbabakasyon ako sa pampanga ang simpleng sagot sa lagnat o kahit anong nararamdamang sakit ay ang albularyo. tapos imbis na biogesic o cool fever ang ireseta ni manong ay itlog. tama ang basa mo, itlog nga! with matching water sa baso pa. tapos babasagin niya ang itlog at ilalagay ang laman sa water. voila! instant x-ray factor na. kasi mula sa substance ng itlog sa tubig, doon niya babasahin kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. haha. kadalasan ang readings ni manong ay namatanda, "naku ikaw kasi huwag maglaro sa gabi o magtuturo kung saan-saan". tsk tsk. tapos dadasalan niya iyong basong may egg substance. minsan pinapainom. minsan hindi. pero ipainom man o hindi, tiyak iisa lang ang aasahan ko. dapat gumaling na ako. well believe it or not, gumagaling nga ako. weird no? hehe. siguro dahil bata nga ako non, sobrang lakas ng faith ko na mapapagaling ako ni manong albularyo sa pamamagitan ng itlog in the water. well nawawala nga naman ang sakit. mind over matter nga siguro ang nangyayari sa mga pagkakataong ganon.
ngayong college syempre duda na ako sa powers ng itlog in the water. pero naisip ko ganoon lang kasimple nun ang gagawin para mawala ang lagnat ko. paano kaya kung nagpapagaling talaga ang itlog in the water with dasal ni manong albularyo? siguro wala nang may aids ngayon or cancer or diabetes or dengue or schizophrenia or kurikong... pero hindi eh. wala pa rin magagawa ang itlog na nasa tubig sa mga nasabing sakit.
hay pero sana nga ganoon na lang kasimple mawala ang sakit na nararamdaman no? looking forward ako sa isang araw na kapag nakaramdam ako ng sakit o hapdi sa puso, lalapit ako sa isang albularyo. kukuha siya ng itlog at isang basong tubig. babasagin ang itlog at ilalagay ang laman sa tubig na nasa baso. babasahin na niya kung ano ba talaga ang nagpapasakit sa akin. "malungkot ka hija(chos), hijo" o kaya'y "sinaktan ka ba ng kaibigan mo?" or pwede ring "nag-aral ka ba sa exam? bumagsak ka tuloy." tapos dadasalan na lang niya ang substance. ipapainom sa akin. isang lagok lang, sasaya na ako ulit. alam kong mawawala ang sakit. sa dinami-dami ng nagagawa ng itlog(pagkain, pampaganda ng skin, face etc.) kailan kaya magiging gamot ito sa problema? na alam mo na sa isang lagok lang ang lahat ng dinadamang sakit ay papawiin nang isang itlog na nasa isang baso ng tubig.
may albularyo din sa amin at itlog din ang gamit. pero iba ang style. yung yolk, lalagyan ng asukal at calamansi at ipapainom sa may sakit. masarap naman. puwedeng parati magkasakit kapag yun ang gamot. hehe.
ReplyDeletemore power! i'll link you.
anak ng teteng, onli in da PHils talaga. may nagsabi pa sa akin, lunukin daw pag pag nisisnok lol...
ReplyDeleteseriously, may albularyo rin kami noon pinuntahan pero bongga ha, pati BP at heart rate nkikita niya sa itlog. weird but true :)
karamihan kasi ng sakit is disease of the mind..
ReplyDeleteDi ko ma take inumin ang isang basong tubig na me itlog.... yuck ha!
ReplyDeletePwede eggnog na lang? Chariz!
wow salamat naman sa paglink amicus pero kung ganiyan nga ang ipapainom sa akin, why not? pwede rin kayang mamili ng ibang flavor bukod sa calamansi at asukal? hehe
ReplyDeletemommy ivy korek ka diyan!ayokong lunukin ang itlog pag ako'y sinisinok! ugh. sinukin na lang ako. hehe.
tiya lyka mas masarap ngang pumapak ng eggnog kaysa nga naman sa uminom ng isang baso ng itlog. eh yung ibang itlog kaya? hihihihi
davenport isang malaking tumpak ka riyan! ang powerful ng mind natin kung tutuusin at nakakabaliw ang kaya nitong gawin.
ReplyDeletenung panahon ng mga griyego, meron silang panacea na sinasabing cure-all para sa lahat ng mga sakit na nararamdaman.
ReplyDeletenung panahon na uso ang syphilis, salvarsan naman ang naging cure-all drug noon kahit alam nila na nakakalason ito
sana nga mayrong bagay na magbibigay lunas sa lahat ng ating mga karamdaman. yun ang kailangan kong madiskubre. joke!
why not nurse ruff? hehe. malay natin matuklasan mo ang perfect medicine na tatawaging rufflavon the generic name of ruffsilin. wehehe ang corny ko. hahaha.
ReplyDeleteanyway informative ang comment mo ha? ;p isang bagong kaalaman ngayong araw. and grabe. i really feel sick right now. hindi ko alam kung dahil ba sa pagbabago ng panahon or what... huhu
mind over matter lang talaga yan.
ReplyDeletekung kaya lang nating makontrol ang ating sarili, di tayo magkakasakit.
ang problema, pag walang kontrol, mas marami tayong sakit.
very prolific kiks! hehe.sana nga makontrol na lang natin ang sarili natin...
ReplyDeletepero minsan mas masaya na rin siguro na magkakamali pa rin tayo. para naman mas madaling matuto. ;p
...parang ang layo sa sakit ng sinabi ko? haha. bangag pa ako. ;p