basang basa ang panyo ko ngayon dahil...
nanlilimahid na sa sipon.
side a, side b. nagrereklamo na ito dahil wala ng masingahang tuyo. wala pa ako sa bahay at syempre nagawa ko pang magnet niyan. haha.
i hate it kapag sinisipon ako. lahat kasi ng bahagi ng katawan feeling ko apektado. masakit ang aking ulo, makating ilong, naluluhang mga mata at walang panlasang dila. i hate it talaga. at paniguradong hindi maganda ang aking gising niyan. hay.
noong bata ako, oregano ang sagot sa problemang ito. mahilig magtanim si mother ng kung anu-anong halaman at malakas ang pananampalataya niya sa mga herbal medicine kahit na feeling ko iyong iba roon ay imbento na lang niya na nakakagaling ng ganito o ng ganiyan at nagtitipid lang bumili ng gamot noon.haha. so back to oregano tutal siya naman ang bida ng post na ito. may tanim din kaming oregano sa bakuran namin sa cabanatuan bukod pa sa fortune plant, palmera, orchids at kung anu-ano pa na pwedeng kutkutin ng mga uod at caterpillar. ang gagawin niya papakuluan niya ito at iyong napakuluang tubig, iyon na ang gamot sa ubo at sipon na dumali sa amin.
sus. noong bata ako gugustuhin ko pang lumagok ng cough syrup kaysa naman inumin ang mainit-init at mapait-pait na pinakuluang oregano! kay saklap ng lasa. sobrang pait pero well aminin na natin na epektibo naman ang dahon ng oregano. kaya sa tuwing tutulo ang sipon o kumulog ang ubo, naku reseta na ni mother ang oregano.
hay. may oregano ba rito sa maynila? sandali lang ha pipigain ko muna ang panyo ko, wala na kasing pwesto ang next batch of singa eh.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
hahaha!i suggest magtanim ka na lang..o manghingi sa kapit bahay kung meron sila! haha! kung clear ang kulay ng discharge at watery naku inom ka ng maraming tubig. kung may pagkayellow or green, magpaconsult na dhil bacterial infection yan..hehe! get well soon...magponstan ka na kaya? ciao!
ReplyDeletehahaha.. oregano din pinaiiinum sa amin ng nanay ko ng kapag may ubo kami..
ReplyDeletewala ka bang HMO diba? sayang naman para mag-pa-check up ka.. alagaan ang sarili.. d
pamagat palang astig na...ito ang blog!
ReplyDeletepwede rin RONEILUKE kaso sa polusyon ng kamaynilaan siguradong itim na ang katas ng oregano at baka lalo akong madedo. actually hindi ko alam kung tama ang iniinom kong bioflu. haha
ReplyDeleteer KUYA DAVE ano ang hmo? haha. pasensiya naman hindi ko alam.
EVER naks naman! salamat pangreview sa press ang drama mo ha. parang anong masasabi ng mga tao sa blog ni kalansay?
"pamagat palang astif na...ito ang blog!" - everlito (ever) villacruz
powerful! hehe
mas gusto ko pang magkatrangkaso kesa magkasipon... super high maintanance... oregano with calamansi juice, ang usual concoction ng lola ko...hahaha
ReplyDeleteWANDERER mas susyal ang lola mo ha? may calamansi moment pa. hehe. winner.
ReplyDeletedo you want a presciption?
ReplyDeletei think i need one ARCHIEMD!
ReplyDeletehaha
haha! nakailang tiklop na yang panyo mo?
ReplyDeletedi bale, may mga malalapit naman siguro dyang botika eh.. di nga lang agad matatanggal sipon mo...
bili ka na lang ng bathroom tissue :D
-
wei