Saturday, November 24, 2007

mga misteryong dapat sagutin bago magunaw ang mundo

bakit may mga ganito? dapat nating ipatawag si gus abelgas para maimbistigahan ito kasama ang soco...

  1. bakit kaya bawal magasawa ng dalawa o higit pa ang isang katoliko? pag kasi tinanong mo ang madreng principal mo noong high school at ang madreng nakasalubong mo sa chapel iisa lang ang sagot nila, kasal sila sa panginoon. ilang madre ang nasa buong mundo? dami. hehe.
  2. kung bakit sabi ng pagasa na darating na si mina ngayon pero kanina makikita mo pa si haring araw. ang init pa nga. pero dont get me wrong ha? ayaw ko namang may bagyo.
  3. ano kaya ang nasa bibig natin noh? kapag nagtotoothbrush tayo sa gabi, mabaho naman ang hininga natin paggising.
  4. bakit pareparehas lang ang plot ng mga action films noon sa pilipinas?
  5. bakit kaya naisipang tawaging "missed call" ang missed call kahit na pasadya pa itong gawin. pwede mo bang sadyain ang hindi sinasadya?

ang hirap ng puyat. kung anu-ano ang naisusulat.

10 comments:

  1. the more pressing question:

    bakit mina ang pangalan ng bagong bagyo? ipinangalan ba talaga ito kay ara mina? ang chaka chaka kasi eh. mas feel ko yung mga -ing sounding typhoons, like rosing, bading, pulding, and so on...

    at bakit walang premium ang trabaho sa ospital pag sabado at linggo? pwede bang wala munang magkakasakit pag weekends? its so unfair kasi eh. nawawalan ako ng social life!!! hahaha.

    mahirap pala ang overworked at underse***. hahaha. :-)

    ReplyDelete
  2. Hmm, yung sa catholic weddings na hindi pwede ang marami, maybe because sinusunod lang nila kung ano yung nasa Catholic doctrine.

    ReplyDelete
  3. mahirap ang madaming inisip, kaw din?! =)

    ReplyDelete
  4. naku nurse ruff nakikisunod na raw kasi ang mga pangalan ng bagyo sa makabagong panahon. well mas pinoy nga ang mga -ing typhoon names pero may i suggest na para mas pinoy ay mga ending in -lyn naman like ederlyn, hedralyn, jovalyn or mga inuulit na bongbong, dindin, jonjon...

    kaya walang premium tuwing sabado at linggo ay dahil... ewan. for a change. joke. hehe. alam ko na! minsan isorpsresa mo sila maghospital party kayo isang sabado ng gabi! mga pag 12 mn na go kayo sa emergency room at doon gawin ang ligaya. ;p

    kung mahirap ang under*** kamusta naman? eh di under poverty line na ako kasi di ko pa ginagawa iyon? hehe.

    ReplyDelete
  5. uy keitaro yep i know, im a catholic. ;p ang punchline ay si panginoon nga ay maraming asawa dahil nga kinakasal ang mga madre sa kaniya bakit hindi rin mga normal people. hehe ;p good luck impiyerno na ang bagsak ko sa pinagagagawa ko. hehe.

    sinabi mo pa coldman! hehe. pero masaya kasi naeexercise ang mga brain muscles.

    hahaha davenport kailangan ko na bang magparehab? ;p

    ReplyDelete
  6. mahirap sagutin yan. siguro gusto ni mina ng summer kaya walang ulan ^^

    ReplyDelete
  7. kamusta naman un dba. ewan ku nga ba. these things still remain to be seen.

    ReplyDelete
  8. hahaha dapat masagot na ito kritiko hehe

    i tagged you pala. hehe

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...