
doctor. nurse. teacher. astronaut. pulis. abogado.
iyan siguro madalas sabihin ng isang bata kapag tinanong siya kung ano gusto niyang maging kapag laki niya. ako isa riyan ang mga sagot ko. pulis. akalain mo iyon? at hindi ko maimagine kung bakit ko naisip iyon. haha. pero nang lumaon naiba-iba na rin ang mga sinusulat ko sa mga sanaysay na may theme na ano na ako after 10 years at iba na rin ang sinasagot sa mga autograph sa tanong na ambition.
pinangarap kong maging computer engineer noong bandang elementary kahit na hindi ko alam kung anong ginagawa ng computer engineer. basta mukhang masaya kasi may computer tapos may engineer. hehe. hanggang sa noong high school na ang gusto kong maging ay isang journalist. nadala naman iyon hanggang college hanggang sa nagsanga-sanga na. so ano ang gusto kong maging paglaki ko?
i wanna be a writer
i love writing. i breathe words and i doodle my imagination. batsa gusto kong magsulat maging isang fictionist or scriptwriter, makasulat ng next hottest pinoy soap opera na sisikat din sa malaysia at magkakahollywood remake.gusto kong isulat ang susunod na pelikulang pipilahan sa takilya at paparangalan sa famas. gusto ko ring makita ang aking unang libro na nasa bookstore na binabasa kahit no private reading. masaya rin sigurong makilala ang mga karakter na aking ginawa at makitang buhay sa isang entablado. basta. gusto kong maging manunulat.
i want to be the next i-witness documentarist
howie severino. kara david. jay taruc. sandra aguinaldo. kalansay collector. ang taray hindi ba? hehe. pangarap kong maging isang dolumentarista na babago sa mga kuwentong nakikita sa telebisyon. gusto kong ilahad ang mga bagay-bagay na hindi pinaguusapan at mas tuklasin pa ang mga misteryo ng buhay. i want to make a difference. naks.
i want to be a field reporter
tumatakbo-takbo habang may barilan o giyera. hinahabol ang politikong ito, ang suspect na iyan o ang vip na iyon. gusto ko mga umaatikabong takbuhan, habulan. excitement kumbaga. gusto ko andun ako sa mismong kaganapan hinahatid ang nagbabagang balita. oh hindi ba? bonggang-bongga iyon. kaso good luck kailangan brusko at macho ang dating baka kasi ilagay ako sa star patrol o chikka minute.
bakit hindi? ngayong paalis na ako sa apat na sulok ng kolehiyo dapat ko na sigurong isipin kung ano ang daang dapat kong tahakin. basta sana matupad ko ang aking mga pangarap. sa totoo lang marami pa. mahirap naman kasi kung iisa-isahin ko pa at baka magmukha na itong classified ads well siguro hindi ko hahayaang maglaho ang mga pangarap na ito. hawak-hawak ko lang sila, uso naman namang mangarap hindi ba? nasa atin na lang iyon kung hahayaan natin maging hanggang pangarap na lang ang lahat. minsan masarap ding maging ambisyosa di ba?
ako doctor
ReplyDeletebasta hehe
gusto ko bumbero..at kakalat ang piktyuk ko sa internet at videos ko sa xtube at muling mabubuhay ang mga bold fils ng pinas dahil sa akin..
ReplyDelete-- --
alam mo, everything you desire will make you noble.. bless you bata..
... basta gusto ko world peace and goodwill to mankind. kung hindi kaya ito, mankind lang pwede na!
ReplyDeletenapadaan lang at naaliw...
ReplyDeleteTURISMO sushal. gamutin mo ako. hehe.
ReplyDeletewhy not kuya DAVE hehe. wow salamat naman. ;p
gusto ko rin niyan JERICHO hehe.
ReplyDeletesalamat sa pagdaan EDONG balik ka ha? hehe
wow! ang daming gusto!
ReplyDeleteisa lang namn ang gusto ko- malibot ang mundo =)
hantray..kung magiging field reporter ako, gusto ko habulin yung suspect na gwapo tapos magsesex kami hahahaha..why not,chocnut?
ReplyDelete