ang lamig sa office
ang sakit sabihin ng salitang office, namimiss ko ang school
ay walang katulad
para akong nasa alaska
as if alam ko ang feeling sa alaska eh hindi pa ako roon nagpupunta
at literal na nanginginig ako at nagtataasan ang aking mga balahibo. baka friday the 13th kasi kaya ganoon.
ako lang mag-isa sa cubicle na parang popsicle na nga sa lamig.
uuy pinipilit magrhyming. heto ba ang sanhi ng friday the 13th? o baka ng global warming?
nakikipagkindatan sa akin ang cursor kasi wala akong maisip isulat.
heto ba ang sanhi ng friday the 13th?
nakakafrustrate ang cell phone ko dahil pag tinatawagan namamatay o kaya'y nagchacharge pero one bar lang pala ang naiipon. nakakainis ang kubeta namin kasi ayaw magflush, ang motto tuloy ng mga jebs ay "i shall return". e punyetang kakareturn iyan nag-aksaya na ako ng limang timba (and counting) ng tubig pero hindi pa rin nagtatitanic ang mga ebs.
heto ba ang sanhi ng friday the 13th?
ang mga yabag ng mga pauwi
at parating
nang mga empleyado ay damang-dama ko na. ang lalim ng iniisip ko ngayon. nalulunod na nga ang mga brain cells ko sa kalaliman eh.
bakit napakapangit ng pinoy idol?
mas maganda pa ang philippine idol. oh hindi ba ang lalim? haha.
heto ba ang sanhi ng friday the 13th?
nakakaadik.
si tiya ces drilong kumusta na kaya? naku sana masave sila. hindi tuloy makumpleto ang ending spiels nina korina at henry sa bandila.
diyahe. sinisigawan na ako ng aking istomak. gutom na raw siya. ang sabi ko naman, wow nagsasalita ka. chos.
heto ba ang sanhi ng friday the 13th?
wala talaga akong maisulat. tae. uuwi na ko.
ito nga yata ang sanhi ng friday the 13th.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
hahaha!
ReplyDeletewag mong isisi sa friday the 13th ang kawalan mo ng inspirasyon para magblog! hehehe..
oo nga, sana masave na si ate mong ces.. nirape kaya siya? sana ndi noh..
mamaya na ang PDA!!! kawawang Pinoy Idol.. konti na lang nga nanunuod, mababawasan pa!
hahahaha para may paghugutan.
ReplyDeletenaku ate magdasal tayo sa ngalan ni tiya ces. huwag namang gahasain kaloka. ako na lang huwag lang siya. chos. haha.
naman naman! ibasura ang pinoy idol. buksan nating muli ang academy. haha
hmmm...bad nga ata ang sanhi syo ng friday the 13th...baka pagnabasa u un nasa blog ko tungkol s friday the 13th mas lalo ka maasar..hehe
ReplyDeleteMALAMIG DAHIL SA AIRCON! HINAAN MO KAYA!
ReplyDeletesisihin ba ang lamig sa friday the 13th?! or sa global warming! tse!
BUNSOmaaari nga. ako malas. hahaha.
ReplyDeleteMRS. J ayokong mamemo. haha
naks working ni talag si kalansay!
ReplyDeletejacket at kape lang ang katapat ng freezing cold na dulot ni erkon.
friday the 13?????
hehehehe.. pana pnahon lng yan :)
masya ang friday the 13th ko..sobrang saya!
Hahah nakakatawa.. lahat sinisi sa fri 13th. hhheheheheh!! napadaan lamang po. tabi tabi po. ;p
ReplyDeletecongrats ate PEN at hindi kahindikhindik ang biyernes de trese mo. hehe.
ReplyDeletechalamat TENTAY sa pagkakaligaw mo rito hano? hehe.
***
narealize ko parang may titlena rin ako na ganitong post... tinatamad akong umarchive. hehe.