isang normal na umaga na alam ko namang hindi normal...
may magaganap.
ngunit hindi kagaya ng ibang bata, excited ako sa araw na iyon.
sa wakas.
tinawag na ako ng tita ko kasama ko ang pinsang kasing edad ko at naghahanda kaming umalis. naririnig ko na ang vroom vroom ng tricycle. walang mapagsidlan ang pananabik. at kaba. at takot. at pagkaatat. sino ba ang gustong matawag na supot sa pasukan? umandar na ang tricycle at alam ko kung saan ito patungo. hindi na nga ako makapaghintay. nang matanaw ang medyo kupas na puting gusali ng ospital sa probinsiya medyo nakaramdam ako ng takot. at kaba. at pagkabalisa. heto na.
hindi lang pala kami ng pinsan ko ang naisipang binyagan. sa linya naghihintay kaming makatay ang aming mga ibon. may kaba. pangamba. takot. lumalabas ang mga lalaking hawak ang pundiya ng shorts. nang kami na ng pinsan ko, sabay kaming pumasok sa klinik. aba aba nagmamatapang siya kanina. ako ang pinauuna. nawala ang pananabik. kaba. takot. pangamba na lang ang iniisip.
pinahiga sa isang kama. sandali maghuhubo ako sa harapan ng dalawang babae at sa harap ng lalaking doctor? sandali. inatake ako ng kahihiyan. hala. wala na akong nagawa. hinubaran na ako.
tita: medyo binabae siya
nurse: talaga?
doc: (habang ginugupit ang balat) ito ginagamit ito sa girls hindi sa boys... (sabay tawa nila)
aba nakuha pang manermon. pagkatapos umiyak ng pinsan ko habang ginugupit ang balat niya. lumabas ako na alam ko binata na ako, alam kong sa girls lang siya dapat gamitin. yun ang alam kong tama noong panahon na iyon .
pero ngayon isa iyong malaking pagkakamali.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
very nice... mag-hihigh school na ako ng tinuli ako.. lalo akong na-intimidate..
ReplyDeletehahaha.
ReplyDeletei miss you. ;p