"don't cry over spilled milk."
"tama na wala ka ng magagawa."
bakit nga ba tayo naiinis, nagagalit, naiirita o naiiyak sa mga bagay na wala na tayong magagawa? laging advice iyan di ba? "don't fret, wala ka ng magagawa... patay na siya...", "palagpasin mo na! wala ka namang magagawa."
siguro that's the point. wala ka ng magagawa. umiiyak ka kasi wala ka ng magagawa. nagagalit ka kasi wala ka ng magagawa. naiirita ka kasi wala ka ng magagawa. basta wala ka ng magagawa! kaya ka naiinis kasi nga alam mong wala ka ng magagawa. kaya ka nalulungkot o naiiyak kasi nga wala ka ng magagawa. isipin mo na lang, kung may magagawa ka iiyak ka ba? o malulungkot ka? syempre hindi kasi kaya mo pang baguhin ang isang bagay. may hope pa kumbaga. kung alam mong may chance pang baguhin ang isang bagay, hindi ka naman magmumukmok di ba? weird naman kasi iyong advice na "girl huwag kang umiyak may magagawa ka pa naman eh.", "ate patay na siya't huwag malungkot may magagawa ka pa." kasi kung alam mong may magagawa pa, gagawin mo ang lahat ng paraang iyon para hindi humantong sa wala ng magagawa.
kaya minsan hindi ko rin gustong masabi sa akin na "wala na akong magagawa kaya huwag na akong malungkot or mainis" sa tingin ko naman kasi yun yung reason kung bakit ako nakakaramdam o tayo nakakaramdam ng ganoon.
pero its a matter of perspective pa rin. syempre kung alam mong wala ka ng magagawa siguro dapat magkibit balikat na lang. bakit sasayangin ang mga luha na papatak sa bagay na huli na ang lahat? o bakit hahayaang lumabas ang mga mura sa bibig na baka pagsisihan din naman? well kung ganoon man... wala na kasi tayong magagawa.
***
minsan sa pag-ibig wala na ba tayong magagawa kung hindi pa rin ito dumating? ang aking special january 21 post, ang mukha ng relasyon sa hindi pa nagkakarelasyon, for tiya kiks and chang mandaya.
***
hetong si roxxxanne wala na rin siyang nagawa ng mapagpyestahan siya. at girls patok ang pelikulang ito! panoorin. at ang mas nakakatuwa, nabanggit ang aking blog sa all-new roxxxanne trailer! exciting hindi ba? kaya huwag ng pahuhuli.... punta na sa robinsons galleria indie sine sa february 2 para masilip ang lihim ni roxxxanne!
heto nga pala ang trailer na kung saan nabanggit ang aking blogspot. hehe
wala akong magawa kaya magcocomment ako. NO COMMENT. hehehe. mukhang maganda ang movie. sana mapanuod ko yan pag uwi ko ng pinas. at andun din ang pangalan mo sa review. hehehe. astig.
ReplyDeleteang galing nga COACH eh. hehe.
ReplyDeletekinilig ako noong nakita ko trailer. haha. maganda yung film. sana mapanood mo nga.
hay, ang hirap talagang maging tao. hindi maintindihan kung ano nga ba ang gagawin sa sandaling wala nang magagawa. tsk. nagustuhan ko post mo, nakakalugaw ng utak. hehe.
ReplyDeleteumepal lang saglit :)
Minsan nagdaramdam tayo hindi dahil sa wala na tayong magagawa kundi dahil sa alam nating may pwede pa tayong magawa pero hindi na tayo nabigyan ng pagkakataon. Doon tayo mas nafufrustrate. Pero minsan pag pagod na tayo gumawa ng meron, masarap ding gumawa ng wala. Kaso ang hirap sa paggawa ng wala, hindi natin alam kung kelan tayo matatapos kasi hindi natin nakikita yung produkto ng ginagawa natin.
ReplyDeletewe are control freaks..
ReplyDeletemeron akong magagawa para mapanood yang roxxxxane na yan.
ReplyDeletekung me maguupload sa internet.
sana meron....
salamat sa iyong pagepal ME sa uulitin. haha
ReplyDeletemay punto ka diyan KEITARO! hehe
siguro nga DAVE. ;p
sana nga KIKS maganda pa naman siya!
i hate roxanne sori
ReplyDeleteAte, I'm inviting you and all your readers to join Blogifreshify! the Electric Itlog Blog Refresh Contest. It's my thank you to everyone for supporting Electric Itlog. More details on my Blog: http://et-log.blogspot.com/.. ^_^
ReplyDeleteah talaga TURISMO? bakit?
ReplyDeletenabasa ko na nga ET-LOG.
wala rin akong magawa ngayon. dyuk.
ReplyDeletepublicist ka ba ng movie na to? lol
haha halatang wala ka ngang magawa COLDMAN! hehe
ReplyDelete