Thursday, March 6, 2008

pulitika monologues

i want president gloria-macapagal arroyo to stay until 2010.

sigaw ng mga raliyista ibasura ang executive order 464, binasura na ang order kaya ang bagong sigaw nila pakitang tao lang daw ang pagbasura. pwes sisigawan ko na rin sila at the top of my lungs, eh ano ba ang gusto niyo? ibasura o hindi? tsk. parang kahit ano ang mangyari ganoon pa rin. at parang crying over spilled milk ang drama ng mga chorva kasi hindi ba nabasura na ang nbn-zte deal? so ano na? hindi naman siya mangyayari, hindi tayo makukuhanan ng 100 million plus na datung kasi nga no deal na.

corrupt at cheat daw si gma. si cory at erap against her. as if naman ang ganda ng pamamalakad ni ate cory? remember the coup attempts ate? or the mendiola massacre na 13 ang namatay at marami ang nasugatan? excuse me sa labanan ng lupa hano? at si erap? mahiya nga siya sa ginagawa niyang paglakad sa kalsada. hello baka nakakalimutan niya na corrupt din siya? kaya please lang. nobody is perfect. kung sana gumanda ang bansa noong under nila. hindi rin naman.

people power 3? no way! sino ang ipapalit? hindi ko maimagine ang country under vice president noli. naku kahit nga yung mga obispong anti-gma walang mapresent na magandang kapalit ng president no. at nakakahiya kapag magpipeople power na naman. anong iisipin ng mga international boylets na sa tuwing hindi natin feel ang president ay maglalamyerda na lang tayo sa edsa. naku as if walang personal agenda ang mga anti-gma na iyan kasi nga excited na rin silang mapatalsik ang pangulo para sila naman ang magkakamal ng salapi. walang mangyayaring pagbabago sa pilipinas hangga't hindi nagbabago ang mga pulitiko. kaya please lang tama na.

kung economy ang labanan taob naman ang lahat no. ayon sa isang article sa net na nabasa ko ang economic growth sa admin ni gma ang pinakamataas na average na 4.6% compared to erap (2.8%-ano ito?), fvr (3.7%) at cory (3.8%) at tandaan na last year lang nakaexperience tayo ng 7% something growth rate na highest sa nakaraang 20 something years. dont forget the piso rin na highest performong currency in asia ngayon. oha! kaya kung ayaw nating maputol ang momentum ng economy huwag na tayong magmaasim. please sa kakarally ng mga tao tumataas ang presyo ng bilihin! sabi nila hindi raw nararamdaman ng mahihirap ang pagtaas ng economy pwes sabi naman ni mingu na aking friend kasi naman ang una talagang makakaramdam ay ang mga nagiinvest ng pera syempre dahil daw nasa pinakababa sila ng pyramid sila huling makakafeel. may point si ateng hindi ba?

sige sabihin na nating cheat si pgma at wala ng moral fiber sa buhay please lang huwag tayong magbait-baitan lahat yata ng presidente nangurakot! ako nga noong bata ako nangungupit ako ng barya sa nanay ko eh. kaya pwede ba. nobody is perfect nga. hindi na mawawala sa pilipinas ang corruption. siguro iminimize na lang soon. haha. kasi naman oa itong si abalos eh milyon talaga ang drama. ayan bukol na bukol talaga ala felix bakat. ano ba ang gusto nating pangulo: nangungurakot pero lugmok pa rin ang ekonomiya o kurakot pero bonggang-bongga ang economy? syempre sa bonggang-bongga na hindi ba? naku unti-unti nang nakakabangon ang pinas kaya huwag naman sana tayong magpadapa ulit!

hindi ba nila kayang maghintay ng 2010? bakit ba kasi inip na inip ang mga tao. ayan na naman kasi ang gusto na instant lagi eh. lagi na lang din kasing sinisisi sa gobyerno ang lahat ng bagay ultimo siguro pantaya sa lotto. eh kung wala ka ring gagawin para maging maayos ang buhay mo huwag ka namang makapal ang mukha na magmartsa sa kalye as if gobyerno na ang may kasalanan. huwag naman sanang iasa at isisi lahat sa gobyerno. tumingin muna sa sarili kasi baka sa self pa lang ay may problema na.

napanood ko sa bandila ang mga high school student na magpapadala ng mga hate mail. tse. iyon lang ang masasabi ko at may jingle pa silang ginawa na gusto raw nilang ilublob sa kanal si gma, tadyak tadyakan at ibitin ng patiwarik. duh? barbaric kids. ano ang tinuturo ng paaralan sa kanila? siguro tuwang tuwa naman ang mga anti-gma. kung gusto nilang mangyari iyon kay gma nasaan na ang kanilang moral fiber din? haaay. nakakainis. i mean hindi masamang ipahayag ang nararamdaman kaso nachicheapan kasi ako sa pambebengga nila.

buti na lang i so love the philippines. alam kong aahon dito tayo. basta maniwala lang tayo.

11 comments:

  1. haha pasensiya na TURISMO alam kong pati ikaw ay kunsimido na. hehe

    ReplyDelete
  2. haaay kc. thanks for showing this side of you. not that i am complaining or irritated or whatever. ikaw yan bakla and i dont pre-judge (i just pre-cum.)

    consider this na lang: sa sebrang gravacious ng hitad na gma sa pananalakay, pangungurakot at lahat-lahat na, some people would even bite the idea of having noli replace her until 2010. 1.5 years may be too long for some people who hate the man but just way too short for the next elections.

    erap had charisma but he lost the seat in 2 years. what of noli, the man without gall and gull.

    i love this country that's why i hate her.

    ReplyDelete
  3. gusto kong si joseph durano maging president para more more promotions ng pilipins..at ak oang magiging creative director ng mga ads ng philippine tourism..

    at nagresearch ka pa talaga ha ateng?may mga istatistiks chuva ka pa

    ReplyDelete
  4. i agree that walang perfect na tao...

    but im almost there! hahaha! chos!

    ReplyDelete
  5. naku alam ko namang anti-gma ka tiya KIKS pero okey lang. hehe. mas healthy naman sa isang friendship ang may differences para mag-grow ang isa't-isa and i respect naman your opinion eh. may iba nga lang na kaloka na hindi mo maipinta kung anuveh talaga ang pakay nila. ayun.

    mabuhay ang pilipinas dahil magkaiba man ang pagmamahal natin, iisa lang naman din ang gusto nating mangyari, ang umunlad ang bansa. ;p

    oo naman AJ matutuwa si sir bong niyan at si mam maningas pati na rin si sir galam. hehe.

    ReplyDelete
  6. excuse me lang BITTERBITCH ha? hehe.

    ReplyDelete
  7. I dunno what to say..... medyo malabo sa kin toh. Tama si Turismoboi. Ibang topic na lang. Chos!

    ReplyDelete
  8. hey kc! it's not a matter of nagmamadali. it's more of a matter of how much this country will sink further if she stays. but as kiks said, it's your opinion. so, still kudos to you ;)

    ReplyDelete
  9. I agree to some of your views regarding rallies na walang kapara-pararakan. Di lang ako masyadong kampi sa iyo nung i justify yung corruption na as if dapat na lang natin tanggapin.

    "ako nga noong bata ako nangungupit ako ng barya sa nanay ko eh. kaya pwede ba. nobody is perfect nga. hindi na mawawala sa pilipinas ang corruption. siguro iminimize na lang soon. haha."

    Ang sa akin parusahan kung may nagkasala. Kahit ilan pa ang nangurakot dapat parusahan para di na pamarisan.

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...