Monday, November 12, 2007

pinagkaisahan ka na ng buong pilipinas

naisip mo ba niloloko ka nang buong mundo? kasi parang may bagay na pinag-usapan na yata ng buong sangkatauhan. yung tipong nagconive ata ang buong pilipinas para sa iisang sagot lang sa iisang tanong. irerephrase na lang para hindi halata. ano ang official sagot ng bayan sa iisang katanungan? baka meron palang malaking sindikato na may pakana ng mga ganitong factor.


bakit kaya ang laging lines ng mga namamatayan sa krimen o aksidente ay "ang bait bait ng asawa (or insert kamag-anak term here) ko tapos siya pa ang namatay, bakit hindi iyong mga masasamang tao riyan?" may concensus ba na iyon ang iiyak lagi? well weird nga naman kung umiiyak ka tapos ang sinisigaw mo, "buti nga sa asawa kong iyan (or insert kamag-anak term here)! sinasaktan niya kasi ako lagi! bastos siya at walang galang! buti na lang siya ang namatay... pero bakit mo ako iniwan? huhuhu" weird di ba? so siguro minabuti na lang na ganun na lang ang iiyak.

parang ang mga bold star din dati pag tinatanong kung bakit sila naghuhubad, "for art sake po," ang lagi nilang sagot. pwede namang para makaahon sa kahirapan o kaya "sabi po ni direk maghubad ako eh." at pinakapamoso riyan ay yung the official showbiz answer kung tinatanong kung sila ba ni ganyan o ganito, "friends lang po kami," ang laging sagot. eh oo o hindi lang naman ang tanong. baka siguro kapag pumasok ka sa showbiz iyon ang dapat na isagot mo. haha.

tapos may official lines din ba ang mga nanay? naisip ni bitterbitch na baka may nanay academy na tinuturuan ang mga ina kung paano pagalitan ang anak. grabe lahat yata ng nanay sa pilipinas ay naglitanya na ng "papunta ka pa lang, pabalik na ako." sa mga anak nila. sinabi rin kaya ni lola iyon kay mudang? tapos ginaya naman ni mudang at sinabi sa amin. tapos sasabihin namin sa mga anak namin soon. tapos likas na rin sa ina ang magsinungaling. haha. "ang pogi/ganda ng anak ko no?" say nila, syempre oo na lang si kumare kahit na labag sa kalooban nila ang pagtango. haha. buti pa si gretchen baretto nang sinabi niyang kay tony boy nagmana anak niya. haha. well aminada ang hitad na chaka ang anak niyang girl. haha. hayin connection with paglalie, kaya siguro in denial ang mga ina ng mga bading na ganun ang mga anak nila. umaasa sila na tigasin ang anak. marami pang mga lines ang aking ina na sinabi rin ng nanay ng aking kaibigan na sinabi rin sa kaibigan ng kaibigan ko. baka may subject silang sermon 101. bakit sila nanenermon? hindi naman sila pari. hehe ang corny. haha.

at kapansin-pansin din sa pelikula o tv show na bakit sa tuwing humahabol ang bida sa bus ay hindi humihinto ang tumatakbong bus sa pagandar? pinag-usapan ba ito ng lahat ng script writers at directors? dapat kapag humahabol ang bida sa paalis na mahal sa buhay hindi dapat huminto ang sasakyan. naku kaya kong magbigay ng tatlong halimbawa nito from ancient to latest!
  1. esperanza
    heto yung soap opera ni judy anne santos sa abs-cbn. well ang unang episode nito ay paalis ang pamilya ni esperanza papuntang somewhere. habang nagdradrma ang tiya(yata) ni espie(yes may close at nickname talaga?hehe) ay biglang umandar ang bus kaya habol si tiya at napigtas pa ang rosary!
  2. meteor garden 2
    ay sorry pang international na ito! hehe. syempre hindi niyo makakalimutan ang scene ni san chai habang hinahabol ang bus na sinakyan ni dao ming si. mega cry si ate san chai with matching grocery bag na puno ng orange. hindi ba't habol to the max si ate at nalalaglag na ang mga citrus ay hindi pa rin naisip ni manong driver na huminto?
  3. mmk episode ni angel locsin
    ito naman yung scene kung saan aalis ang ina ni angel locsin. tapos humabol si angel locsin sa bus while crying. well as usual hindi humihinto ang bus. umaandar pa rin ito habang nagdradrama si angel sa background with dramatic music on the side.

at syempre napag-usapan din yata ng lahat ng scriptwriters at directors na kapag paalis na ang bidang girl doon naman maiisip ng leading man na puntahan ang leading lady. syempre pagdating niya sa bahay, wala na roon. nasa terminal na o kaya ay sa airport. example? marimar pinoy version. noong pupunta ng states si marimar, doon nalaman ni sergio kung asan siya kaya nang puntahan niya ito, wala na si marimar. tsk tsk.

kaya siguro ganun kasi wala nga namang drama kapag huminto ang bus o kapag nadatnan ang bida sa bahay na nagiimpake pa lang. pero why not try na huminto naman ang bus o madatnan si girl habang kinukuha pa lang and damit sa sampayan? for a change lang di ba?


16 comments:

  1. hanep sa content. lol...

    ganyan talaga mga nanay hehe ,nanay din ako. syempre sa akin anak ko lang pogi hehe, di naman palagi pero sa loob loob ko, yun na.......... at yung papunta pa lang, pabalik na ako, nung naging ina ako medyo naintindihan ko na. yun lang :)

    ReplyDelete
  2. ahihihi..panalo ang post..naalala ko din yung teleserye ni juday ba yon? ah oo, yung sa kanila ni ate piolo, yung iniwan ni jaclyn jose yung batang piolo at sumakay siya ng ..tren..hindi bus..so malamang hindi hihinto ang tren haha

    ReplyDelete
  3. hehe black mamba, nanay ka talaga? ang masasabi ko lang mothers know best. haha. salamat mommy sa pagbisita. hehe

    salamat ate aj ay talaga? yan ba ang sa piling mo? hindi ko kasi nasubaybayan iyan eh. well at least najustify naman na hindi pwedeng huminto ang train. haha. palakpakan kay direk dahil naisip niya ang tren! haha

    ReplyDelete
  4. hello kalansay. ano ba palayaw mo man lang??? weird naman ng tawag ko sa yo lol..... oo nanay ako talaga, dalawang makulit hehe. walang anuman nga pala :)

    ReplyDelete
  5. oh mommy ivy aka blac mamba, you can call me kc. haha sushal parang anak lang ni ate shawie at gabby.

    ReplyDelete
  6. We learnt it all from the matatanda. Gaya-gaya nga tayo everlou, kaya ganon.

    Script sa pinoy movies: Ang asawa ng bida sa pelikula, or bf/gf man (in supporting roles) ay mamatay sa ending para ang dalawang bida ay magkatuluyan.

    Or di kaya ang dating GF ng bida, always mataray at masama ang ugali. Okray!

    Could you pls stop this na. Yoko na!

    ReplyDelete
  7. di pala "dude" dapat tinawag ko..he he he

    at talagang pinag-isipan sis..sana nagba-blog ang mga taga script writers natin..

    ReplyDelete
  8. yung scene ni san chai making habol to dao ming ze sa bus is such a classic... ive never seen a scene with much gusto like that one.

    at mare-recall ko pa yung sa esperanza, with the matching nasirang rosary? for me kasi, 3 lang talaga ang pinakamagagandang telenovela sa buong pilipinas, ang esperanza, pangako sa yo, at maging sino ka man. wala nang iba.

    just dropping by KC.=)

    :-)

    ReplyDelete
  9. hahaha ate lyka sinabi mo pa! kapag napanood natin ang masasabi na lang natin ay "nakita na namin iyan. iba naman please?" pero yung ibang pinoy naman parang deadma lang. watch ever lang. well iyon din siguro ang explanation kaya mahilig tayong manood ng replay. hehe.

    ewan ko ba sa iyo davenport at bumabanat ka ng dude diyan! hahaha. kaloka. anyway iyong ibang scriptwriters naman kasi ay nakokontrol ng mga producers. gusto nila yung click sa manonood lagi. kaya ang mga pobreng manunulat nablablock ang kanilang mga creative juices para lang kumita ang tv show o pelikula. kawawa naman sila hano?

    ReplyDelete
  10. nurse ruff haha. yeah with matching sigaw "dao ming ze!" very vivid pa sa akin ang mga pagkahulog ng mga orange sa bag. hehe.

    naku hindi ko kasi nasubaybayan ang pangako sa iyo eh. pero agree ako sa esperanza at maging sino ka man! idadagdag ko naman sa listahan ko ang mula sa puso at kung mawawala ka sa mga magagandang soap opera sa pinas. hehe.

    grabe excited na nga ako maging sino ka man book 2 eh! have you seen the trailer?! grabe!!!! tumatambling ako nung napanood ko iyon. hehe. hindi na ako makapaghintay!

    ReplyDelete
  11. loser naman
    ang tao na
    pinagkaisahan ng mundo
    parang tae
    na nabasa sa ulan
    at naghihintay na lang
    na matapakan.
    haha

    ganun talaga
    ang mga lumang
    pinoy movies--
    predictable
    pero now
    that the indie industry
    is blooming
    mas lalong madaming aabangan.
    hindi na kasi trapped
    sa konsepto ng
    komersiyalismo

    ReplyDelete
  12. may point ka riyan xienahgirl! infairness to independent films. nagiintroduce na sila ng mga out-of-the-box ideas na talaga namang nakakatulong sa pagbabago ng story-telling ng mga pinoy flicks.

    pati ang mga soap opera sa tv ngayon ay medyo nagkakaroon na rin ng pagbabago. isang magandang halimbawa ang maging sino ka man. haha. kasi sa mskm ay gumamit na sila ng strong plot at ang visuals ay hindi rin naman papatalo!

    nawa'y magpatuloy ang pagunlad ng pelikulang pilipino! taray parang nanalo lang ako ng award. hehe

    ReplyDelete
  13. Isama mo na rin ang yaya academy kung saan natutunan ng mga yaya ang universal panakot na: "may mumu diyan", "Kukunin ka ng Bumbay at ilalagay sa sako", at kung anik-anik pang panakot na talagang mabisang magpatino ng mga chikiting na maligalig.

    Napanood ko yung MMK ni Angel Locsin. Naloka lang ako sa paghabol niya sa bus. Harhar...

    ReplyDelete
  14. ay tama ka riyan ateng kc! ang mga yaya na nag-aral sa yaya school for the babysitting arts! mga litanya talagang tatakutin ang bagets to the highest level. hehe. well iba na yata ang mga bagets ngayon, takot pa ba sila sa mga bumbay? ang panakot na ata ngayon ay sina dugong(remember the marina, ang unang pantaserye?) at mothra.

    ReplyDelete
  15. wow. ngayon ko lang nakita itong sagot mo. I'll keep that in mind. Salamat KC ;)

    ReplyDelete
  16. hopya, sori, may nalimutan pa ang lola mo. salamat uli, naidagdag tuloy kita sa blogroll ko. cheneng ;)

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...