Sunday, December 9, 2007

isang katapusan at isang simulain

mabuhay! ang araw na ito ay sobrang mahalaga sa akin bilang isang blogger, dahil ang araw na ito ang aking unang anibersaryo bilang isang blogspot user! palakpakan!


sobrang nakakatuwa at isang taon na palang lumipas nang magsimula akong magbahagi ng buhay ko rito sa blog na ito. kaya naman para sa pagdiriwang na ito, aking inihahandog ang mga post na naging bahagi ng aking isang taon sa blog na itey:

  1. buksan ang aparador
    ito ang kauna-unahan kong post sa blog na ito na sinulat ko noong disyembre 09 last year. wala lang. tungkol lang siya sa pagbubukas ng aparador na ito. hehe.
  2. random people you meet in purgatory
    nako! ito na yata ang pinakapaborito kong post sa buong existence ng aking blogspot. wala lang. nainspire ko siyang isulat habang pauwi ako mula sa overnight sa marikina yata yun. sa jeep pa lang nagpop na ang ideya. kaya naisip ko pagdating ko sa school iyon na isusulat ko!then nagawa ko nga. hehe
  3. usapang kapatid
    well ang post na iyan ay ang most commented post ever sa aking blogspot. inalay ko iyan sa mga kapatid kong hindi ko masyadong kaclose pero importante sa aking colorful life.
  4. gay lesbianism: nang magkacrush si ate kay missis
    memorable ang post kong ito for me. kasi nakakatawa at nakakatuwa lang siya. haha. at isa sa mga paborito kong post dito. kontrobersiyal kasi eh. charot.
  5. anatomiya ng pagdadalaga
    again isa sa mga paborito ko. kasi sa post na ito, nagbahagi ako ng ilang piraso ng buhay ko na bihira ko lang gawin. kung baga sa post na ito parang nag-open up na rin ako sa taong nagbabasa.
ayan ang limang pagsusummarize ng aking isang taon sa blogspot. salamat naman at kahit papaano ay may nagbabasa ng aking blog. hehe. ginawa ko ang blog na ito para maglabas lang nga mga kung anik anik sa buhay ko, malay ko bang may magbabasang iilan? naku ibang level talaga kapag nalalaman mong may gustong kumilala ng kapiraso ng buhay mo kahit sa blog man lang. kaya kung sino ka mang nagbabasa at patuloy na tinatangkilik ang blog na ito, sobrang maraming salamat. salamat at binubuksan mo ang aparador kahit na hindi mo naman alam kung ano ang makikita sa loob.

hay ang sarap ng feeling, isang post na namang muli ang natapos na nagtakda rin naman ng panibagong simula. isang simula na naman ng isang panibagong taon ng pagbibigay ng kapiranggot ng sarili. hay basta laging nakabukas ang aparador sa lahat ng nais dumungaw.

9 comments:

  1. Happy Anniversary Kalansay. Keep sharing.

    ReplyDelete
  2. happy blog anibersari ^^ keep on blogging :)

    ReplyDelete
  3. happy anniversary j***, it won't be much loooong before you reach your second... and your third... and your fourth... and so on...

    and luckily, i'm proud to say that i have read (and commented) in atleast 4 of the 5 posts you got there. keep on writing meaningful, intellectually-stimulating, and witty entries for months and years to come. :-) kud-oh-ss!

    ReplyDelete
  4. keep on blogging! wag mag senti! hehehe

    ReplyDelete
  5. yehey!!!!!!!!! happy anniversary po!!!

    woooooooof!

    ReplyDelete
  6. maraming salamat sa pagbati everyone! dalaw pa kayo lagi! ;p

    ReplyDelete
  7. binura ko na pala ang aking lit blog na sinabi ko sa itaas. i just realized na mas madali ang isa lang. hehe

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...