ang bilis ng panahon no?
dati sa notebook lang ako nagsusulat ng mga kadramahan sa buhay samantalang ngayon hindi na uso ang dear diary dahil mas cool ang blog.
ang bilis ng panahon no?
dati kasi mga rosing, loling, reming, bading... ngayon jolens, milenyo, frank (sosyal), igme... dati kasi basta nagtatapos na sa ing pwede ng pangalan ng bagyo. ngayon choosy na ang pagasa. susyal nga ang pangalan hindi naman mahulaan kung saan talaga tatama. nako wala ng pagasa ang pagasa.
ang bilis ng panahon no?
ang mga soap opera noong mga pinaghiwa-hiwalay na kapatid, pinagpapalit na mga anak, pag-iibigan ng mayaman at mahirap samantalang ngayon lumilipad na mga bida, may isda pa! at nagtataray na ang bida mo kahit masabihan pa ng golddigger in red!
ang bilis ng panahon no?
uso kasi rati mga action films na iisa ang plot at mga bold na talbog sa mga title gaya ng patikim ng pinya, talong, itlog ngayon mga teeny bopper at pasweet films na ang namamayagpag! at ang mga indie films na sinasabing pagasa ng pelikulang pinoy. sus iyong iba matawag lang na indie o art film iibahin nga istorya pero hala? artfilman lang naman.
ang bilis ng panahon no?
dati mga boyband ang uso ngayon mga banda na. pwede pang kainin ang mga ito mayonaise, cheese at kung gusto mo lahat ay sandwich!
ang bilis ng panahon no?
8.50 pesos na ang pamasahe at 50 plus na ang gasolina. dati 2.50 lang makakapagdyip ka na at wala pang bente ang gasolina. ano ba naman iyan.
ang bilis ng panahon no?
dati noong nursery nagbabaon pa ako ng mga goldilocks tinapay at juice or chocolait ngayon nagtratrabaho na ako sa isang network. hay. i miss my childhood.
ang bilis ng panahon no?
bukas kasi madadagdagan na naman ako ng edad. 21 na ako. hay tatanda na naman ng isang taon...
kay bilis talaga ng panahon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
Happy Birthday, Bruha! Congratulations, you are now a lady!
ReplyDeletehappy birthday! More blessings and journeys!
ReplyDeletemaraming maraming salamat tiya LYKA at COLDMAN.
ReplyDeleteregaluhan niyo naman ako for a change! haha
nakakatawa!! haha!! happy birthday, kalansay...hehe! im adding u to my blog roll..ciao!
ReplyDeleteaba.. happy birthday!... ambilis nga nga panahon. Dati boy ako ... ;)
ReplyDeletewow salamat naman at sinama mo ako sa blogroll mo RONEILUKE! hehe salamat!
ReplyDeletehaha jericha ka na ngayn JERICHO/.
leche, nalate na naman ako sa batian.
ReplyDeleteat 21 ka na?!
my god, matanda na nga kami ni lyka!
(pag umuwi ako, magpapakupkop ako sa inyo kasi baka isang araw lang ubos lahat ng ipon ko...)
sure...hehe
ReplyDeleteoo tiya KIKS bagets na bagets akey. hehe
ReplyDeletehafi hafi verthdei!
ReplyDeleteMabilis nga ang panahon
try mo habulin, maiba lang
GO!
Hehehehe