amoy na amoy ko na ang diploma. heto na kasi ang last school day ko literally. well imbis na nasa classroom ako nandito ako sa library nagbloblog at siguro ililitanya ang aking 17 taong pag-aaral mula nursery hanggang ngayong fourth year college. wala lang. akalain mong 17 years na ang lumipas at ito na ang huling marso ko bilang estudyante. for seventeen years nasanay akong maexcite sa tuwing sasapit ang summer vacation pero ngayon iba na ang lahat. iba na ang summer wala na siyang vacation kasi vacancy na ang habol ko ngayon. sana makahanap ako ng trabahong gusto ko. 17 years of academic journey
pre-school in twinkle toes
nung nursery at kinder ako sa isang parang day care center ako sa bignay st. sa may quezon city ako nag-aral. twinkle toes ang pangalan ng school namin. ang cute noh? ahihi. iilang class lang ang meron noong 2 ata isang am at isang pm mula nursery hanggang prep. masaya kasi more more games noon at naalala ko pa noon na may activity na meron kaming guhit sa mukha para mukha kaming pusa. well hindi ko na maalala. noong prep lumipat kami ng cabanatuan city kasi doon na nadistino si mama sa work kaya ayun. ang section ko noon ay st. rita at si mam oanes ang adviser namin.
elementary in cic
sa college of the immaculate conception ako naggrade school(nagprep din) upto high school. siya ang first ever catholic school sa nueva ecija. taray di ba? hehe shet sa autograph coke-in-can ang nilalagay namin sa school kasi nga cic. cool di ba? hehe
grade 1-st.agatha ako si mam medina ang adviser at sibika ang kaniyang subject na itinuturo. dapat st. rita ako nun first section kaso nag-attitude ako sabi ko kay mam dalacat ayokong umalis sa section na iyon. haha. iyakin din ako nung bata. ayan wala na tuloy akong maiiyak ngayon.
grade 2-st. isidore naman ako na ang adviser ay si mam de guzman with her science subject. may classmate ako noon na nagkacrush sa teacher namin na si mam balitayo na nagtuturo ng english. siya si paolo na binibigyan ng flower si mam. hehe. ako kaya bigyan niya ng flower. chos.
grade 3-st. vincent ako at hala nakalimutan ko adviser ko nung grade 3. haha
grade 4-st. john ako na si... er hala i forgot my adviser again. pasensiya bawal ang pork... bawal ang beans... haha si mam medina ulit naalala ko eh.
grade 5-st. jude ako. si mam balitayo ang adviser namin at language teacher siya. sakit ng ulo raw section namin ahaha. kiyeme nagmamaganda ako kasi top 3 ako sa klase eh. naalala ko na natapunan ng bubble gum yung classmate ko sa buhok. wahaha.
grade 6-st. justin naman ako. kami yata first na st. justin kasi kakagawa lang yata ng section na iyon noong year na iyon. si mam judy ang aming taga-payo teaching reading. ayun last year na sa elemtentary. sosyal kami kasi millenium batch kami eh.
high school sa cic pa rin
or we fondly call it ci
noong first year san agustin ang aking section. well ewan latak yata iyon ng mga late nagenrol. kasi naman hindi ko balak magaral sa school ulit namin. kaso bumagsak ako sa isang science high school. actually hindi ako bumagsak, tinanggal ako sa slot. ang pulitika nga naman doon oh! tsk. deadma lang. pero grabe ang section namin noon ang daming bading. nakakainis. haha. gay hub na yata kami noon. wahaha. kaya ayan naging in touch to the next level ang aking femininity. huling crush kong gurl dito na sa level na ito. yuck. akalain mo. kadire. ahehe. eh ariba ako noon kasi nagcommendable student ako. si mam dela vega ang adviser namin na the ang subject.
so dahil commendable student ako naging first section na ako noong second year, sta. clara naman ang aming section. masaya naman. deadma si sir galam sa aming klase na inaadvisan niya dapat. haha. commendable ulit ako! hehe.
third year paggalang kami the next year at syempre pers section ulit. ahihi. si mam hernandez ang adviser namin na pe ang itinuturo kaya kaloka pe ang first subject. mabaho ka na sa susunod na klase mo. hehe. nabengga ako sa commendable dahil sa letseng chemistry!
fourth year kapayapaan! ito pinakamasaya sa high school life ko. kumandidato ako sa high school student council bilang business manager at nagwagi ako. hehe. hindi na nga lang ako commendable ulit. basta uber saya ng aking fourth year.
college sa uste
1ca3.2ca2.3ca2 at 4ca2
ang aking block section. well naiba kasi akala namin ishushuffle kami noong second year eh section lang pala binago. hehe. naging classmate ko si mrs. j noong second year kasi natanggal siya sa section niya noong pers year. hehe. masaya ang aking college life. more more theater and bonding. basta wala akong pinagsisisihan. hindi pa ito ang goodbye post ko.... tumatakas lang ako sa mga kamushyhan... hehe.

hay i will miss school.
***
photo credits:
diploma
school is great
woi, congrats! congrats!
ReplyDeletelet's celebrate! haha.
O diva? Mazarap talagah ang feeling ng nakatapos na ng school anetch?
ReplyDeletePahinga ka muna ng konti. A little vacation. Tapos go find a work. Another leche yan. Kaya good luck!
Chos!
im speechless.. your happiness is overflowing.. congratulation!
ReplyDeletechalamats naman kuya ARJAY hehe. cheers!
ReplyDeletehehe masaya nga po tiya LYKA medyo bittersweet kasi nga paalamanan ang drama. pero okey na rin. another chapter kumbaga ng buhay.
whatever but thanks anyway JASON...
ReplyDeleteapir kuya DAVE gagradweyt na ako! hehe
congrats. and welcome to the real world. ^^
ReplyDeleteAy! hindi ko kaya ang memory powers to the highest level. mula kinder, in fairness. gifted ka KC!;) seriously, congrats!
ReplyDeleteSarap talaga ng feeling kapag gragradweyt ka na. Pag nag-aaral ka kasi gusto mo makatapos na para makatrabaho. Pero pag tapos ka na, papanalangin mo naman na sana nag-aaral ka nalang.
ReplyDeletePagradweyt mo,di umpisa ng saya. Umpisa ng mas mahirap na pakikibaka. Ang tunay mong mundo.
Well, dahil sa taas naman ng memory mo sa pagbanggit ng mga adviser mo, malamang magiging successful ka din. Hehehe...
pagkatapos ng paghihirap...
ReplyDeletegraduate ka na!
Wow! Advance congrats sa'yo Skeleton!
ReplyDeletenaku, i don't know if i'll be congratulating you. but welcome to the world of unemployed/underemployed! hehehe...
ReplyDeletenaku real world na nga COACH this is it.
ReplyDeletemaraming salamat naman JERICHO pero good luck kasi ngayon nakakaexperience na ako ng short term memory loss! waah nakakabaliw nga eh. hehe.
sana nga STRAYCAT pero ako ngayon pa lang alam kong mamimiss ko ang pag-aaral.
ReplyDeletenaprepressure na nga akong lumabas sa tunay na mundo. sana talaga makuha ako sa trabahong gusto ko. hay.
korek ka diyan kuya COLDMAN!
apir EXCEPTIONAL salamat sa pagcongrats. hehe
ReplyDeletewaah WANDERING huwag naman sana! gusto kong magtrabaho at makatulong sa pagasenso ng pilipinas. hehe
may tanong pala ako.. paano gawing bold 'letters' yung mga words..kahawig ng ginagawa mo sa mga comment-replies mo po..please.. thanks.
ReplyDeletemadali lang kuya DAVE, ganito siya:
ReplyDeletepag bold palitan mo ng letter B yung asterisk sa <*> tas yung closing tag lalagyan mo lang ng / bago yung letter sa loob ng <*>.
tas ganito format
<-b->word<-/b->
note:nilagyan ko lang ng (-) para makita ang html tag pero sa actual wala ang dash sign. ;)
pag itilicize naman letter I ang ilalagay. ayun.
sana nakatulong. thanks. ;p
tangek misis si misis virginia espiritu adviser mo nung grade three, sibika ang itinuturo niya..peyborit ko iyon kaya 96 ako..
ReplyDeletenung grade four ka, si miss avelina rivera anuvehyen ang ulyanin mo na..math itinuturo niya..81 lang lagi grade ko punyetang math yan
ay pasensiya naman AJ haha buti ka pa naalala mo iyong adviser ko kahit hindi tayo magkaklase. hindi pa nga tayo friends nun eh. dinedeadma ko ang kaveklaan mo. haha.
ReplyDeleteuste ka pala. well, it shows. judging from the retarded posts. joke lang.
ReplyDeleteps.
why can't wordpress blogs can't post on here. it just cant.
medyo nagulo ang mundo ko dun sa PS ni pat ^^. haha!
ReplyDelete