im back! first post of the year.
well kung hindi ganoon kaperfect christmas ko, medyo masaya naman ang new year ko kaso may mga family drama na lumebel na hindi ko kinakaya haha. so much for the drama. kaloka rin ang globe kasi hindi ako makaunli since december 30 till now. iniimbestigahan nila ang aking numero as of now. magugulat na lang ako baka umarayb si mike enriquez o si gus abelgas with his soco team. chos.
so ano nga ba ang ang naging papel ng 2007 sa akin? ano ang mga natutunan ko sa taong nagdaan? kaloka. dapat nasa class room na ako ngayon pero anong ginagawa ko? haha
anyway tayo'y magbalik tanaw kung ano ang nagawa ng buong taon sa akin...
january-february
patience, courage, acceptance
natuto akong tumanggap at humarap sa mga dagok ng tadhana. noong time na iyon kasi hindi naaprubahan ng osa ang script na iplaplay namin at inabisuhan kami 2 linggo na lang bago ang play date. so start from scratch. uulit na naman. nabalewala lahat ng pinaghirapan namin. pero syempre tuloy pa rin ang ligaya. the show must go on. di ba? nasagad ang aming pasensiya. naging matapang na sumabak sa hamon at tinanggap na ganoon na nga kaya mas mabuting kumilos na lang. well accepted ko na rin na wala akong kasamang magcecelebrate noong valentines. haha
march-april-may
hardwork, following your dreams
i was so devastated noong nalaman kong parang ako na lang ata ang walang company na pag-oojt-han. naisip ko na baka wala akong capabilities or baka reflection iyon ng aking future. syempre hindi ako nawalan ng pagasa. pasa pa rin ng resume. nalungkot ako noong naubusan ako ng slot sa probe. eh pangarap kong magojt dun. well buti na lang at hindi tumagal nagparamdam ang abs-cbn publisihing. ayun. sa kabila ng kaboringan dahil sa circulation department ako inassign nagsikap pa rin naman akong tumugon sa katrabahuhan. then hindi nagtagal malay ko bang matutupad ang aking pangarap sa probe? nagparamdam sila kasi raw may nagbackout kaya pasok na sa akin ang slot. syempre seize the opportunity na ako. naenjoy ko ojt ko sa probe sobra. nalaman kong talagang pinaghihirapan nila ang mga episode na pinapalabas nila tuwing wednesday sa abs-cbn. it was a memorable summer may learning experience pa. hehe
june-july
passion, love, sacrifice
come the pasukan days. meaning more work for me as a senior and officer in our org at sa acads. hindi ko hinayaang mamatay ang passion ko for theater. sobrang pagmamahal na nga sa org eh at syempre kasama na roon ang mga sacrifices. ang aking org ang nagsisilbing love life ko sa aking buhay. naroroon ang aking most treasured college friends. doon ko binibigay lahat kahati ang aking hectic academic life. then naramdaman ko ring mahalin kasi naman binigyan ako ng simpleng bday bash ng aking mga orgmates noong kaarawan ko.
august-september
power, leadership, time management, believing in one's self
power. sa major production na agnoia ng aming org naging stage manager ako. masasabi kong powerful ang position na iyon. as in. pwedeng magpower trip. haha. kasi bilang sm alam dapat siguraduhin mong nasa ayos ang lahat ng daloy ng produksiyon. natest ang aking leadership skills. ewan ko if i am a good leader pero nafulfill ko naman at nasatisfy ang sarili ko noong time na iyon amid the pressures and self-doubts. sa agnoia ko rin nagawang maniwala na may mga kaya pala ako na akala ko hindi ko magagawa. syempre kasabay ng produksiyon ang umaatikabong academics! kaya thanks to time-management hano at nasusurvive ko ang lahat. haha.
october-november-december
true friendship, happiness,
ang mga buwang ito ay sumalamin ng pagkakaibigan. pinatibay at binigyan ng pagsubok ang pagkakaibigan. sinong makakalimot sa drama ng minor prod na rizal at blumentritt? sa mga buwang pineprepare ang play, maraming nangyari. as in. butit alam nating matatag ang ating friendship kaya hindi ito magiba ng mga issue at kontrobersiya.
bago matapos din ang taon nagkitakita rin kami ng aking mga sobrang loyal na high school friends. i so miss them. alam namin sa isa't-isa na tunay ang dramang "walang iwanan". then happiness? ano nga ba ang essence nito? hindi ko nga naramdaman noong yuletide season hindi ba? pero now alam kong hindi ito hinahanap nasa puso lang natin ito at nasa sa atin na lang kung paano ito mailalabas.
that was my past 12 months. salamat sa taong 2007 at tinulungan niya akong humarap sa mundo ngayong 2008. ngayon naman medyo anxious ako sa future. hindi ko kasi alam kung what is in store for me after graduation. pero sabi nga tayo lang naman ang may hawak ng ating kapalaran kaya sana magawa kong ayusin ang aking gulong ng palad.
o siya. happy year of the rat guys! sabay sabay natin salubungin ang taon ng mga daga ng may ngiti. dahil sabi nga ni lea salonga magagawa natin ito ng laging nakangiti! ;) *boom*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
talaga bang may reference kay leah?
ReplyDeletepero great year for you. you deserve more than just a titi for this.
have a great 2008 ahead of you. 2007 is really a year to thank of. daming positive na nangyayari sa kabila ng kadramahan hahaha. saehae bok mani badeusaeyo from korea ^^
ReplyDeletehaha tiya kiks!
ReplyDeletewow salamat naman. yeah infairness god is good talaga to me last year. sana ngayong 2008 din. hehe
coach yep damong positive talaga pero syempre hindi naman puro saya ang life hindi ba? aba kailangan din ng drama. sino bang may ayaw ng drama? haha
mabuhay!! sana nag-artista ka na rin sa abs-cbs
ReplyDeletemabuhay!! sana nag-artista ka na rin sa abs-cbs
ReplyDeleteay davenport iam a superstar in my own right. hahahaha
ReplyDeleteenjoy!
Naway maging mas maligaya ka sa taong ito! Cheers! =)
ReplyDeletesana nga colman hehe
ReplyDelete