Wednesday, April 9, 2008

100

need to say more? syempre hindi na di ba? hehe. ito ang ika-isang daan kong blog entry! pero actually weird no? kung tutuusin pwede namang magcelebrate kahit ika-56th or ika-89th blog entry pa iyan. haha. well iba kasi ang 100. isang achievement kumbaga. pero ang saya ng feeling na isang daang walang kuwenta, masaya, malungkot, maganda, wala lang, kapanapanabik na blog post na pala ang naisusulat ko rito sa aking blog. mga isang daang damit na pala ang nasisilid ko sa aking aparador. isang daang mga muni-muni at isang daang beses na palang nagtae ang aking bolpen dito. akalain mo iyon? congrats naman!


oo 100th year na ang up. okey. masaya sila kasi hindi naman ako up grad, tomasino ako kaya hindi iyon ang pagtutuunan ko ng pansin. well ang 100 peso bill ay mahalaga sa ating lahat! pera iyan eh. hehe. kulay ube pa. ang sarap sarap ng ube. sa panahon ngayon kailangan ko ng kumita ng aking sariling isang daan. maraming isang daan. libo-libong isang daan! limpak-limpak na isang daan. in short, mukha akong isang daan. kamukha ko na si manuel a. roxas. may tanong ako, ano english ng isang daan?

tama. one way. there is no way but one way. haha. weird yung phrase. parang walang sense pero meron. basta sa kahit na anong problema feeling ko laging may iisang paraan. hindi pwedeng wala. kaya weird siguro yung reasoning na, "nagpakamatay siya kasi wala na siyang magawa." meron kaya siyang nagawa. nagpakamatay siya. haha. so kahit papaano may nagawa siya. haha. adik. isang daang problema man ang dumating there is still one way to solve it! napakaoptimistic no? pero i guess iyan ang kailangan kong sandata to move on sa cruel world. pero may isang tanong ang nagtatago sa 100 piso... kung naliligaw ka malalaman mo ito... sandaan? hehe saan nga ba ang daan patungo sa nagtatagong pangarap?(emoterang linya parang title ng film noong 80s.)



eh di nasa isang daan. kapag kasi dalawa ang daan nakakakompyus pa di ba? hehe eh di pumili ng isang daan patungo sa isang pangarap na nais abutin. kahit isang daang talampakan pa ang taas niyan o isang daang hakbang ang kailangang tawirin, go lang! hindi naman siguro madali ang pagtahak sa dream na iyon at wala ng madali sa panahon ngayon. kailangan pa rin siguro ng umaatikabong extra challenge at pagsali sa suvivor o pagkakakulong sa bahay ni kuya bago pa matupad ang mailap na pangarap na niyan. sangkap na kumbaga ang sumpa at paghihirap sa tagumpay. oh well basta mararating ko naman siguro ang aking pangarap na bituin. sana.

tatahakin ko na lang ang isang daan na magtuturo sa akin kung saan. maligaw man ako, magtatanong ako kung san daan? dahil alam ko namang may one way pa rin para makaalpas ako sa labyrinth ng challenges, o para mapabilis mamasahe na lang ako with my 100 peso bill!

ayaw kong paawat sa pagkonek no? pagbigyan na, season ender na eh!hehe. oh zsa zsa zaturnah hanggang sa susunod kabanata! panibagong daan na naman ang tatahakin ko. samahan mo pa rin ako ha?

***
picture source? click the pic.

14 comments:

  1. Congats! Sana marating mo ang paroroonan with your 100.

    (At sana maka-100 kang lalaki doon. Chos!)

    ReplyDelete
  2. Congrats sa 100th post. Hindi kinaya ng powers ko ang pagkokonek mo. Nevertheless, maayos naman ang naging transition.

    ReplyDelete
  3. Mabuhay ulet! You are a dedicated blogger.

    ReplyDelete
  4. bibigyan kita ng award para sa "best connector" lahat talaga nagagwan ng kunek ni bakla oh..eh well, good luck girl

    ReplyDelete
  5. korek...aj!

    haha...

    ay nako ate! magaling magling magling!

    hahaha.. pero mas marami pa pala akong na post!

    leche!

    ReplyDelete
  6. wow centennial post!

    congrats! keep it up!

    ReplyDelete
  7. haha sana nga ate LYKA para maging kapanapanabik ang lahat.

    ay kayanin ko sana ang isang daang boyssss.. mmmm

    ayaw ko kasing magkonek the dots KC. hehe. pinilit ko talagang matupad ang balanse. haha

    ReplyDelete
  8. ay nakakaiyak naman ang mensahe mo kuya DAVE! haha naman. im a certified blogger eh.

    oh nasaan na ang award ko AJ? haha.

    ReplyDelete
  9. eh paano naman hobby mong magpost MISIS J haha.

    naman TURISMO wala ba akong premyo dahil 100th post ko na? hehe

    ReplyDelete
  10. Congrats for reaching 100 entries! I'm looking forward to reach my 100th. Tagal pa.

    ReplyDelete
  11. mabuhay!!! naway umabot ka until the 100,000th post.

    woof!!

    ReplyDelete
  12. mabuhay ang ika-100! at least ito may halaga pa kumpara sa PhP100. ching!

    ReplyDelete
  13. thanks EXCEPTIONAL, BRYAN and JERICHO!

    cheers!!!

    ReplyDelete
  14. makakarating ka pa sa 1000 post!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...