Thursday, April 3, 2008

ang pagtatapos bow

sa wakas. isa na akong official fresh graduate. grabe ha? natuludkan ko na rin sa wakas ang pangungusap na 17 taong ko ring sinulat. panibagong daan na naman ang tatahakin ko. im so anxious sa future kasi nga nakakatakot ang mga bagay na hindi natin alam hindi ba? well sabi nga ni big brother malalaman din natin ang kasagutan sa takdang panahon. hindi ba? hehe. excited na ako sa new horizon na aking tatahakin. wish me luck!
***
yung graduation namin noong lunes naganap sa picc. ayun ang haba wala akong masabi. pero masaya naman. akala ko nga may mga luhang dadanak, eh wala tawanan at landian ang namutawi. si mudang pala sinama ko at nanggaling pa kami from cabanatuan. iba ang feeling suotin ang toga kasi feeling hermione ako dahil ala robes ito. hehe. kulang na lang wand. pero seryoso, ganoon pala ang pakiramdam ng pamamaalam sa nakasanayan ng buhay. kailangan nang maghello sa new life.
***
naalala ko noon na ateneo ang dream school ko. pwes ang nasabi na lang ng ateneo sa akin ay in your dreams! haha. bumagsak ako sa entrance exam ng ateneo which is expected naman kasi mapapakapit ka talaga sa silya mo dahil sa nosebleeding questions. argh. noong nareceive ko ang letter from ateneo alam ko na ang kasagutan kasi naman ang nipis. haha. aba ang ganda ng letter! sulit yung 500 na bayad. kasi glossy, colored at ang sulat talagang may mga pampalubag loob pa. hehe. ayun doon nagtapos ang aking ateneo dreams.
nagexam din ako sa up. okey lang ang exam pero bumagsak ako ng point something sa upcat. sa up baguio raw keri ang grade ko. eh huwag na. so isa na lang. ang ust entrance test o ustet. dumayo pa ako sa maynila para lang magexam sa ust ha? sa tatlong ineksaman ko ustet ang pinakamadali. haha. ayun achieve. obviously pumasa ako. madamdamin ang araw ng paglabas ng resulta kasi nahimatay yung isa kong classmate noong nalaman niyang hindi siya pumasa. physics class noon biglang nagcollapse si ate. ayun. akalain mong mahigit apat na taon na ang nakararaan noong nalaman kong pasado ako sa uste? ngayon aalis na ako. tapos na. siguro naipasa ko ang isang mas malaking entrance test sa buhay no?
***
isang mahalagang yugto ang nagsara sa aking buhay pero syempre sabi nga kapag may nagtatapos may nagsisimula hindi ba?
ano kayang magandang pakulo sa ikalawang yugto? ;)

11 comments:

  1. ano nga kaya ang kwentong kc as a working girl? chos! keep the stories coming ..;)

    ReplyDelete
  2. congrats po!

    advice: wag mamili ng work, wag gumaya sa akin

    kung anong unang dumating grab it!

    i remember my grad rites din tuloy

    at ung bacca mass din hay!

    the good old ust days of my life

    ReplyDelete
  3. congrats and welcome to the real world!

    ReplyDelete
  4. haha why not JERICHO? hehe exciting. hindi ko pa maisip kung paano ang aking chapter 2. hehe

    salamat kuya TURISMO sa payo. hehe. nako oo nga naman pero kailangan ko ring masunod ang aking puso. kasi ayokong mapunta sa trabahong hindi ko naman gusto. hay... para mas fulfilling.

    ReplyDelete
  5. salamat naman BUNSO at COLDMAN! hehe

    palakpakan.

    ReplyDelete
  6. taann..tananan..tanana..tanana..tnanana.. (enuf of the tananas..basta yan ung grad march hehe)

    congrats kiddo!

    so what's next? uhmmm.. welcome to bum life! :D joke! masaya yan. kahit ano applyan mo xempre un ok nman noh..wag muna tumingin sa salary..isisping ang main goal sa ngayon ay magkaron ng work experience. make money out of your passion, in that way hindi ka mabuburyong sa trabaho.enjoy and have fun.

    congrats ule!

    ReplyDelete
  7. congrats KC!

    next chapter ka na!!

    ReplyDelete
  8. Congrats Kalansay Collector! Aabangan ko ang Chapter 2 ng buhay mo: KC at work.

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...