Friday, December 14, 2007

nasaan na ang pasko?

eleven days na lang pasko na.

so?

honestly hindi ko maramdaman na pasko na. kahit na sinisigaw na ng mundo na pasko na nga. sobrang napamukha na sa akin ng lahat na its christmas! mga pailaw, parol, bati, countdowns, malamig na hangin, nangangaroling... ano ako, scrooge ng christmas carol? hindi rin. siguro pag tumatanda ka na apathetic ka na lang sa pasko. nakakalungkot pero syempre iba pa rin nung bata ka na ramdam mo ang excitement tuwing sasapit ang kapaskuhan.

namimiss ko yung pangangaroling noong bata pa ako. yung mga pagbisita sa mga relatives para sa aginaldo, pagsasalo-salo sa noche buena at ang feeling na hindi ako makapaghintay ng 12 midnight para buksan ang mga regalo ko. nakakamiss ang mga nakakatamad na paggising ng maaga para sa simbang gabi at ang mga masasarap na bibingka at puto bumbong. ngayon excited ako sa... year end reports. wala lang, hindi ko alam kung bakit nawala ang mga iyon. nalulungkot din ako na parang wala nang kahulugan ang mga salitang "merry christmas."

wala na akong maramdaman kundi ang lamig ng hangin. pft. may eleven days pa ako para muling makaramdam ng excitement. sige magaabang ako gaya ng pag-aabang ng mga bata kay santa claus na nagpapauto sa isang katotohanang hindi naman totoo.

5 comments:

  1. really now.. sing mo O Holy Night.. yung version ni Mariah Carey sa public..out of nowhere habang nagklalakd.. pucha ang sarap!

    ReplyDelete
  2. davenport sige itatry ko iyan minsan. haha. baka nga magkaundagaga si santa kapag narinig niya akong kumanta. kaso baka mapagkamalang halloween ang cekebration pag umawit ako. pft.

    ReplyDelete
  3. @dave, i agree.

    i know its christmas cause my ipod playlist is now filled with josh groban's, mariah carey's and michael buble's christmas songs...

    oh gawd, listening to them so gives me the creeps. :-)

    merry christmas KC!

    ReplyDelete
  4. Basta wag mag senti ngayong pasko. Have a merry christmas KC!

    wow, at kc ka na pala ngayon! =)

    ReplyDelete
  5. maligayang pasko nurse ruff! aginaldo ko? hehe *mano*

    of course coldman nilelevelan ko na si kc concepcion. hehe maligayang paskow!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...