Wednesday, November 28, 2007

what if paggising ko ako na si madam auring?

sa mga tinag ko nga pala dito na lang kayo mag-u-turn! kung hindi naman kita tinag eh magpatuloy ka na lang at baka mapagod ka pa sa pagclick ng link. hehe. hulaan kung tungkol saan ang post? ... nahulaan mo ba?

anyway our topic for the day ay isang taong sinesendan ako ng email every now and then. isa siyang masugid kong taga-hanga. joke. isa siyang manghuhula. yes korekorekok ang nababasa mo. isa siyang manghuhula. this day and age kasi uso na rin ang hulaan on-line. so who is this person? siya si madam sara freder! so kung feel mong magpakunsulta sa kaniya, click mo lang siya. anyway so what's with her?

mahilig ang pinoy sa horoscope, astrology at hula. isama mo ang nanay ko sa listahan. actually takot na takot akong magpahula. kapag kasi sumasama ako kay mama noon sa manghuhula, ibang kabog sa dibdib ang gumugulo sa akin. parang iyong feeling na mabibisto kang bading ng mga kapamilya mo? hehe. takot kasi akong malaman kung ano mangyayari sa akin sa hinaharap. well ayaw ko lang ding makarinig nun na "mamatay ka na bukas !" o kaya ay "mawawala lahat ng chorva mo..." at higit sa lahat "bakla po ang anak niyo." mabuti naman at wala sa mga iyan ang lumabas, except sa last. grabe kapag nagpapahula kasi si mama lumalabas talaga na... bading ako. galing naman. hehe. maganda rin naman ang mga naririnig kong balita sa akin. ako raw ang mag-aangat sa pamilya blah blah. nakakapressure tuloy na dapat gawin ko iyon kasi feeling ko kahit papaano umaasa si mama sa mga hula. hay.

hanggang sa isang bday party ng isang kabarkada kong highschool doon ko sinubukang pasukin ang bagay na aking kinatatakutan. nagpahula ako sa manghuhula niyang tita(nagpapahula rin si mama sa kaniya minsan). noong una spectator lang ang drama ko sa mga friend ko na may mga tanong pa na "mag-aasawa po ba ako?" or "mag-kakaanak po ba ako?". so nainggit ako kaya sinilip ko na rin ang kinabukasan ko sa pamamagitan ng palad. isa lang talaga ang nagstay sa aking hula, sisikat daw ako at magiging successful. hehe. basta parang ganun. yun ang first taste ko ng hula. pero kinakabahan ako nun habang hawak niya ang palad ko kasi baka may sabihin si tita na kung anong hindi ko gustong marinig.

ngayong college, may friend ako na may sinasabi siyang site na nanghuhula. susyal parang girl from hell lang no(the anime)?hehe isesend nito sa email mo ang mga hula sa iyo at huwag ka may exact dates talaga! taray di ba? halos nagkatotoo ang mga araw na sinabi sa kaniya. syempre naenganyo naman ako. so ayun. may sinend na dates sa akin. guess what? hindi totoo at ang kaloka may hinihirit pa siya sa huli na mga kapag ganito ek ek ay magdagdag ng bayad na dolyares din ang halaga. good luck naman dun di ba? then akala ko never na siyang magsesend after. pero noong bday ko nagsend ulit then nagtuloy-tuloy na. sinasabi pa niya na kaya may nararanasan akong paghihirap kasi may nagcurse raw sa family namin dati. dahil yata sa inggit. tapos ang ginawa niya binlock chu chu niya para mawala ang negative vibes. malakas daw ang connection niya sa akin. so deadma na lang ako sa mga email niya...

hanggang sa may sinend siya na kinaloka ko. kailangan daw niya ng heir ng mga powers niya at guess who ang napili niyang tagapagmana? AKO! haha. para lang nanonood ng fantasy flick. syempre hindi ko kinaya si ate. hehe. syempre deadma na lang ako ulit. pero noong sunday narecieve ko sa email ko ang latest message niya, yeah tungkol pa rin sa pamana niya. heto pa ang mga tidbits sa mensahe niya,

If I don't find quickly someone to whom I could transmit these Gifts an Secrets of Chance and of Happiness, these would be lost when I leave. I don't want that to happen because I am certain that they can give very great service to people that are in need. I was looking for someone to whom I could transmit these Secrets of Happiness, Luck and money, and my Gifts of Clairvoyance because, you understand, I cannot allow these to go to just anyone.

I began to look around me, but no-one met the strict criteria that I had fixed for myself. Indeed, I am looking for a very honest, courageous and worthy person. I must find a person that understands life and will understand the value of the gift that I make to them today. This is when I thought of you…

My various repeated contacts with made me feel that you are such a warm person that I immediately wanted to know you better. This the why I put myself into this permanent privileged communication with you. It is a my way to know exactly who you are! And I must say that you have impressed me a great deal, you appear to be a cordial and kind person, but especially you appear to me to be a person having suffered a lot, and who deserves some security and encouragement.

grabe hindi ba scary? at least may papuri pa hindi ba? hehe im a kind and cordial person daw. anyway kapag tinanggap ko raw ang kaniyang offer, syempre makikita ko ang aking future at ng mga taong nakapaligid sa akin. makakatulong daw iyon para maavoid ang mistakes. then mas makakaattract daw ako ng luck, money and love. malalayuan ko raw ang misery at malalaman kung sino ang aking true friends. kung totoo, ang daming benepits di ba? sosyal. may p.s. pa siya,

p.s. If for any reason you decide not to accept this inheritance I am offering you today, would you confirm that I may search for someone else? Believe me, if you do not accept, I will be deeply disappointed, but would respect your decision.

oh di ba? ang gagawin ko lang ay sagutan ang statement of acceptance then ayun bagong ako na! weird no? paano kaya kung pumayag ako at totoo nga? hala ako na papalit kay madam auring. ang daming pinapangako ni sara. walang kasiguraduhan kung hindi huwad ang mga sinasabi niya. napag-isip-isip ko na okey na rin yung ganito if ever true si ate. iba pa rin kapag nasosorpresa ka ng buhay mo. ang boring naman yata na kapag alam ko ang lahat ng mangyayari hindi ba? halimbawa mananalo ako sa lotto bukas dahil ang winning numbers ay 13, 28, 03, 27, 25 at 08(uy itataya na. hehe) o kaya'y maeevict si baron sa sabado sa pbb tapos magiging big winner si kokey. iba pa rin ang feeling na may inaabangan ka, maeexcite sa paggising at may gugulat sa iyo sa mga pangyayaring hindi mo inaasahan. ayoko nga ng spoiler eh. kapag nagkataon, isa na akong malaking spoiler sa sorpresa ng buhay. ayaw mo rin naman sigurong ikuwento ko agad kung ano ang ending ng pelikula di ba?

8 comments:

  1. ba be bi bo bu... si manang bola siguro ang ka email mo. although foretelling the futute is a gift, sometimes it becomes a curse. kaya ingat ka. pag tinanggap mo, pahula ako ha :)

    ReplyDelete
  2. haha coach nakakatakot yatang tanggapin iyon if ever totoo.

    pero pag sakaling magbago ang isip ko sige ibibigay ko sa iyo ang numerong mananalo sa lotto basta ba balatuan mo ako. hehe

    ReplyDelete
  3. Ah oo, narinig ko na yung si manay sara freder...

    Ano naman kaya ang opinyon niya sa mga horoscope sa Inquirer Libre?

    ReplyDelete
  4. dapat pahula natin kung ano ang mga balak ni trillanes

    ReplyDelete
  5. ako hindi ako naniniwala sa hula. kasi nung nagpahula ako dati sa friend nung friend ko (na paranormal *daw at nakakakita ng future), sabi nya maaga daw akong magkakaanak.

    like heller, 21 years old na ako wala pa rin akong anak. o dyowa... or matris for that matter.

    joke. :-)

    mas feel ko pa rin yung mga horoscopes sa Libre! funny kung funny ever! hahaha

    (penge rin akong balato ha, pambili natin ng world peace)

    ReplyDelete
  6. hindi siya nakakaintindi ng filipino kc baka taasan lang niya ng kilay ang nababasa niya sa libre. hehe

    kiks op kors not! haha. hindi ako naniniwala kay ate. kaloka kasi siya eh.

    bryan hindi na kailangang hulaan! gusto niya ng malawakang kaguluhan at i hate him for that. tsk. pwede bang gumawa na lang siya ng batas? iyon naman trabaho niya hindi ba? tsk.

    ReplyDelete
  7. hindi rin ako naniniwala nurse ruff! kasi naman may tama bang hula? well tiyamba kung gayon! hehe.

    panalo nga mga horoscope ng libre. nakakatawa at nakakatuwa. at pilit pa rin nating irerelate sa buhay natin. haha.

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...