Thursday, December 27, 2007

ang pasko ay sumabit

dumaan ang pasko.

tama dumaan lang siya sa buhay ko.

habang nagnonoche buena ang ibang tao nanonood ako ng i-witness. habang nagbubukas ng regalo ang mga masasayang inaanak nakahiga ako at nagbabasa ng isang libro. habang bumabaha ang mga pabati sa phone ko, nagdadalawang isip ako na dapat bang sabihing "merry" ang christmas? habang naglalakad sa kalsada ang mga tao para batiin ang mga kamag-anak ng meri kmas, nanonood ako ng "kung ako na lang sana" sa dos na dinemanda ng syete. natatakot ako. paano pa kaya ang mga susunod na pasko?

***
araw ng pasko, umaga, namasko ang isang kapitbahay nina lola sa kaniya kasama ang dalawang kapatid na babae. noong gabi, binaril siya. patay.

araw ng pasko, nag-uusap ang mga kamag-anakan ko, pinag-uusapan ang hatest manugang nila. dumating si manugang, hala sige ngiti lang kunyari. pag-alis, balik ulit sa pambebengga.

araw ng pasko, binigyan ako ng asawa ng ninong ko ng aginaldo.... forty pesos! shet iyon ang pinakamasakit sa lahat eh?! 40 pesos? hahahaha college na ako. hahaha. hindi ako makarecover. dinibdib ko ang 40 pesos. haha

araw ng pasko, nakakulong na naman ako sa sarili ko. im not that open in our family pero alam naman nila na ganito ako. pero it stops me from doing what i want to do and it hinders my freedom to move freely. natatakot ako na kung ano ang sabihin nila kasi.

araw ng pasko, habang nagsasaya ang mga tao... parang walang okasyon sa puso ko.

***
hindi naman sa depressing ang aking pasko hano? masarap naman ang mga pagkain hindi nga lang iyong ginusto kong "merry" christmas. siguro exag na lang ang pagkakablog ko na oa na sa lungkot, hindi naman kaso iba kasi yung mga pasko ko dati.

anyway lintik nga lang ang globe! sobrang painstaking ang pag-uunli. as in. kaya ginto ang text message na "you can now use your unlimited choo choo" kasi sobrang paghihirapan ang pagreregister.

hay. i dont know. its the season to be jolly pero malamig pa sa snow storm ng america ang nararamdaman ko. pinaka-mainit na pasko raw ang naranasan noong martes ayon sa pagasa pero hindi ganoon kainit ang pagtanggap ng aking damdamin sa okasyon. i miss the old christmas. mukhang ang pasko ay para na nga lang sa mga bata, sa mga batang masaya na kahit na 40 pesos lang ang ibigay ng mga ninong at ninang nila. :p

8 comments:

  1. hay kc.. ikaw talaga.. ano ba number mo, at sana natext kita nung christmas.. merry christmas..

    email me your number pow.. daveneoportal@yahoo.com

    ReplyDelete
  2. wow katouch ka naman davenport. nasend ko na. hehe.

    ReplyDelete
  3. least may 40 pesos dba? imagine mo pag picture frame binigay sayo..or toys na may lead

    cheer up a bit dearie... ako din natulog lang nung pasko...at nung huling 4 na pasko...pero keri lang

    ReplyDelete
  4. haha good luck nga mrs. j kung gayon. haha

    ahahaha bryan choosy pa kasi ako. haha. naloka lang ako sa P40. well sana masaya ang new year ko!

    ReplyDelete
  5. this christmas was fun for me. kasi ang daming lalaki sa xmas party noong 24th. hahahaha.

    tapos me activity ang mga OFW nung umaga. tapos mineet ko friend ko nung hapon. tapos ang mga non-alocoholic friends ko sa gabi. tapos... umuwi na ako.

    sana magawa ko ang nagagawa ni bry - ang matulog buong araw.

    happy new year KC. NY is usually happier for me. And good friday!

    ReplyDelete
  6. Ganda! Happy New Year at mag-ocho ocho na!

    ReplyDelete
  7. congrats tiya kiks for that wonderful xmas. hehe. sana maexperience ko one time magpasko sa ibang bansa. for a change lang.

    happy new year ateng lyka! nagocho-ocho na ako. hehe

    naku pagbalik ko post na ako ng something....

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...