Friday, December 7, 2007

ang mga lalaki sa buhay ni kalansay

ang tawag sa mga straight guys na close sa mga not-so-straight men ay fag stag. sa filipino, kaibigang lalaki ng bading. chos. inbentora ako. hehe. wala siyang direktang translation sa ating lengwahe pero iyon nga ang kahulugan ng naturang salita. masaya kasi may mga guys ngayon na open minded na at hindi na homophobe. noong high school nakilala ko ang mga pinakamatatalik kong kaibigang mga straight na lalaki.

im so proud of them kasi sa sobrang secure nila sa kanilang sexuality deadma na lang sila sa aking angking kadalagahan. haha. may isa pa sa kanila na sa sobrang close namin kinukuwento niya pa sa akin mga fantasies niya and masturbation anthics. haha. at kung makatelebabad ko ang mga straight guy friends ko nun ay sorry ayaw nilang makipagchikahan sa bading. haha. as in indulge talaga sa feelings at may isa pa na sobrang touching, tumawag sa akin at umiyak pa. yung tipong hindi na siya nahiya na kalalaki niyang tao eh umiyak pa sa akin. tapos ang mga guy friends kong ito walang kiyeme kung magpasama sa mall kahit kaming dalawa lang. wala lang. iyong ibang guys kasi may drama pa na ayaw makasama ang isang bading. tapos deadma lang din sa mga pamilya nila na magdala ang mga lalaking ito ng isang badaf sa kanilang mga tahanan. ay knowing naman kasi mga parientes hindi ba? "naku anak lumayo ka sa kaniya, bakla siya." well buti naman at hindi ganoon ang kanilang mga pamuli kaya kay happy hano? hehe.

i just miss them. ang nakakaloka nga lang may mga times na tatanungin ka pa kung may chance pang maging lalaking-lalaki kagaya nila, pero please di ba? haha. at least alam na nila na may muse sila no. i soo love them. buti na lang in touch pa rin kami ngayong college. pinapakilala ako sa girlfriend and all... alam ko ang mga bagong kaganapan sa kanila. updated ako kung virgin pa sila o hindi na..(well nagkahawahan ata kami, lahat sila virgin pa. pft)..

ngayong college may mga nakikilala naman ako pero iilang straight guys na lang din nakakaclose ko now, siguro dahil nga umiikot ang buhay ko sa theater na alam naman nating bilang lang ang tunay na lalaki. hehe

pero hindi ba, what can you say about my boyfriends?

10 comments:

  1. tsismis to, boyfriends kasi nakalagay. bat di nalang boy friends? pero ok un ha, nakakakuha ng pansin. keep it up gurl!

    http://myconsolingasylum.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. at least ngayon, medyo nagbabago na ang society natin. in my case, 98% of my friends are straight, ok lang sa kanila. nung malaman nila, wala naman pinagbago sa samahan namin :)

    ReplyDelete
  3. ayyy..ayaw tlga pangalan ni misis..namiss ko din sila..huli kong nakasama si boylet A nung nagpasama siya sa quiapo para mamili ng dvd..si boylet B naman nakasam ko pa dati sa bus pauwi ng nE at sinundo ko sa airport..ang sya noh? katabi pa natin silang natutulog..walang keme-keme sa kanila..at least di natin tine-take advantage dahil ang tanggapin nilang bading tayo ay isang malaking karangalan..gaya gaya ka ng title..dahil dyan gagayahin din kita

    ReplyDelete
  4. Nyek heheh! Well it's a good thing you have friends like that...bihira yan bro so cherish them....

    ReplyDelete
  5. nice.. puro babae ang mga barkada ko.. may isa akong kaibigan na lalaki, when i told him ala lang.. ninong pa ako sa bigyan ng baby nya..

    im glad you have great guy friends

    ReplyDelete
  6. I must say, you are so blessed with your friends.:) Pwede din ba kong magpasama sa iyo sa mall? wahehehe.

    ReplyDelete
  7. tumpak zang! at least agaw eksena. hehe.

    at least nga coach nagiging open minded na mga tao ngayon. kasi naman karamihan sa mga bading na kilala ko ay magagaling. so choosy pa ba? eh nakakatulong na nga sa bansa?

    excuse me ate aj sotteau ha? haha gaya-gaya pa pala ha? tse. hehe anyway kurek ka diyan ate dahil sila nagtetake advantage sa atin. chos! haha. kamusta naman kung ginapang natin sila habang katabi nila tayong matulog hano? hehe

    ReplyDelete
  8. i so cherish them gripen! alam naman nila iyon eh. hehe

    salamat naman davenport. bihira nga ang mga tulad nilang open-minded.

    oo naman keitaro! haha basta ba libre! haha

    ReplyDelete
  9. Sama ka na lang sa amin nina Ruff at Josh sa much-awaited museum tour. Sa sobrang pagkamuch-awaited, di namin alam kung tuloy pa ba siya.:)

    ReplyDelete
  10. gusto ko iyan keitaro basta ipaalam niyo lang at sana mayaman ako nun at libre ang araw. hehe

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...