ewan ko ba kung ano ang sangkap ng araw na ito. i just feel sick pero hindi ko palalagpasin ang pagupdate sa aking bonggang-bonggang blog dahil sa aking interbyu experience kanina. so after ng aking exciting interbyu moments last week heto na ang kaputol ng awit.
a taste of the corporate world
federal land interview (almost)
8:30 am dapat nasa ayala avenue na ako sa may gt tower inernational. gumising ako ng 6 am at tinatamad akong bumangon dahil nga i feel sick at hindi pa rin masyadong naaalis ang agam-agam na napagkamalan akong matanda ng federal land dahil nga sa mga qualifications sa advertising and media planner post.
male, 24-30 years old.
grabe fine sige male na ako. hehe. weird kasi may female kaya sa interview at 20 pa lang ako! so i there fore conclude gawa-gawa ang lahat. chos. haha
with at least 1 year experience in advertising and media planning
what? hehe fresh na fresh pa lang ako mula sa classroom.
though yung iba achieve ko naman. kaso... basta. anyway sige na nga tutal nagising na rin ako kaya go na kahit na masama ang pakiramdam ko tutal sa real world wala silang paki kung may sakit ako unless ako ang queen ng england di ba?
the road to ayala
actually tinanong ko yung chuva sa fone kung paano pumunta. sinabi niya na bumaba ako sa boni ave ng mrt. check. at sumakay ako ng jeep or fx patungo sa rcbc.. then yun na. er hindi nasabi sa akin kung what jeep or fx... so bahala na. so mga 7:30 asa mrt na ako... shet pinamukha yata sa akin na holy week na kasi naman talbog ang penitensiya sa haba ng pila! kamusta naman. akala ko sa pagbabayad lang ng tuition meron nito. tsk. so sa wakas nakakuha na ako ng ticket ang susunod na delubyo ang tren. siguro 5 tren na ata ang dumaan hindi pa rin ako nakasakay dahil sa sobrang dami ng tao. para kasing fans day ni nora aunor at tirso sa sobrang dami ng tao. finally nakasiksik na ako.. pero shit! naipit sa pinto ang aking polo at pants. hahaha weird. buti na lang nakatalikod ako sa pinto kaya mukha lang akong nakasandal. haha. pagdating ko sa boni 8:30 na. shet im late. at take note dahil hindi ko nga sure ang jeep nilakad at hinanap ko ang gt tower. hawak lang ang address nito. grabe buti na lang hindi amazing race. then... nakita ko na!!!!!
the apprentice
ang ganda ng building! very corporate ang effect. parang ganoon ang iniimagine ng isang bata na pangarap magtrabaho sa isang bonggang company. so pumasok na ako. okey wala akong pen. tsk. bumaba ako ulit para bumili at bilisan ko raw sabi ni ate guard at magiistart na ang exam. okey exam pala muna bago interview. tsk. anyway ayun matapos kong bumili pinapunta niya ako sa board room. nang malaman ko na ang board room pagpasok ko...
mga 8 yatang mga tao ang nakaupo sa conference table at pagpasok ko lahat sila ako ang naging sentro ng atensiyon. uh ow. wrong room yata ako. hala ano ba yan magaapply pa lang ako mangaabala pa ako ng meeting or baka ganoon kadami ang panel sa interview?! grabe isang mahinang "good morning" na lang ang nasabi ko. well narealize ko nasa tamang room nga ako. applicants din pala sila. kumusta naman ate charo ako lang ang fresh grad. parang executive na kasi yung mga ibang tao run at parang sila pa ang mangiinterview sa akin. well unless fresh grad din pala sila... sa graduate school. hehe. so ayun nakakahiya lang ang feeling. inisip ko na no match na ako no pero siyempre dapat magmaganda pa rin ako.
the exams
ang drama pala ay exam muna. tapos parang magmomove sa next level ang papasa. antaray di ba? ang unang pagsusulit ay word analogy. so 30 minutes lang ang exam. ayun pinalipat kami sa 16th floor. then doon sinabi sa amin na ang papasa ay magmomove sa next test. sa isip ko, ano ba iyan sana naman pumasa ako kasi nakakahiya namang bumagsak sa unang eksamen palang! pagbalik ni quizmaster... everyone passed! yehey. one down. ang huling step yata ay interview. tapos gumuho ang mundo ko ng malaman ko ang next exam.... numerical chorva! in short math! my hatest and weakest subject! hala! hindi ba pwedeng iq test muna? pero syempre inisip ko mga pasweet math lang siguro iyon. weird naman kung algebra, geometry at trigonometry iyon di ba?
binigay ang scratch paper, text booklet at 30 minutes lang daw at bawal cell phone at calculator. good luck. so ayun simpleng math pero kamusta fractions eh nakalimutan ko na ang fraction!!!tapos mga multiplication na hindi rin pasweet. over 50 ang exam, sa number 23 na ako nang biglang... time is up! ay umeksena si kuya quizmaster!!!!! kaloka. hindi ko inaasahan. nagpanic ang iba binilisan nila para ifill answer sheet nila eh ako walang pagasa kasi si kuya ay isang kalabit lang ang layo sa akin. pft. alam ko na ang kapalaran ko.
eviction night
si kuya quizmaster ay bumalik bitbit ang aming mga test papers. iaannounce daw niya ang mga pasok sa next level. nakita ko. sayang iq test. sana yun na lang inuna. tsk. hehe. so ayun nagaannounce nga si kuya. yung mga natawag daw ay magproproceed sa next test yung isa raw inonotify na lang daw after six months. eh ate ako lang ang hindi natawag. sana sinabi na lang niya na hindi ako pumasa hindi ba? nakakaloka. haha. parang hesitant akong tumayo. shet. ganoon pala ang feeling sa pbb eviction hall. haha. kasi naman ako lang talaga ang aalis. haha. nakakahiya. feeling ko binoto nila ako para mapatalsik sa bahay ni kuya. haha 2 points daw dahil late ako at 1 point dahil sa hindi pagtapos sa math exam. haha. paglabas ko nasabi ko na lang na "magbabayad kayong lahat!" chos. haha. ayun okey lang. so much for the corporate world. di man lang ako umabot sa question and answer portion. well at least pasok ako sa top ten. hehe
lumabas ako sa magandang building ng gt towers na bitbit pa rin naman ang aking ultimate dream. i want to be a writer. wala siguro sa mga interior ng bonggang gusali ang aking pangarap at hindi siguro tinadhana na magsuot ako ng long sleeves at tie. kung ako ang tatanungin mas gusto ko pa ring magsulat. makipaglaro sa mga salita at makagawa ng isang mundong hindi kulong sa mga nagtatayugang gusali ng ayala. hinihintay ko na lang ang tawag. pilit ko pa ring dinadial ang linya. sana sumagot na siya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
manananggal sa bintana mahina ang hum ng tv habang sinasabayan ito ng mga kokak ng mga palaka sa tag-ulan. malalim na ang gabi at naluluno...
katabi lang namin ang gt tower as in dikit..sayang kung alam ko pwede tayo magkita..
ReplyDelete-- -- wag ka mag-alala, oo magastos at taxing ang pag-aaply ng work..been there done that,
pero ang kinaganda ng pag-aaply ay makakabisado mo ang makati or ortigas or qc at kung saan saan pa..
marami kang makikitang tao or makikilala
tapos na-iireflect mo ang experience na ito sa buhay mo sa darating na panahon..
practically speaking makakailan ka pang apply at ilang work bago mahanap ang gusto mo.. or you can be as just as lucky
alam mo ba sabi ni leann rimes..kasi people describe her as overnight success.. "yes overnight success, after ten years of hard work"
kaya i pray for your good health and resiliency instead of getting your dream job..
dream job=hard work
sayang nga kuya DAVE well dadalhin din ng tadhana na magkita tayo.
ReplyDeletemagastos nga ang magaapply! kailangang bumawi sa suweldo! ahaha.
sana nga makita ko agad ang aking dream job.... it's like waiting for my dream guy in a dream world.
well i wish hindi na ako magising sa dream na iyon. hehe
atleast in good spirit pa din ang lola sa paghahanap ng work at honest na tumatanggap ng liggwak and failure. Sa susunod pag lumabas ka sa mga ganung sitwasyon sabihin mo "Sori kayo, di nyo alam ang pinakawalan nyo." Sabay lipad..
ReplyDeleteoo naman kasi para mapuntahan ko ang daan ng tagumpay dapat matuto akong umamin ng kabiguan. di ba STRAYCAT? hehe
ReplyDeletelab da last 3 sentences...
ReplyDeletehmf, lalo sa corporate, ayaw na ayaw ko (barfing sound)..hehe
wow salamat naman NAPUNDING ALITAPTAP! hehe
ReplyDelete